Kabanata 58

42 7 0
                                    

Overwhelmed

Niyakap ko si Mama habang nakahiga kami sa aking kama.

Nasa baba si Tita, at may pinuntahan naman sina Mesh at Rid.

"Ma, pakawanen nak ta inbati ka. Madik ammo nga kasjay gayam napasamak."

(Ma, patawarin mo 'ko dahil iniwan kita. Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari.)

Hinaplos ni Mama ang aking buhok.

"Maawatan ka, anak. Permi nasaktan ka ta iti ammum nagtakaw ak, tas nagsina kay pay ken Zaichen."

(Naiintindihan kita, anak. Sobrang nasaktan ka dahil ang alam mo'y nagnakaw ako, tapos naghiwalay pa kayo ni Zaichen.)

Magsasalita na sana ako nang may bigla akong naalala.

"Ma, pimmanaw kayo idi imbati kayo?"

(Ma, umalis po kayo noong iniwan ko kayo?)

Sa sinabi ni Ma'am Lace kanina, ibig sabihin, matagal ipinahanap ni Anz si Mama.

"Wen, anak. Binirok ka. Permi nataranta ak idi nakitak nga awan inti cabinet dagijai badbado mun. Madik ammu aramidek nu awan ka, anak. Duwa ta lang iti agkadwan ta awan ni Ama mun, tas naawan ka pai laeng kanyak. Tala nakadandanunakun mabirok ka laeng. Namati ak ijai imbaga ni Vileña ta naaramid nan tu pai nga patayem ta amam, sikan tu laketdin. Permi buteng ko ajai."

(Oo, anak. Hinanap kita. Sobrang nataranta ako nang makita kong wala na roon sa cabinet ang mga damit mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, anak. Dalawa na lang tayong magkasama dahil wala na ang ama mo, tapos nawala ka pa sa 'kin. Kung saan-saan na ako nakarating mahanap lang kita. Naniwala ako sa sinabi ni Vileña dahil nagawa niya nga sa ama ko, ikaw pa kaya. Sobra ang takot ko noon.)

Hinigpitan ko ang yakap kay Mama. Nagsisisi ako. Nagsisisi akong iniwan ko si Mama. Sa mga araw, linggo, buwan, at taon na lumipas na mag-isa siya, hindi ko man lang inisip na malulungkot, masasaktan, iiyak, at mahihirapan siya.

"Idi nadlaw ko nga kalla ada sumursurot kanyak, lalo ak immadayo ken naglinged. Imbag ta naiyaw-awan ko isuda. Ngem idi naminsan, immasideg da kanyak. Permi nerbiyos ken buteng ko ajai isu ta timmarayak. Kunak nu tauhan ni Vileña, ngem haan met gayam. Idi imbaga da nga tauhan isuda ni Anz, limmag-an ritnak. Impan dak ijai balay da Anz ken permi yamyaman ko ta nasingpet ni ina na kanyak."

(Noong napansin kong may sumusunod sa akin, lalo akong lumayo at nagtago. Mabuting naiwala ko sila. Pero noong isang araw, lumapit sila sa akin. Sobra akong kinabahan at natakot, kaya tumakbo ako. Akala ko tauhan ni Vileña, pero hindi pala. Noong sinabi nilang tauhan sila ni Zaichen, gumaan ang loob ko. Dinala nila ako sa bahay nila Zaichen at sobra ang pasasalamat ko dahil mabait ang ina niya sa akin.)

Pinunasan ko ang aking luha.

Hindi ko alam na ipinahanap pala ni Anz si Mama. Sinaktan ko siya, pero nagawa niya pa ring tulungan si Mama.

At teka, m-mabait ang Mommy ni Anz kay Mama? Ang iniisip ko kasi, mula nang naghiwalay kami ni Anz ay madadamay si Mama sa galit niya sa akin, pero hindi pala. Ngunit naisip ko ring baka galit siya dati, pero nawala na iyon dahil ilang taon na rin ang lumipas.

"Anak, inpaybirok na ka pai gayam ni Zaichen idi. Ngem binagaan na dagijai tauhan na nga isardeng dan ta ni Zaichen mismo iti nakakita kanyamun. Permi iti ragsak ko idi naminsan ta inbaga na nga agkita tan. Anak, masapol yu agtungtong kenni Zaichen. Nagdakkel nga yamyaman ko kanyana. Kayat ko ni Zaichen para kanyam, anak. Permi iti pinagayat na kanyam. Namin anom imbatin ngem sika latta kayat na. Dagiti lallaki nga kasjai ket manmanu laengen."

(Anak, ipinahanap ka pa pala ni Zaichen noon. Pero sinabihan niya ang kaniyang mga tauhan na itigil na dahil si Zaichen na mismo ang nakakita sa 'yo. Sobrang saya ko noong isang araw dahil sinabi niyang magkikita na tayo. Anak, kailangan niyong mag-usap ni Zaichen. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Gusto ko si Zaichen para sa 'yo, anak. Sobra sobra ang pagmamahal niya sa 'yo. Ang mga lalaking ganoo'y iilan na lang.)

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon