Warning
Napalaki ang aking mga mata, pero mabilis akong nakapag-isip.
Ibinigay ko kay Mesh ang bag ko. Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha, pero mabuting kinuha rin niya.
"Kindly look at me when I'm talking."
Napalunok ako. Dahan-dahan kong ini-angat ang aking ulo, pero hanggang sa dibdib niya lang ang tiningnan ko.
Siguradong naasar na siya ngayon.
"The exam is 100 points. It consists of three parts, and you have an hour to finish it. Miss Sandillo."
Napalunok ako.
"Can you distribute the exam papers to your classmates."
Ano? Bawal 'yon! Dapat siya ang magbigay para hindi ko makita ang mga questions kaagad! Ginagawa niya talaga lahat para pansinin ko siya!
At 'yong pagkakasabi niya'y hindi pa patanong, ah!
Tumayo ako't lumapit, pero hindi ko pa rin siya tiningnan. Inilahad ko ang aking kanang kamay at ini-abot niya naman, pero pinadausdos niya ang kaniyang kamay sa akin!
Mabilis ko itong kinuha at kaagad ibinigay sa mga kaklase ko.
"Sir, puwede po ba kaming sumagot sa likod nitong test booklet?" tanong ni Alid.
Speaking of Alid, nakiusap ako kay Boss Bert na hindi ako makakapasok ngayong exam week at naintindihan niya naman.
"Yeah. You can. Just no erasures."
Doon kay Ma'am Lace kanina, bawal sagutan sa likod.
"You may start." aniya pagkaupo ko.
Tiningnan ko muna ang lahat ng parts. Multiple Choice, True or False at Essay. Siguradong masaya si Mesh dahil walang computation. Sa finals pa kasi iyon.
Natapos ko nang sagutan pero mamaya ko pa ipapasa. Baka kasi kausapin niya 'ko kapag pumunta ako sa labas.
"You can pass if you're done."
Mabilis kong binuklat ang test booklet at kunwaring tsine-tsek ang mga sagot ko.
Sige, asarin mo pa ko para gan'to ulit!
"Kezz, bakit parang ang cold mo kay pogi?" pagtataka ni Mesh.
"LQ kayo?" tanong ni Rid.
Inakbayan ko silang dalawa. "Tumahimik kayo. Baka may makarinig. Ikukuwento ko na lang mamaya, okay?"
Nang nakapagpasa na kami lahat ay pinaiwan ako ni Anz, pero sinabi kong may exam pa kami. Pinilit kong hindi siya tingnan hanggang sa makalabas kami ng room.
"Kezz, doon sa number 2 sa multiple choice, anong isinagot mo?" tanong ni Mesh nang makaupo kami.
Dito sa gitna ng gym ang puwesto namin para sa exam. Marami ang nakaupo sa mga bleachers. May mga nagkukuwentuhan at mayroon ding tutok sa pagre-review.
Inalala ko ang tanong at sagot ko doon.
"May imposes of equity do'n sa tanong kaya, Theoretical Justice ang sagot."
Napatakip ng bibig si Mesh. "Hala! Fiscal Adequacy 'yong naisagot ko, Kezz!"
Napailing ako habang nakangisi.
"Ano ba 'yan, Shan! Ilang beses mo pa ni-review kanina 'yang Principles ng sound tax system, ah?! 'Di ba sa naisulat natin, ang meaning na nakalagay doon ay sources of revenue should be sufficient to meet the demand for public expenditure? Kaya ang clue natin, kapag may sources of revenue sa tanong, iyon ang Fiscal Adequacy!"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...