Kabanata 23

39 8 0
                                    

Flirt

"Ayos ka lang, Kezz?" si Rid na inabutan pa ako ng panyo.

Mabilis kong pinunasan ang aking labi at baba. Mabuting walang nakaupo sa harap ko!

"Ang hot naman kasi, 'di ba?" bulong ni Mesh na kaagad natahimik nang nasa harap na ang instructor namin.

Bakit siya nandito?

"Good afternoon, everyone. It's my first time teaching you, but I can see some familiar faces here, especially you." 

Nagulat ako nang ituro ako ni Sir.

"Miss Sandilio, right?"


"A-Ah... opo, Sir." sagot ko.


Nagngitian kami, pero napasulyap ako sa lalaking nakaupo na ngayon sa kabilang bleachers. Hawak niya ang kaniyang cellphone at nakasuot pa ng airpods.

"Congratulations. I heard you were in the Top 1 again last semester. Actually, all the Department Heads will be having a meeting about that."

Mabilis kong iniiwas ang aking tingin nang mapasulyap siya sa akin.

"Are you alright, Miss Sandilio?"

"A-Ah... opo, Sir. Ayos lang po ako."

Ikinalma ko ang sarili at pinilit nang huwag mapatingin sa Kanya.

Tumango si Sir.

"Alright. I know that you already know me, but still, I wanted to introduce myself. I am Ariem Pital, and I will be your instructor in Team Sports. Kindly pass your class cards first."

"Here, Miss Sandilio."


Nakakahiya! Nahulog iyong ballpen ko!


"T-Thank you po, Sir."

Nagngitian kami.

"By the way, who's your Class President?" tanong ni Sir Pital.

"Si Kezzrah, Sir." sagot halos lahat ng kaklase ko.


Bakit kaya naitanong ni Sir?

Tiningnan ako ni Sir.

Tumango at ngumiti siya. "Pass your class cards to Miss Sandilio."

Napaawang ang aking labi. Ipinasa naman nilang lahat sa akin.

Itinuro ni Sir sina Mesh at Rid. "Maybe you're friends of Miss Sandilio?"

"Opo, Sir. Ako po si Mesh."

"Yes, Sir. Rid po."

Tumango si Sir. "Mesh and Rid, can you help Miss Sandilio arrange the class cards, alphabetically?"

Sumagot naman sina Mesh at tinulungan na ako. Mabilis naming nagawa kaya ibinigay ko na kay Sir.

Habang nagdi-discuss si Sir ng grading system at syllabus ay may ibigay na papel sa akin si Mesh.

Binasa ko ito.

Kezz, tingnan mo, oh!

Napakunot ang aking noo. Akala ko pa naman nagti-take note kaya naglabas na ballpen at 1/4 yellow pad paper!

Sinulatan ko ito.

Ang alin? Makinig ka na nga lang kay Sir!

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon