Kabanata 11

58 8 0
                                    

Conversation

"Akala ko noong una, wala lang iyong mga napapansin ko. Pero sa bawat paglipas ng araw, unti-unti kong nakukumpirma na may iba nga. Iyong mga tinginan niyo. Iyong mga galaw niyo. Iyong mga nasasabi ninyo sa isat-isa. Doon pa lang... alam kong matagal na kayong magkakilala, at may malalim kayong pinagsamahan. Sa kilos ni Zaichen, masasabi kong may nararamdaman siya sa 'yo, at ganoon ka rin sa kaniya. Pero ayoko namang pangunahan ka, hija. Ibinase ko lang rin sa kung ano'ng nakikita at naririnig ko."

Tumayo si Ma'am She at muli akong tiningnan.

"Ang masasabi ko lang, gusto kong maging tapat kayo sa isat-isa. Kung ano man ang nararamdaman niyo, kailangan niyong pag-usapan para mas maliwanagan kayo kung may dapat bang simulan, ituloy, o tapusin. Mahirap iyong ganiyan na nag-iiwasan kayo, pero umaasa maman kayong lalapitan at kakausapin kayo. Iyong sinasabi niyo sa sarili ninyong ayaw niyo na, na hindi niyo na mahal, kahit na ang totoo'y gusto niyo siyang nandiyan lang at sa inyong sa inyo. Kaya sa tingin ko, kailangan niyo na talagang mag-usap, hija." mahabang sabi ni Ma'am She.

Pinunasan ko ang luha ko. Mga taksil!

"M-Ma'am She... h-hindi pa po kasi ako handa. Kung totoo man pong may nararamdaman siya sa akin, mawawala rin po iyon. Makakalimutan niya rin po ako. S-Sa nararamdaman ko po, hindi ko po itatanggi. Inaamin ko pong m-mahal ko pa po siya, pero Ma'am... h-hindi niya po ako d-deserve."

Napayuko ako't kinalikot ang aking mga daliri.

"M-Ma'am... magre-resign na po ako bilang k-katulong niyo."

Unti-unti kong tiningnan si Ma'am She, at nakitang naluluha na rin siya. Tumayo ako't lumapit sa kaniya.


"H-Hija... hindi mo kailangang gawin iyon. Alam ko kung gaano kaimportante sa 'yo ang trabahong ito."


"M-Ma'am, kailangan ko lang po talagang gawin."

Hinawakan ni Ma'am She ang aking balikat.

"Mukhang hindi na kita mapipilit, hija. Kung iyan ang desisyon mo'y hindi na kita pipigilan. Basta lagi kang welcome dito. Kung magbago man ang desisyon mo'y bumalik ka lang rito. Itinuring na kitang parang anak ko."

Niyakap ko si Ma'am She, at ganoon din ang ginawa niya habang hinahaplos pa ang aking buhok.

"M-Maraming salamat po, Ma'am She. Ang laki po nang naitulong niyo sa akin. Pero kailangan ko lang po talagang gawin 'to. Maraming salamat po, Ma'am."

Bumitiw na ako sa yakap at lumabas.



"Cha!"

Binilisan ko ang paglakad pero hinarangan niya ako.

"Cha, I'm really sorry. I promised, I didn't mean it."

Sinubukan kong pumunta pakaliwa at pakanan, pero hinaharangan niya pa rin ako.

"Can we talk? Ten minutes. It's just okay?"

Umiling ako.

"Then, five minutes."

Umiling ulit ako.

"T-Three minutes."

Napatigil ako't napatingin sa kaniya.

Mas maganda nga sigurong mag-usap kami kahit saglit para matapos na 'to.

Nakita kami ni Ma'am She nang palabas na siya sa Library room. Tinanguan niya kami't nagtungo na sa sala.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon