Brave
Gusto ko ring magpakatotoo sa kaniya, pero hindi pa ako handang mapag-usapan muli iyon. Sasabihin ko rin, pero hindi na muna sa ngayon.
"M-Mahal n-na m-mahal k-kita... l-love."
Mas hinigpitan ko pa ang yakap at naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
"I love you more, love."
Napangiti ako habang nakapikit.
"Grabe pa rin iyong tingin sa 'yo ni Ma'am Lace, Kezz! Pero sorry siya, hindi niya kayang sirain ang relasyon niyo ni pogi!" ani Mesh.
"Walang makakasira sa mga taong tunay na nagmamahalan, Shan."
"True ka diyan, Rid! Infairness, hindi ka bitter, ah! Naka-move on na yarn-aray! Kung makahila ng buhok 'to, bakla ka ba-aray!"
"Pinagsasasabi mo?! Ikaw, tomboy ka yata e-ouch!"
Napangiti na lamang ako sa kanilang dalawa.
"Alam niyo, bagay kayo."
Napatigil sila't tiningnan ako ng masama.
"Hibang ka ba, Kezz? Ito? Papatulan ko? Yuck! Mas pipiliin ko na lang maging single kaysa matali sa lalaking 'to 'no!"
"Ay, wow! Mas lalo naman ako! Hinding-hindi ako papatol sa tomboy na katulad mo! Magkukulong na lang ako sa bahay para hindi ko makita ang pagmumukha mo!"
Napailing ako habang nakangiti pa rin.
Marami ang nagsimula sa ganiyan. Baka isang araw, mapagtatanto na lang nilang mahal nila ang isat-isa. At hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon, dahil gusto ko silang maging masaya parehas. Iyong saya na silang dalawa lang ang dahilan.
Napaisip ako sa sinabi nila.
Hindi nga kami nasira ni Lace no'ng araw na iyon.
Tumayo ako't palabas na sana, nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"How dare you! You want to ignore this conversation, for what? To be consistently stupid? Girl, he's lying to you! You mustn't tolerate that!"
Pabagsak kong binawi ang aking kamay.
Hinarap ko siya't tinaasan ng kilay. "Concern ka ba talaga sa 'kin, o ginagawa mo 'to para maging iyo si Anz?"
Nanlilisik na ang kaniyang mga mata.
"Of course, I'm concerned! Girl empowerment, you know!"
Tumawa ako. "Girl empowerment? Alam ko ang galawan ng ahas, Lace! Paliligiran ka, tapos kapag nakahanap ng tiyempo, lalapitan ka niya't pupuluputin! Pero kapag hindi ka pa rin natakot o naapektuhan.... tutuklawin ka na kaagad! Tulad ng ginagawa mo ngayon! Ipinaiwan mo 'ko, kaya may pagkakataon ka nang lapitan ako. Tapos pinupulupot mo ako sa pamamagitan ng mga sinasabi mo para matakot at magdalawang isip ako sa 'min ni Anz! Pero hindi ako natatakot Lace, e. So, anong gagawin mo? Hindi mo naman ako matutuklaw kasi hindi ka naman ahas-oh. Ahas ka nga pala 'no."
Sasampalin na niya sana ako, nang
mabilis kong nahawakan ang kaniyang kamay."Ang hina mo naman pala, e! Hanggang sampal lang magagawa mo?"
Pagalit siyang bumitaw sa hawak ko.
"You, bitch! I am not a snake! I'm just telling the truth-"
Parehas kaming nagulat nang biglang bumukas ang pinto.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at umalis.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUNDER MAJOR EDITING Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...