Warning: SPG
Boyfriend
Napahawak ako sa aking labi pagkapasok rito sa kuwarto.
Inalala ko ang nangyari.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto.
Naisahan ako ni Tita!
Nilingon niya kaagad ako pero mabilis ring iniwas ang tingin.
"I missed you."
Kinalikot ko ang aking mga kamay na nasa aking likuran.
"A-Ah... gusto mo bang pumasok?"
Umiling siya pero hindi pa rin makatingin sa 'kin ng maayos. "I-Is it okay if we go inside my car?"
C-Car? Bakit doon pa? Hindi ba kami makakapag-usap 'pag rito?
"A-Ah... s-sige."
Marupok yarn, Kezz?
Ipinagbuksan niya ako't kaagad naman akong umupo.
Bakit kaya dito sa backseat?
Akala ko'y magsasalita o yayakapin niya kaagad ako pagkapasok niya, pero nanatili siyang walang imik at hindi man lang lumapit sa akin.
"May dumi ba sa mukha mo?"
Nilingon niya 'ko pero kaagad ring napatingin sa harap!
"N-None."
Bakit ba siya nauutal?
"Bakit ba hindi mo ako matingnan ng matagal?"
Napansin kong napakuyom ang kaniyang kamay.
"I-I'm not just comfortable."
Napakunot ang aking noo. "Bakit hindi?"
Napabuntong hininga siya. "C-Can you place your hair in your front?"
Front?
Tiningnan ko ang harap at... a-anak ng!
Mabilis kong ginawa ang kaniyang sinabi at napatingin na lang sa gilid.
"I-I'm sorry." aniya.
Ang tanga mo, Kezz! Wala ka nga palang suot na bra!
Hindi ako nakaimik.
"Hey."
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay kong nasa aking kandungan!
Unti-unti ko siyang nilingon at nakitang malapit na pala siya sa 'kin.
Napatingin ako sa harap nang hawakan niya ang aking baywang.
May mangyayari ba sa amin rito?
Huminga ako ng malalim at kaagad siyang hinarap.
Hinawakan ko ang kaniyang mukha nang iniiwas niyang muli ang tingin sa akin.
"Ang bagal mo!" mabilis ko siyang hinalikan.
Ngunit hindi pa nakakalayo ang labi ko'y kaagad na niya itong inangkin.
"Hmm... hmm.."
Sinabayan ko na siya sa paghalik at napapahawak na ako sa kaniyang dibdib. Ibinaba ko ang aking kamay pero hinawakan niya ito.
"Don't, love. I may fuck you here, and I know you aren't ready."
Totoong hindi pa ako handa, pero sobra-sobrang sensasyon na ang nararamdaman ko ngayon!
"P-Pero.... gusto ko."
Napaawang ang kaniyang labi. "Are you sure"
Tumango ako.
"Okay, but not here. We can do it next time."
Mabilis kong inalis ang hawak ko sa kaniya at ibinaling ang tingin sa gilid.
"Okay, tapos next time pa?"
Narinig ko siyang tumawa kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.
"I didn't know that you were lusting over me love."
L-Lusting?
Ano bang ginagawa mo, Kezz? Pinapahalata mo naman masyado na sabik na sabik ka sa kaniya!
"Bakit, ikaw? Hindi mo ba 'ko pinagnanasaan, ha? May paiwas-iwas ka pa ng tingin, e gustong-gusto mo rin namang tinitingnan!"
Napalunok ako nang sumeryoso ang kaniyang itsura at mas lumapit pa sa akin.
"I am. But I respect you. And... I just don't want anyone to think that there's an earthquake happening in my car."
Napalaki ang aking mata.
Ang tanga mo kanina, Kezz! Dapat sinigurado mo munang nakasuot ka ng bra bago ka lumabas!
Kaagad akong humiga at tinabunan ng unan ang aking mukha.
Sobrang sarap sa pakiramdam na kami na ulit ni Anz.
Bago ako pumasok rito sa bahay kanina ay nasabi niya sa aking makikisabay na 'ko sa kaniya palagi, pero tumanggi ako. Hindi naman sa 'di ko gusto, ayoko lang na malaman nilang may relasyon kami.
Pumikit ako't iwinala lahat nang naiisip para madali kong maitulog.
"Mas uminit 'yong ulo ni Ma'am sa 'yo, Kezz!" ani Mesh.
"Alam na sigurong kayo ni Sir kaya gano'n-"
Tinakpan ko ang bibig ni Rid.
"Baka may makarinig!" saad ko.
Papunta na kami ngayon sa room 307. Sa klase ni A-Anz.
Hindi ko ikinuwento kay Mesh ang nangyari kagabi.
Sa klase kanina kay Ma'am Lace, sa wakas, nag-discuss naman na siya, pero lalo nga lang nainis sa akin.
Ayoko nang alalahanin dahil nakakasira lang ng mood.
Nakausap ko na rin pala si Alid at sinabing hired na raw agad ako. Sobra ang pasasalamat ko sa kaniya.
Nandito na kami ngayon sa gym para sa klase namin kay Sir Pital.
Pagkatapos ng klase kay Anz ay pinaiwan niya ako at sinabing sabay kaming mag-lunch, pero hindi ako pumayag. Hindi puwedeng may makakita sa amin.
Naisip ko rin na bibili na lang ako ng cellphone kapag nakapagtrabaho na 'ko, para hindi na namin kailangang lapitan ang isat-isa kapag mag-uusap kami. Mahirap na.
Ikinalma ko ang aking sarili nang makitang papasok na si Anz na sa akin nakatingin.
Ang guwapo ng boyfriend ko!
Umupo siya sa kabilang bleachers katapat namin. Kung noo'y nakatutok siya sa cellphone, ngayon, wala siyang hawak at sa akin lang nakatuon ang kaniyang mga mata.
Pinapunta kaagad kami ni Sir Pital sa gitna, pagkarating niya.
Nag-stretch muna kami. Volleyball ang una, pero hindi pa kami maglalaro. Gagawin lang namin kung paano ang tamang paghawak, pag-serve at pagtira.
Alphabetically ang linya kaya malayo pa 'ko at malaya akong tumingin-tingin kay Anz.
Nagngitian kami't kinindatan niya pa 'ko.
Tiningnan ko ang paligid. Baka may nakakita at isumbong pa kami.
Kinabahan ako kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa mga kaklase ko.
"Okay, class, good job! Bring shirts and shorts, or jogging pants on Monday dahil uumpisahan niyo nang maglaro. Goodbye, everyone!" ani Sir at kinuha na ang kaniyang gamit.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...