First day
Papasok na sana si Rech sa sasakyan matapos maibigay ni Mesh, nang tawagin niya ako.
"Kezzrah, can you kiss both cheeks ni Rez? He told me that kanina pala."
S-So, papasok ako sa sasakyan ni Anz? Kanina pa kasi masama 'yong tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
"A-Ah... s-sige."
Sa gilid lang ako nakatingin habang papunta sa sasakyan ni Anz. Bakit kasi dito sila sa harap umupo!
Lalo akong kinabahan nang yumuko ako para pumasok. Akala ko nasa upuan si Rez! Bakit buhat-buhat niya?!
Kezzrah, huwag mong ipahalata na kinakabahan ka! Ikinalma ko ang sarili at dahan-dahang pumasok. Unti-unti akong lumapit para halikan si Rez nang iniba nito ang puwesto ng bata!
Mas madali na no'ng una dahil nakapatong ang ulo ni Rez sa kanang balikat niya! Bakit bigla niyang inihiga? Edi kung hahalikan ko si Rez, mapapalapit ang mukha ko sa kaniya! Ang kumag na 'to!
Muli kong ikinalma ang sarili. Itinagilid ko ang aking mukha at hinalikan si Rez.
Lalayo na sana ako nang biglang nagsalita si Anz.
"How about the right one?"
Napalaki ang aking mga mata.
Muli akong tumingin sa kanila at nakitang nag-iba na naman ang puwesto ni Rez! Nakadikit ang kanang pisngi ni Rez sa kaliwang pisngi ni Anz!
"Baka puwedeng ibalik mo siya sa dating puwesto."
"Tsk. Why? Just think I'm a stranger, so you would be comfortable."
"Comfortable ako!"
"Then why you-"
Kaagad kong hinalikan si Rez at naramdaman kong dumampi ang labi niya sa aking pisngi!
Kaagad akong lumabas. Mabuting tinted ang sasakyan niya!
Tumabi ako kay Mesh nang makitang lumabas si Anz habang buhat si Rez.
Nang magtama ang mga mata namin ni Anz ay mabilis akong tumakbo papasok sa loob. Nahihiya akong iwan sila doon, pero wala na akong choice.
Abala na 'ko sa pagligo, nang marinig ko ang pag-bukas ng pinto.
"Nakaalis na sila, Kezz. Bakit ka tumakbo kanina? Ni hindi ka man lang nakapagpaalam ng maayos." ani Mesh.
Mabuti naman kung gano'n.
"Grabe 'yong babae kanina, Kezz! Dikit ng dikit kay pogi!"
Napansin ko nga kanina. Pero ayoko nang isipin.
Humiga ako matapos kong i-blower ang buhok ko. Bakit kaya napasunod ako ng lalaking 'yon? O dahil uto-uto lang talaga ako?
"Hey, girl! I saw what you did kanina to Zaichen, ha!"
Mabilis akong napalingon kay Mesh na hawak ang phone at halatang naguguluhan sa nabasa.
Sh*t!
Rech!
"Ano iyon, Kezz? Anong ginawa mo kay pogi?"
Kaagad akong tumayo pero pumasok siya sa banyo!
"Mesh! Pahiram ng phone mo, please!"
Pinihit ko ang doorknob pero ini-lock niya ito!
"Sabihin mo muna kung ano 'yon!"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomansaUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...