"Kezz, sama ako kina Ma'am She bukas, ah! Ang boring rito!" ani Mesh, kaibigan ko, pagkapasok namin dito sa kuwarto.
"Haanen-este, huwag na. Dito ka na lang." sagot ko habang kumukuha ng damit pambahay.
Kumain lang kami kanina pagkatapos magsimba. Bumili na rin kami ng lutong ulam para sa pananghalian at panghapunan.
Si Mesh ang tumulong sa akin noong dumating ako dito sa Cavite. Wala kasi akong kakilala dito at biglaan ang pag-alis ko. Ni hindi ko na inisip kung ano'ng magiging kahihinatnan ko. Ang importante lang sa akin noong time na iyon ay ang makalayo.
Binalak kong huminto muna sa pag-aaral, pero hindi pumayag si Mesh at Tita Chellan, ina niya. Eksakto naman na malapit na ang enrollment noon ng freshmen sa kung saan nag-aaral si Mesh, kaya sabay na kaming nag-entrance exam, nag-enroll, at nagpasa ng scholarship requirements. Parehas kami ng kinuhang kurso ni Mesh na Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management.
"Sige na naman, Kezz, maawa ka! Nabubulok na 'ko dito!" sigaw niya habang nagpapalit sa banyo.
Nasa iisang kuwarto kami ni Mesh dito sa second floor. Iyong kama namin ay double deck. Ako sa baba at doon siya sa taas. May banyo na din dito sa kuwarto. Si Tita Chellan naman sa unang palapag. Mag-isa lang siya doon dahil hiwalay na sila ng kanyang asawa.
"Huwag na. Mag-advance reading ka na lang para hindi ka puro kopya!"
"Ay, wow! Hindi ko na kailangan 'yon, Kezz! Sinisiguro kong ako pa ang magpapakopya sa 'yo! Tsaka, sembreak kaya! Dapat pahinga at enjoy lang!"
Napailing na lamang ako.
Tiningnan ko ang orasan. Malapit na palang mag-alas dose.
"Mesh, sunod ka na sa baba, ah! Maghahanda na ako ng makakain." saad ko't kaagad isinara ang pinto.
"Oh, Kezz, halika na't kakain na. Si Gail, nasaan?" tanong ni Tita pagkarating ko sa kusina.
"Nagpapalit lang po, Tita." sagot ko habang tinutulungan si Tita maghanda ng kakainin namin.
"Oo nga pala, nagkita kami ni Sheleen kanina. Nabanggit niyang darating daw bukas 'yong mga pamangkin niya at may iba pa yatang makakasama. Galing raw silang-"
"Ting ting ting tang tang ting tang ting ting ting tang tang tang uwuuuut."
Napakunot ang aking noo nang marinig ang pagkanta ni Mesh na napapasayaw pa!
"Tigilan mo nga 'yang pagkanta mo, Gail! Ang sakit sa tainga!" biro ni Tita na nagpasimangot kay Mesh buong maghapon.
Humiga na 'ko sa kama pagkatapos mag-half bath. Medyo maaga kaming naghapunan ngayon. Oo nga pala, hindi naituloy ni Tita kung taga saan iyong mga pupunta sa bahay ni Ma'am She. Pero, hayaan na nga lang.
Bigla akong napabangon nang maalalang kailangan ko pa palang pumili ng maisusuot bukas para hindi na naman ako matagalan.
Isa akong kasambahay at mahigit limang buwan pa lamang ako kina Ma'am She. Kasama ko si Manang Pina, na matagal na niyang katulong. Mula lunes hanggang sabado ang schedule ko sa trabaho, dahil ang araw ng linggo ay para sa Diyos. Walang kahit ni isang linggo ang pinapalampas ko dahil napakahalaga pa rin na maliban sa pananalangin ay ang pagpunta sa tahanan ng Diyos.
Ang amo kong si Ma'am She ay isang College Instructor sa pinag-aaralan namin ni Mesh at may katandaan na rin. Taga Maynila si Ma'am She, pero taga dito ang namatay niyang asawa. Wala rin silang naging anak. Maayos iyong una kong pinagtrabahuan, kaso nag-migrate na sila sa Korea kaya kinailangan na maghanap ulit ng bagong mapapasukan.
Sobra ang pasasalamat ko kay Tita Chellan dahil siya ang kumausap kay Ma'am She na kailangan ko ng trabaho. Malapit kasi silang magkaibigan. Malapit naman kami sa isat-isa ni Ma'am She, pero nahihiya akong magsabi.
Humiga muli ako pagkatapos at dahan-dahang bumagsak ang talukap ng aking mga mata. Inaantok ako, pero gising na gising ang diwa ko.
Hindi ko maiwasang isipin na mapapagod na naman ako bukas. Pero kasi, kailangan kong magsumikap. May allowance na ako sa pag-aaral since scholar ako, ngunit hindi naman puwedeng hindi ako tumulong rito sa bahay.
Alam kong mas lalo akong mahihirapan na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ngayong turning fourth year college na ako sa pasukan pero, kakayanin ko.
'Kriiiiiing kriiiiiing kriiiiiing'
Tinakpan ko ng unan ang aking tainga pero bumangon din ako matapos ang ilang segundo.
Naligo na agad ako't nagluto ng pang-umagahan pagkatapos kong magbihis. Kumain lang ako saglit at nag-toothbrush. Hindi ko na ginising si Mesh.
Pipindutin ko na sana ang doorbell nang maisip kong baka dito natulog si Manang kagabi. Kapag hindi kasi siya umuuwi'y ina-unlock niya ang padlock nitong gate sa madaling araw para ako na ang mag-bukas.
May kataasan ang gate ng bahay ni Ma'am She pero may mga parihabang butas sa bandang itaas nito. Gaya nang madalas kong ginagawa, tumingkayad ako para silipin at nakitang nakaunlock nga ito. Ipinasok ko ang aking kamay sa butas at mabilis ko itong nabuksan.
Pagkarating sa may pintuan ay kaagad ko itong binuksan gamit ang susing ibinigay ni Ma'am She noon.
Naglalakad na ako papuntang kusina nang may marinig akong tunog na parang may naghahalo ng kape.
Ang aga pala nagising ni Ma'am ngayon? O baka si Manang Pina iyon?
Binilisan ko ang lakad pero bigla akong napahinto ng iba ang nadatnan ko. P-Parang pamilyar sa akin, pero i-imposible... imposibleng siya 'to.
Kaagad napalaki ang mga mata ko nang bigla itong humarap.
Sh*t!
Pareho kaming nagulat pero mabilis na gumalaw ang aking mga paa nang makitang papalapit siya sa akin!
"Cha?" aniya ngunit mabilis akong lumayo.
B-Bakit siya nandito?
"Oh, Kezzrah nandito ka na pala. Teka, saan ka pupunta? Ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?"
Hindi pa ako nakakalayo sa kusina nang biglang sumulpot si Ma'am She. Tulala lamang ako't napansin ni Ma'am iyon. Kita sa mukha niya ang pagtataka pero ipinagsawalang bahala niya na lamang iyon nang makitang nasa malapit na ang... t-taong i-iniwan ko noon.
"Oo nga pala, siguro nabanggit na ni Chellan sa 'yo. Ito si Zaichen, inaanak ko. Kararating lang nila galing La Union. 'Di ba taga doon ka rin. Magkaiba lang kayo ng munisipalidad. " aniya habang nakangiti.
Napalunok ako.
Hindi puwedeng malaman ni Ma'am She na magkakilala kami. Baka maungkat pa ang nakaraan!
Tiningnan ko si Ma'am She "A-Ah... ganoon po ba."
Napayuko ulit ako at parang nababara ang lalamunan ko. Gusto ko nang umalis pero kailangan kong magtrabaho.
"Zaichen, ito si Kezzrah, kasambahay siya dito pero anak na ang turing ko sa kaniya."
Ayoko siyang tingnan pero hindi nakikisama ang mga mata ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.
"A-Ah... hello po, Kuya." mahinang sabi ko.
Biglang napakunot ang kanyang noo.
"Kuya? You look older than me. Well anyway, nice to meet you." inilahad niya ang kanyang kamay.
Older?!
Baby face nga ako e!
Salitan kaming tiningnan ni Ma'am She, at parang kuryusong-kuryuso siya sa amin. Ayokong makahalata si Ma'am kaya unti-unti kong ini-angat ang kamay ko.
Para akong nakuryente nang magkadikit ang mga kamay namin, at biglang nanigas dahil sa higpit nang hawak niya. Pilit kong binabawi at matalim siyang tiningnan, pero tinaasan niya lamang ako ng kilay!
"Ehem." tikhim ni Ma'am She na siyang nagpaulirat kay Anz kaya nabitawan niya ang hawak sa akin.
"Hindi ka ba inaantok, Zaichen? Mahaba naging biyahe niyo." tanong ni Ma'am She habang nagkakarga ng tubig sa baso.
"No, Ninang. I'm wide awake." aniya habang malagkit ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...