Kabanata 38

43 8 0
                                    

Truth

"Sa field na tayo mag-review. Tahimik tsaka mahangin." ani Mesh.

"Asus! Hindi ka rin naman magre-review! Matutulog ka lang!" saad ni Rid.

Napailing na lamang ako sa kanila. Nasa canteen kami kaharap ang madaming pagkain dahil nakatokang manglibre ngayong Lunes si Rid. Si Mesh noong Huwebes, at ako naman ang nanglibre noong Biyernes. Natanggap kasi namin last week iyong educational assistance naming mga Scholar.

Midterm exam na namin sa Miyerkules at Huwebes, kaya abala na kami sa pagre-review.

Papunta na kami sa field nang magtama ang mga mata namin ni Lace. Tinaasan niya ako ng kilay bago itinuloy ang paglalakad. Bitter pa rin siya? Hindi niya pa rin talaga matanggap ang nangyari.

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang nalaman ko ang totoo.

Lunes noon, matapos ang klase namin sa kaniya'y ipinaiwan niya ako't kaagad isinarado ang pinto.

Naglakad-lakad siya sa harap habang nanatili naman akong nakaupo.

"Didn't you know that a relationship won't work if they aren't honest with each other?"

Napakunot ang aking noo. Tama nga ang hinala ko, alam na niyang may relasyon kami.

Pero anong sabi niya? Honest?

Bigla akong kinabahan. Gusto ko nang umalis, pero parang may nagu-udyok sa akin na manatili.

"What if I tell you that Zaichen has a secret?"

Napaawang ang aking labi. Ito na ba ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko? Iyong mga nahahalata kong reaksyon ni Anz, tungkol na ba iyon sa sasabihin ni Lace?

Huminga ako nang malalim at pinilit magsalita.

"Wala siyang sekreto."

Alam kong may inililihim si Anz sa akin, pero ayokong aminin kay Lace iyon.

Napahalukipkip siya't umupo sa lamesa. Kaharap ko na siya ngayon.

Tumawa siya. "How sure are you? You're being stupid, girl! He's been lying to you all along!"

Lying? Iyon bang nararamdaman niya para sa 'kin? O mayroon pang iba?

Pagkauwi'y iyon pa rin ang laman ng isip ko.

Tumingin ako sa gilid at palihim na pinunasan ang namumuong luha.

Kanina ko pa nararamdaman ang pag-vibrate, pero hindi ko ginalaw ang cellphone ko hanggang sa makapasasok kami ni Mesh sa kuwarto. Sinabihan ko na kanina si Alid na ipasabi sa Papa niyang hindi ako makakapasok ngayon, dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Tumango naman siya.

Nahiga ako matapos magpalit, at kaagad tinakpan ng unan ang aking mukha.

'Tok tok.'

"Kezz, nasa baba si Zaichen!"

Tumibok nang mabilis ang puso ko.

"Uy, Kezz! Hindi mo ba narinig iyong sinabi ni Mama? Nasa baba si pogi! Bilis!"

Napabuntong hininga ako't dahan-dahang bumangon. Dapat na nga kaming mag-usap para malaman ko na rin ang totoo.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa sala't hawak niya ang kaniyang cellphone. Kaagad niya itong inilagay sa kaniyang bulsa nang nakalapit na ako.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon