Kabanata 31

37 7 0
                                    

Office

"The first one is separate. Which means that we are distinct from others. It may in terms of attitude, strengths and weaknesses, and so on. That's why we don't have to compare ourselves, because we are unique, and we have our own identity."

Tama.

Iba-iba tayong lahat. Dapat maging kuntento tayo sa kung ano'ng mayroon tayo. Pero kung nais nating i-improve ang mga sarili natin, dapat ay sa tamang paraan. Kung may mga tao mang nangmamaliit sa atin dahil hindi tayo tulad nila, o kaya'y wala tayo ang mayroon sila, huwag na lang natin itong pagtuunan ng pansin.

Ini-discuss pa ni Ma'am ang apat na characteristics at iba pang topic, pero hindi ko na naisaulo sapagkat naglalakbay na naman ang isip ko.


"That's all for today. Expect activities and quizzes starting next week. Goodbye, class."


Hinila kaagad ako nina Mesh at Rid papuntang gym. Doon kasi ang venue 'pag may mga programs o ano mang kaganapan.


"Dahan-dahan naman!"

Mas excited pa sa akin ang dalawang 'to. Pero sobrang akong nagpapasalamat sa kanila.


Kumapit ako sa braso ni Rid nang papasok na kami sa gym.

Marami na palang tao. Umupo kaagad kami sa bandang kanan ng bleachers dahil puno na iyong mga upuan sa gitna.

Nauna nang natapos kanina iyong College of Information Technology at College of Engineering.

Ngayon ay kami namang College of Management and Entrepreneurship. Susunod sa amin ang College of Arts and Sciences.

Mamayang hapon naman iyong College of Education at Institute of Criminal Justice Education.

Ipinabasa kasi sa akin ni Mesh kagabi iyong Group Chat ng school namin. Tapos si Rid at kaagad nag-chat kay Mesh na dapat may gawin kami ngayon.

Kaya mas lalo akong kinakabahan dahil nandito na kami.

"Good morning to all of you, College of Management and Entrepreneurship!"

Si Ma'am Rolana Dangi ang madalas nagho-host ng program namin dahil maganda at maayos talaga siya magsalita. Siya rin ang naging instructor namin sa Purposive Communication noong second year kami. Magaling siyang magturo at mabait pa.

"Bakit kaya wala pa si pogi?" pagtataka ni Mesh.

Inilakbay ko ang tingin sa buong gym at nakitang... wala pa nga siya.


"Nando'n si Ma'am Lace, oh."

Tiningnan ko ang itinuro ni Rid.

Nakaupo ito sa tabi nina Ma'am Abejo at Sir Pital.

"Papunta na iyon rito. Baka nagpapaguwapo lang kahit hindi naman na kailangan. 'Di ba, Kezz?" ani Mesh sabay hawak sa aking hita.

Hindi ako nakaimik.


Paano kung hindi siya pupunta dito? Paano kung naniwala siya sa sinabi nina Mesh at Rid kahapon? Baka iiwasan na talaga niya ako?!

O baka wala naman na talaga siyang pakialam sa akin, at ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga galaw niya?

"Garnering a General Point Average of 1.12... from the Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management, congratulations to our Top 1 Dean's Lister! Miss... Kezzrah Chareel Sandilio!"

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon