Kabanata 12

50 8 0
                                    

Goodbye

'Tok tok.'

"Oh Kezzrah, come in."

Pumasok ako sa kuwarto nila Rech at nakitang tulog na si Rez. Kaagad ko itong nilapitan at hinaplos ang kaniyang buhok.

"So, how was your conversation with Tita?"

Hindi ako nakaimik. Nilingon ko siya't kaagad tumayo. 

"O-Oh, why? W-What happened?"

Nagulat siya pero niyakap pa rin ako pabalik.

"Sssh... shhh. W-Why are you crying?"

"H-Hindi n-na-"

"Ssh. I'm sorry. Don't force yourself to speak. Take your time to cry. Just let it out. I'm just here."

Lalo akong napaiyak sa kaniyang sinabi. 

Ilang araw pa lang kaming magkakilala, pero napalapit na ang loob ko sa kaniya. Akala ko isa siya sa manggugulo sa buhay ko, pero kabaliktaran pala. 

"Are you okay now?" tanong niya nang bumitaw na 'ko sa yakap at tumigil na rin sa pag-iyak. 

Tumango ako.

"A-Ah... pumunta ako dito dahil gusto ko sanang... m-magpaalam sa inyo."

"W-What do you mean? Tita fired you?"

"H-Hindi Rech, hindi."

Kaagad ko siyang hinawakan nang makitang papalabas na sana siya. 

"Then, why?"

Umupo ulit ako.

"A-Ah, nag-resign na ako."

"What? Why?"

Inilagay ko ang hintuturo sa aking labi. "Ssh. Baka magising si Rez."

Tumayo ako't umupo sa sofa. Kaagad naman siyang sumunod. 

"O-Oh. So, why did you resign? Is it because of what happened earlier?"

"H-Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Alam kong dapat hiwalay ang personal na nararamdaman ko sa trabaho, at hindi ko dapat 'to isuko dahil sa isang tao lang, pero kasi-"

"You were scared when the time came that you'd follow your heart but suffer its consequences in the end. So, you chose to give up your work and your love for him."

Natulala ako sa sinabi ni Rech. Tama siya.

Natatakot akong, baka kapag palagi ko siyang nakikita'y manlambot ako't tuluyan nang hindi lalayo sa mga bisig niya.

Alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero hindi pa ako handang mag-take ng risk. Priority ko ngayon ang pag-aaral. Wala dapat maging distraction para maganda ang record ko, at makamit ang goal kong magkaroon ng Latin Honor.

"Well, I understand your decision. I like you for Zaichen, but I know you just wanted to prevent the pain or problems it would cause if you let your heart win over your mind. But, it doesn't mean that no one's going to be hurt by your decision to leave and not give Zaichen a chance. Whether you stay or not, it's just the same. What's different was that you were not that brave enough to fight for your love, and Zaichen was too weak to let you go."

Napayuko ako.

Ang galing ng babaeng 'to, sapul na sapol ako!

"S-Siguro nga ganito na talaga ako. Iyong mahina... tumatakas at hindi lumalaban... at mas iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa sariling nararamdaman. Akala ko... okay na ako e. Akala ko... sapat na kung ano man ang mayroon ako ngayon. Pero nang magkita kami ulit, naalala ko lahat. Lahat ng pinagsamahan namin. Noong magkaibigan pa lang kami... hanggang sa unti-unti kaming nahulog sa isat-isa... at nang iwan ko siya para sa taong nagsilang sa akin na ipinagtanggol ko.... p-pero totoo pala ang ibinibintang sa kaniya."

Lumapit si Rech at kaagad pinunasan ang luha kong kanina pa umaagos.

"P-Pinalaya... niloko... at pinagsalitaan ko ng masasama ang taong mahal ko, pero hindi ko lubos akalain na pati ako... niloloko na rin pala. Nagmakaawa ako, Rech. Nagmakaawa ako sa mga taong gustong magpakulong sa Mama ko. Sobrang sama nila dahil ang hininging kapalit ay si Anz. W-Wala akong magawa dahil iyon lang ang paraan. Akala ko... dahil wala lang talaga kaming pera kaya ayaw humanap ng abogado ni Mama, pero iyon pala'y natatakot siyang malaman ko ang totoo. Nagpakalayo-layo ako dahil hindi ko na kaya ang mga pinaggagagawa nila sa akin. Akala ko... nakalimutan ko na ang nangyari noon sa ilang taon kong pagtira dito, pero h-hindi pa pala."

Napatingin ako kay Rech nang marinig ang kaniyang pagsinghot.

"I-I'm sorry for that. Now I know why it was so hard for you to commit again. You have been so traumatized that it's difficult for you to give trust even to the man you love. There's a part of you that you wanted to take risk but your bad vision prevails. You're scared... and you're overthinking."

Niyakap ako ni Rech.

"I've realized how good and loving you are. And... I salute you for being brave to sacrifice Zaichen even though it broke you and left you traumatized. I'm sorry about what I've said earlier. I judged you without knowing your side. You're a good person. I know that everything is going to be okay. You may be hurt by now... I know that one day, you'll overcome your trauma and have the man you love and deserve."

Trust.

Buong-buo ang tiwala ko noon, pero nasira nang dahil sa nangyari noon.

Pero aasa ako. Aasa ako na mabubuo ulit ito.

"Sa baywang ka humawak para hindi ka mahulog, Kezz."

Tumawa ako. "Sira!

Naglalakad na ako pauwi nang makita ako ni Rid. Nakasakay ako ngayon sa kaniyang motor.

Hindi na namin naituloy ang usapan namin ni Rech nang magising si Rez.

Kaagad siyang bumangon at yumakap sa akin. Inasar ko naman si Rech na mas mahal na ako ng anak niya, pero natawa lang siya.

"I'm not jealous. You're my friend, and the wife of my son."

Iba 'yong saya ko nang tawagin niya akong kaibigan. Ibinigay niya sa akin ang number niya nang masabi kong nakikigamit lang ako ng cellphone.

Mahigpit kong niyakap sina Rech, Rez, Ma'am She, at Manang Pina nang nagpaalam na ako.

Dinagdagan pa ni Ma'am She ang ibinigay sa akin kanina. Hindi ko sana tatanggapin, pero alam kong hindi ako titigilan ni Ma'am She. Sobra akong nagpapasalamat sa kaniya.

Humingi  naman ng tawad si Manang Pina habang nagyayakapan kami kanina, at ganoon din ang ginawa ko.

Pinuntahan ko si Prim sa kuwarto niya kanina, pero mahimbing ang tulog kaya hindi ko na ginising. Pilihim na lang akong nagpasalamat habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

"Salamat, Rid. Ingat ka pauwi, ah."

Sinimangutan niya ako.

"Grabe ka, Kezz! Hindi mo ba ako papapasukin?" pagtatampo niya.

"Sa susunod na lang, madilim na oh-aray!" daing ko, nang bigla niyang pisilin ang aking pisngi.

"Sige Kezz, una na 'ko."

Tumango ako. "Sige, ingat ka!"

Nang papasok na ako sa bahay ay eksakto namang paglabas ni Tita sa kanyang kuwarto.

"Oh Kezz, may binili ako kaninang bibingka. Halika."

Susunod na sana ako nang maalala iyong nangyari kaninang umaga!

"A-Ah.. sige po, Tita magpapalit lang po ako."

Papunta na 'ko sa hagdan nang muli akong tawagin ni Tita.

Sh*t! Huwag naman sana tungkol do'n, please!

"Hinintay ka pala kanina ni pogi!" napapikit ako. "Ikaw kaagad tinanong niya nang makalapit ako, yiee! Sinabi kong nasa itaas ka't tumatae."

Anak ng!

Biglang tumawa si Tita. "Biro lang! Baka mandiri pa kapag ganoon."

Hays, salamat naman!

"Pero sinabi kong palabas ka na sana kanina, pero bigla mong isinarado nang makita si pogi."

Napasapo ako sa aking noo. Bakit dinetalyado lahat?!

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon