Kabanata 2

115 9 0
                                    

Stalker

Habang kumakain ng palabok ay parang nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Iginala ko ang tingin sa paligid, pero wala naman. Baka guni-guni ko lang siguro. Binilisan na naming kumain ni Manang Pina para makapamili ulit.

Palabas na kami ng palengke nang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Kezz?"

Kaagad ko itong nilingon. "Rid?"

"Namiss kita!" aniya at bigla akong niyakap.

"Hala siya! Parang ang tagal nating 'di nagkita, ah?"

Kaklase at kaibigan namin siya ni Mesh. Nagbakasyon lang sa Singapore dahil sembreak, pero kung makayakap ay parang ilang taon kaming hindi nagkita.

"Namiss kita, e! Ikaw, hindi mo ba ako namiss? Itong guwapong mukhang 'to, hindi?" sabay bitaw sa yakap, at nag-pogi sign na nakasad face.

"Baliw! Saan banda? Joke! Namiss din naman kita!" itataas ko na sana ang kaliwang kamay ko para pisilin ang pisngi ni Rid nang may biglang humawak sa kanang kamay ko.

"Sir Zaichen." turan ni Manang Pina na agad ko namang tiningnan para kumpirmahin.

Napalaki nang husto ang mga mata ko't napalunok hindi dahil sa sama ng tingin niya kung 'di, sa lapit ng mga mukha namin!

"Tsk." bigla niyang hinablot ang hawak ko na mabilis ko namang inagaw.

"A-Akin na po, Sir."

Pilit kong binabawi sa kaniya, kaso ayaw niyang ibigay at mas lalo pa akong tiningnan ng masama.

"Sir? Teacher siya?"

Umiling ako.

Pa'no magiging Teacher, e Accountancy ang course niya. Oo nga pala, turning fourth year na siya no'ng magfi-first year college ako dito. So, ibig sabihin graduate na siya last last year pa!

"Pero bakit Sir tawag ninyo ni Manang?" tanong niya ulit pero hindi ko na nasagot.

"Are you done, Manang? Or is there still anything you need to buy? And please, cut the Sir Manang. Just call me Chen, like what you called me before."

Oh? So magkakilala na sila ni Manang dati pa? Sabagay, ilang taon na rin si Manang kina Ma'am She.

"Ah, tapos na po Sir- este, Chen." pagtatama ni Manang.

"Okay, Manang. Let's go?" anyaya ni Anz.

"Aalis na kayo? Usap muna tayo Kezz, namiss kita. May pasalubong ako sa 'yo." sabay hawak sa akin.

"Tsk. She's working. Let's go." ulit niya at nauna nang maglakad kasunod si Manang.

Hinabol ko naman sila kaagad matapos kong sabihin kay Rid na sa susunod na lang kami mag-uusap. Kuryuso siya sa nangyayari, pero mabuting hindi na niya ipinilit.

"Ah, r-rito papuntang sakayan." saad ko nang iba ang tinatahak niyang daan, pero hindi niya ako pinansin!

Pinatunog niya ang isang kotse at binuksan para makapasok si Manang. Teka, kotse niya 'to? E wala namang naka-park kanina sa bahay ni Ma'am She, ah?

"You'll get in, or we'll leave you here?" banta niya kaya agad akong pumasok sa loob.

"Tsk. Sit here in front, not there."

"Ha? Dito na 'ko. Nakaupo na ako e, papaalisin mo pa 'ko!"

"Tsk." aniya at inirapan pa ako bago pinaandar!

"Ayaw niya kasing mag-mukhang driver." bulong ni Manang.

Napakunot ang aking noo. Bakit naging maarte na siya? Edi sana sa tabi niya pinaupo si Manang!

Tiningnan ko ang kabuuan ng sasakyan. Sa kaniya kaya 'to, o hiniram niya lang? Dati, isinasakay niya 'ko sa sasakyan niya tapos, kung saan-saan kami napapadpad.

Napabuntong hininga ako. Naaalala ko na naman.

"Aray!" sigaw ko nang may kung anong tumama sa mukha ko.

"Aray? Unan lang 'yan Kezz, ang lambot-lambot oh!" aniya habang hinahaplos ang unan.

"Bakit hindi mo ako ginising kanina? Ang sama mo!" patuloy niya.

"E ano namang gagawin mo do'n? Maghahanap ng lalaki sa social media? Tsaka hindi rin puwede dahil may mga bisita!"

Napasimangot siya.

"Hoy, grabe ka! Hindi ah! Papanoorin kita habang naglilinis ka ng inodoro-aray! Kung makahila ng buhok, wagas ah! Joke lang naman! Sinu-sino iyong bisita? May guwapo ba?"

Hindi ko na pinansin sa dami nang gumugulo sa isip ko.

"Meron siguro, ang damot mo! Pero kumusta ka naman? Napagod ka ba nang sobra para humilata diyan nang hindi pa nakakapagbihis?"

Hindi ulit ako nakasagot. Napansin niyang wala ako sa mood, kaya tinigilan niya na 'ko. Matagal na kaming magkasama kaya alam na niyang ayoko na kinakausap ako 'pag gan'to.

Dumiretso kaagad ako dito sa kuwarto pagkauwi. Parang feeling ko, bagsak na bagsak ang katawan ko.

Pero, kumusta nga ba ako? Kahit ako, hindi ko alam e. Tahimik at payapa naman na iyong isipan ko at kalmado na ang puso ko, pero bakit sa isang iglap, parang bumalik ulit? O baka.... nakokonsensya lang ako kaya ganito?

Pagbaba kanina sa kotse, kinuha lahat ni Anz ang mga pinamili namin. Hindi ko na pinigilan dahil alam ko namang hindi niya rin ibibigay. Nagpasalamat na lamang kami ni Manang nang mailagay niya lahat sa lamesa.

Tinanong ko kaagad si Manang pagkaalis ni Anz.

"Ah, Manang, kailan po nakapunta dito si Anz?"

"Anz?" napakunot ang noo niya.

"Ah opo, Anz. Second name po niya. Zaichen Anzley."

Lalong kumunot ang noo ni Manang.

"Alam ko ineng, dahil malapit sa akin ang batang iyon. Pero naikuwento niya sa akin dati na isa lang ang tumatawag sa kaniya niyan. Ineng, ikaw iyon?"

"P-Po?" tanong ko't napalunok.

May ideya na ako kung saan patungo ang usapang 'to, pero gusto ko pa ring marinig.

"Bata pa lamang siya noong una silang pumunta ng pamilya niya dito. Naikuwento niya dati na may kaibigan siyang nagngangalang Cha, at Anz naman ang tawag sa kaniya." umupo si Manang.

"Gustong-gusto niya itong kalaro at nasabi pa nga niyang crush niya raw. Pero ang sabi ko, ang bata-bata pa niya. High school siya noong pangalawang bisita nila dito. Nasabi niyang mas lumalim ang nararamdaman niya. Mahal niya na raw si Cha, ngunit sinabi kong baka puppy love lang iyon. Pero noong huli niyang punta dito, mag-isa lang siya noon at-"

"Manang, kailan po iyon?" putol ko sa kuwento ni Manang.

"Sembreak nila noon, pero hindi siya nagtagal rito. Bumalik siya sa La Union para mag-enroll dahil magfo-fourth year college na siya noon. Gusto niyang manatili muna, pero kinailangan niyang umuwi."

Iba na ang tingin sa akin ni Manang.

Sh*t!

So hindi ako namamalikmata noon? Siya nga iyong nakita ko!

Ilang araw pa lamang noong nakarating ako dito sa Cavite nang may pamilyar na likod akong nakita.

Sinabi ko sa sarili kong baka namamalikmata lang ako, kaya ipinagsawalang bahala ko iyon.

Pero ngayon ko lang napagtanto na posibleng siya nga ang nakita ko, dahil nagpupunta silang Cavite. Iyon ang dahilan kung bakit nalulungkot ako sa tuwing umaalis siya noon. Pero hindi ko akalain na dito sa Carmona at sa mismong pinagtatrabahuan ko pa!

Napahugot ako ng malalim na paghinga. "A-Ah Manang... p-puwede niyo po bang ituloy?"

Babawiin ko na sana nang hindi siya umiimik pero...

"Hindi ko pa siya nakitang umiyak, uminom ng alak, at ni hindi ko nakitaan ng kahinaan maliban sa araw na iyon. Awang-awa ako sa kaniya. Akala ko papaalisin niya ako nang lumapit ako, pero hindi. Kaagad niya akong niyakap habang sinasabing nasasaktan siya nang sobra dahil iniwan siya ng taong mahal niya."

Napayuko ako. Ang bigat sa pakiramdam.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon