Kabanata 9

62 8 0
                                    

Tears

"Kezzrah Chareel Sandilio." sagot ko, at nakipagkamayan kay singkit.

Ngumiti siya. "Nice to meet you Kezzrah. Your name is beautiful, just like you." sabay kindat.

Inirapan ko siya. "Tigilan mo nga akong singkit ka. Saan pa gusto mong masahiin ko?"


"Here." turo niya sa kanyang likod.

Lumuhod ako para makapunta sa likod niya nang bigla akong ma-out of balance!


"Ouch!" daing niya nang bigla ko siyang madaganan!


Nagkatitigan kami. Sobrang lapit ng mga mukha namin na kaunting tulak na lang ay mahahalikan ko na siya!


Napatingin siya sa labi ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha nang mapansin ko sa gilid ng mata ko na parang may sumisilip sa pintuan. Hindi pala ito naisara nang maayos kaya may siwang.


Bigla itong nawala.

Sh*t!

Napalayo ako kay Prim at nagpaalam na pupunta na ako sa baba.


"I-I'm sorry, Kezzrah." saad niya, pero umiling ako.


"H-Hindi. Wala ka dapat ikahingi ng sorry. Na-out of balance ako kaya ako ang may kasalanan. Sige na, magluluto pa ako."


Kaagad na akong lumabas sa kuwarto ni Prim.


Sino kaya 'yon? Hindi ko kasi masyadong nakita dahil maliit lang iyong siwang. Baka guni-guni ko lang siguro. Pero hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.

Pumunta kaagad ako sa baba dahil baka mapagalitan pa ako kapag wala pang nailuto.


Nakaramdam ako ng hiya nang mabutan ko si Manang Pina na naghahanda na ng makakain.


"Naku Manang, pasensya na po. Ako na po sana nagluto. Sorry po, Manang."


Nagtaka ako nang iba ang tingin sa akin ni Manang.

"Hinahanap ka ni Chen kanina. Nasabi kong nasa itaas ka dahil nakita kong inalalayan mo si Prim. Nagkita na ba kayo?" tanong ni Manang na mas lalong nagpakaba sa akin.

So... siya iyon?


Nakita niya kami ni Prim sa ganoong posisyon?


Pero ano naman Kezzrah? 'Di ba sinabi mong iiwasan mo na siya? Oh ngayong may rason na para layuan ka niya, bakit ganiyan ang reaksyon mo?


"A-Ah... hindi po Manang."


Napalunok ako habang tinutulungan si Manang.


Dumating na sina Ma'am She at kaagad silang umupo.

"Samahan mo na kaming kumain, Kezzrah. Sasabay rin si Manang pagkatapos niyang dalhan ng makakain si Zaichen at Prim." sabi ni Ma'am She.

"Sit here beside me, baby." alok ni Rez sabay turo sa tabi niyang upuan.

Tinawanan siya ni Ma'am She at napapailing.

"Sige na, Kezzrah, come join us." nginitian ako ni Rech.

Sinuklian ko naman ito. Paupo na sana ako nang pumasok si Manang Pina habang bitbit ang pagkain.

"Oh Manang, bakit hindi nagalaw 'yan?"

"Hindi raw kakain si Prim kung hindi si Kezzrah ang magdadala sa kaniya."


Kanina pa iba iyong tingin ni Manang sa akin at alam ko kung bakit. Pero naaawa ako kay Prim.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon