Kabanata 25

44 8 0
                                    

Conscious

Magi-excuse siguro itong si Mesh.

"Yes, Miss Hareria?"

"Agree po ako sa sinabi ni Rid, Ma'am. Pero may iba rin po akong sagot."

Anak ng!

Totoo ba ang nakikita at naririnig ko ngayon? Si Mesh, tumayo para mag-recite?

"Okay, Miss Hareria."

Nakatingin kaming lahat kay Mesh at hinihintay ang kaniyang sagot.

Napansin kong nililingon-lingon ni Mesh ang papel na sinulatan ko kanina na may dagdag na palang sulat ngayon. Ipinasulat niya kasi sa akin iyong sagot ni Rid.

"Hindi po natin naiintindihan ang mga sarili natin, it's because minsan, our mind overpowers our heart."

Napanganga ako sa sagot ni Mesh.

Mukhang hinihintay ni Mesh ang sasabihin ni Ma'am, kaya nang tumango ito'y kaagad niyang itinuloy.

"Sa iba pong mga tao, mas nananaig po iyong isip. Gagayahin ko na lang po iyong example ni Rid. Dahil nagpapakatanga at nasasaktan ka na sa taong hindi ka naman mahal, isang araw, mapagtatanto mo na lang na tama na, tigil na. Kahit na mabilis pa rin ang tibok ng puso mo 'pag nakikita mo siya, mapapahinto ka na lang at mapapasabi sa sarili mong... hindi na dapat gano'n ang nararamdaman mo. Makakalimutan mo rin siya at may darating ring tao para sa 'yo. Pero kahit nananaig ang isip, may pagkakataon pa rin na kinokontrol ng puso 'yong galaw mo. Kaya ang ending, hindi mo pa rin maintindihan ang sarili mo dahil napapalapit ka pa rin, at gusto mo pa ring humawak kahit na hindi ka sigurado kung sasaluhin ka niya. So, in short, tama po si Rid. Parang puso po talaga iyong nananaig. Sorry po, Ma'am. Ang haba po nang sinabi ko, tapos katulad rin po ng sagot ni Rid." aniya sabay tawa.

Walang kahit ni isa ang tumawa sa amin.

"Oh, bakit walang tumatawa?"

Nakatayo pa rin si Mesh at iginala ang tingin sa aming lahat.

Nilingon ko ang aking narinig at nakitang si Ma'am She ang pumapalakpak. Unti-unti itong sinundan ng aking mga kaklase at napagaya na rin ako.

Halata sa mukha ni Mesh ang pagtataka.

"B-Bakit po kayo pumapalakpak lahat?" tanong ni Mesh.

"Ang galing mo, Mesh! Napaiyak mo ko!"

"Naka-relate ako, Shan! Ang sakit!"

"Pa-advice naman, Mesh!"

"Ang galing mo, Shan! Kapag tungkol sa lovelife talaga!"

Napatawa kami sa huling nagsalita.

Mas nilakasan nila ang pagpalakpak. Kita ko ang saya sa mukha ni Mesh.

"Very well said, Miss Hareria. I'm speechless! The three of you, Miss Hareria, Mr. Corienza, and Miss Sandilio, you have points for this recitation."

Napapalakpak si Mesh.

"I just wanted to add. Sometimes, we don't understand ourselves simply because we're not asking ourselves enough or, even if we know the answer or what to do, you can't accept it. That's why a lot of people are still confused about themselves."

Napaisip ako. Tama si Ma'am. Pero may mga pagkakataon rin namang naiintindihan natin ang mga sarili natin. Mas lamang nga lang 'yong hindi.

May sinabi pa si Ma'am bago ini-discuss ang syllabus. Marami ang magiging activities namin ngayong semester.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon