Suffer
Nakita kong napalunok si Mesh, at hinawakan siya sa braso ni Rid bago humakbang paharap.
"Mayor, pasensya na po sa naging asal namin. Pananghalian na po kasi, at parang sobrang napagod si Kezz, kaya kailangan na rin po niyang kumain."
Tumawa si Reishen. "What do you mean by that, huh?" bigla siyang sumeryoso. "That, Tita makes her suffer? That's an insult! What office are you both assigned, huh?"
Kaagad akong pumunta sa harap nina Mesh.
"Huwag na huwag mong idadamay ang mga kaibigan ko! Labas sila dito!"
Nilingon ko ang dalawa. "Sige na, Mesh, Rid, kayo na lang. Sige na." pinanlakihan ko sila ng mata.
Napaawang ang labi ni Mesh at napakunot ang noo ni Rid.
"Go!"
Muli nila akong tiningnan bago tuluyang maisarado ang pinto.
"Continue working!"
Kung makapag-utos, parang siya ang boss! At itong si Mayor, sunud-sunuran sa pamangkin!
Pumunta ako sa cr para makapaghugas ng kamay, nang marinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Binuksan ko kaunti ang pinto ng cr.
"Hello, Mom! Let's eat?" boses iyon ni Celi!
"Oh! Will you not invite me, Xienne?"
Tinaasan ng kilay ni Celi si Reishen.
"No. You're old enough. You can eat by yourself. And please, don't call me that!"
Hindi pala sila magkasundo? May mga naiisip ako, pero hindi ako sigurado.
"Can't you both lower your pride? We're family! And Celi, Reishen's older than you! Please respect your cousin!"
C-Cousin? Magpinsan sila?
Tumawa si Celi.
"Respect? How could I respect her if she, herself, didn't have respect for both of us! Mom, can't you see? She's manipulating-"
"What, Xienne?" tanong ni Reishen.
Napalaki ang mga mata ni Celi at nanatiling nakaawang ang labi.
Bakit? Bakit hindi niya itinuloy ang sinasabi niya? At ano raw, manipulating? Pinapaikot ni Reishen si Mayor?
"Mom and R-reishen, let's eat."
Ha? Bakit parang umamo siya? Okay na sila?
Tumango si Mayor. Si Reishen naman ay tumalikod kaya kita ko na ngayon ang mukha niya. Nakangisi siya habang kinukuha ang kaniyang bag.
Naunang naglakad palabas si Mayor at Reishen. Nang nakatalikod sila'y may kinuha si Celi sa kaniyang bag. Isa itong paper bag, at itinabi ito sa gamit ko.
Mabilis akong lumabas sa cr at kaagad nagtungo doon. Binuksan ko ito at... p-pagkain? Binigyan niya ako ng pagkain? Inilabas ko ito at agarang kinain. Nalipasan na ako kaya mabilis ko itong naubos.
Inayos ko't inilagay sa bag ang lunchbox para walang makakita. Kinuha ko ang cellphone para mai-text si Celi. Tingin ko'y sa kaniya talaga galing ang mensaheng iyon dahil parehong-pareho sa sinabi niya sa akin sa personal.
Binuksan ko muna ang mga mensahe ni Anz.
Love
What are you doing now, love? Filing papers?
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUNDER MAJOR EDITING Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...