Relief
Tumingkayad ako't niyakap siya.
Iba ang saya na nararamdaman ko ngayon. Parang biglang nawala iyong takot ko sa anumang magiging kahihinatnan ngayong sinunod ko na ang puso ko.
Niyakap niya rin ako't hinalik-halikan ang aking buhok.
Humarap ako't kagad niyang hinalikan ang airport-este, ang aking noo.
Unti-unti niyang idinampi ang kanyang labi sa akin. Hindi ko iniiwas ang aking mukha kaya muli niya akong hinalikan. Ang kaninang dampi ngayo'y lumalim na.
Sasabayan ko na sana nang marinig ko ang pagbukas ng pinto!
"Grabe, Kezz! Baka kung hindi kami dumating ni Rid, siguradong nag-ugh na kayo!"
Tinakpan ko ng unan ang aking tainga. Kanina pa niya 'yan sinasabi mula nang maihatid kami ni Rid rito sa bahay.
Sa klase namin kanina kay Sir Medrisa ay itinuloy niya ang discussion at may sinagutan lang kaming isang activity.
"Ano'ng lasa ng labi niya, Kezz? Masarap ba? Siyempre, oo 'yon! Siguradong malambot din! Oh, my! Anong naramdaman mo kanina? Siguroz bibigay ka na sana, 'no? Ay, hindi iyon siguro kasi siguradong-sigurado, Kezz! Siguradong-sigurado!"
Nabawasan iyong kaba ko kanina nang sina Mesh at Rid pala iyong nagbukas ng pinto.
"Akala namin kung napano ka na dahil ang tagal mo kaya pinuntahan ka na namin! Iyon pala... may nangyari talaga! Isang kababalaghan! Rated SPG!"
Napapikit ako.
Kami na ba talaga? Parang kanina lang susuko na 'ko, tapos biglang ganoon!
"Pero Kezz, curious ako."
Idinilat ko ang aking mga mata at nilingon si Mesh na nakaupo na ngayon sa kama ko.
"Hindi ba sabi nila, kapag nabibitin ang lalaki ay sumasakit iyong puson? Hala, Kezz! Baka masakit puson ni pogi! Massage mo bukas okay-aray! Tatampalin ko din braso mo, sige ka!"
"Change topic na nga lang, Mesh!"
Kung anu-ano na naman ang naiisip ko!
Tinaasan niya ako ng kilay. "Asus! Painosente pa! Hoy, Kezz! Nasa tamang edad na tayo! Dapat open-minded hindi iyong change topic change topic!"
Kapag gan'tong bagay talaga, ang dami niyang alam!
"Naramdaman mo bang tumigas 'yong gitna niya, Kezz? Naku, sigurado 'yon kasi naghalikan kayo, e!"
Niyakap ko ang unan at inalala ang nangyari kanina.
N-Naramdaman ko ngang matigas! No'ng magkayakap kami'y parang hindi pa. Pero nung naghalikan na kami ay biglang tumigas at masarap sa pakiramdam no'ng naidikit na sa akin.
"Siguradong malaki alaga niya, 'di ba, Kezz?"
Napalaki ang aking mga mata.
"Oh my, Kezz! Bakit ganiyan reaction mo? Nakita mo na? Oh, sh*t! Nakita mo na nga, Kezz! Anong itsura? Malaki ba? Mataba? Ano, Kezz? Ano?"
Bumangon ako't mabilis tinakpan ang kaniyang bibig.
"Mesh, ano ba! Baka marinig ka ni Tita!"
Tinanggal niya ang aking kamay na nakahawak sa kaniya.
"Okay, okay, sorry. Pero ano nga kasi? Sabihin mo na! Nahawakan mo na rin ba ha, Kezz?"
Napalaki muli ang aking mata.
"Hala, sh*t! Ang suwerte mo!" niyugyog niya ako.
"Ano ka ba! Nagugulat lang ako sa mga tanong mo! Hindi ko pa nakikita at nahahawakan!" depensa ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Asus! Huwag mo ng i-deny, Kezz! Kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala!"
Muli akong humiga.
Hindi naman kasi talaga, e. Pero ayoko nang i-defend ang sarili ko dahil hindi niya rin naman ako pakikinggan.
"Gail! Kezz! Kain na!"
Napatigil kami ni Mesh at kaagad nang bumaba para makapaghapunan.
"Ang galing mo, Ma!" nakangising sabi ni Mesh.
"Ha? Kumain ka na nga lang, Gail!" ani Tita.
Napalunok ako nang makita ang nasa mesa. Bakit pati sa pagkain ay parang.... nadi-demonyo ang isip ko!
"Kezz, anong gusto mo? Itong hotdog na mahaba pero payat, o itong longganisa na maliit pero mataba?"
Tiningnan ko ng masama si Mesh.
"Ano na namang binubulong-bulong mo diyan, Gail? Ito, kumain kayo ng tahong. Binuka ko na nang mabuti para makain niyo kaagad. Maganda rin kung sipsipin niyo."
Napaubo ako.
"Oh, Kezz. Ayos ka lang? Mag-tubig ka. Dahan-dahan kasi sa pagkain ng hotdog para hindi ka mabilaukan."
Sinipa ni Mesh ang paa ko sa ilalim ng mesa. Nilingon ko siya't nakitang nagpipigil ito ng ngiti.
"Bumili na pala ako kanina ng mga frozen foods na ibebenta natin, pati rin ice. Nakagawa na 'ko kanina para may dagdag pambayad sa ref."
Oo nga pala. Kailangan ko nang maghanap ng trabaho.
"Ah, Tita, may alam po ba kayong puwede kong mapasukan?"
"Kezz, huwag ka nang maghanap! Bumalik ka na lang kina Ma'am She!"
Sinipa ko ang paa ni Mesh.
Hindi ako puwede doon. Baka hindi ako makapagtrabaho!
"Ay oo, Kezz. Nakita ko kanina, hiring ang Bert's Bar & Grill ng service crew.
Business nina Alid iyon, ah? Iyong isa kong kaklase. Puwede ko siyang mapakiusapan.
"Bakit ba kasi ayaw mong bumalik doon, Kezz? Ayaw mo ba no'n? Palagi mong makakasama si pogi!" ani Mesh pagkapasok namin rito sa kuwarto.
Umupo ako sa kama.
"Iyon na nga ang problema, e. Palagi ko siyang makakasama!"
Tumabi siya sa akin. "Ha? Ano namang problema do'n?"
Hindi ako umimik.
"Ay! Ikaw Kezz, ha! Iniisip mo sigurong hihilain ka niya bigla sa kuwarto niya tapos ugh!"
Itinulak ko siya. "Ugh-ray Kezz, ha!"
"Heh! Tigilan mo nga 'ko!"
Tumayo siya't kinuha ang kaniyang cellphone.
"Mesh, hanak sa sumrek nu bigaten. Kalla mabainak agparang kinni Anz."
(Mesh, hindi na lang yata ako papasok bukas. Parang nahihiya akong magpakita kay Anz.)
"Aray met, Mesh! Guyudek met ta buok mo, lah!"
(Aray naman, Mesh! Hilain ko rin buhok mo, lah!)
Tumayo ako't kinuha ang suklay.
"Ano bang sinasabi mo? Mag-tagalog ka nga! Wala ka sa La Union!"
"Wunen! Aray! Wun, kuston ah garud!"
(Oo na! Aray! Oo na, tama na!)
Sinusuklay ko ang aking buhok habang pabalik sa kama.
"Ang sabi ko, parang ayaw kong pumasok bukas kasi nahihiya akong magpakita kay Anz-"
'Tok tok!'
"Kezz! May bibili ng frozen! Ikaw na muna ang magtinda, natatae na 'ko!" sigaw ni Tita.
"Mesh, ikaw na lang, inaantok na 'ko." saad ko.
"Ikaw na!"
Mabilis siyang umakyat papunta sa kaniyang kama.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
Roman d'amourUNDER MAJOR EDITING Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...