Borrow
Nandito na kami ngayon sa room 305, para sa exam namin sa Life and Works of Rizal. Kakatapos lang namin mag-exam sa Understanding the Self.
Kinausap pa ako ni Ma'am She pagkatapos. May parte pa sa akin na nahihiya dahil sa naging usapan namin noon, pero sa ngiti at pakikitungo ni Ma'am She ay parang wala na lang iyong nangyari dati.
Ipinatong ko ang aking siko sa arm chair habang kinakagat-kagat ang aking kuko. Mabuting half day lang kami ngayon. Parang gusto ko na lang manatili sa bahay dahil hindi mawala-wala ang kaba ko 'pag nasa labas ako.
Hanggang text at tawag na lang muna kami ni Anz kagaya kahapon. Hindi na muna siya puwedeng dumiretso sa bahay pagkatapos ng trabaho niya.
Iwinala ko ang mga naiisip at isinantabi ang nararamdaman nang pumasok na si Sir Medrisa.
Tiningnan ko ang test paper na kakabigay ni Sir. May tatlong parts din. Identification, True or False at Essay.
Binasa ko ang unang question.
A poem of Rizal for the people in Lipan to commemorate a city in Batangas.
Isinulat ko ang sagot na Hymn to Labor.
Mabilis akong natapos sa unang part kaya sa True or False na 'ko. Binasa ko ang instruction.
Huwag sanang mamali si Mesh, dito! Hindi nga ilalagay ang tamang sagot, medyo nakakalito naman! Kahit tama ang sagot kung hindi nasunod ang instruction, wala rin.
II. TRUE OR FALSE. Write TRUE if the statement is correct and false if otherwise.
Inumpisahan ko nang sagutan.
The novel "Noli Me Tangere" did not affect the Filipinos and Spaniards in the Philippines.
Isinulat ko ang false kasi malaki ang naging epekto ng nobela ni Dr. Rizal.
Nang masagutan lahat ay binasa ko na ang unang tanong sa Essay.
Among the characters of Rizal's Noli Me Tangere, who among them would you like to be in relation to you as a student? Why?
Napaisip ako ng mabuti. Sino nga ba? Si Maria Clara? Pero mga hugot ang naiisip ko kapag siya. Si Crisostomo Ibarra, kaya? Kasi, matalino siya at matapang.
Nakahinga ako ng maluwag matapos sagutan lahat. Nauna akong natapos kina Mesh at Rid, pero hinintay ko muna silang matapos bago ako nagpasa.
"Shan, hulaan ko sagot mo sa unang essay." tanong ni Rid nang naglalakad na kami pababa sa hagdan.
Tinaasan siya ng kilay ni Mesh. "Ano?"
Ngumisi si Rid. "Si Sisa!" sabay tawa.
Ang lakas talagang mang-asar! Pinigilan ko si Mesh nang susugurin na niya si Rid.
"Edi wow, e ikaw? Si Padre Salvi! Kasi ipinipilit mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal!"
Napaawang ang aking labi at nilingon si Rid na napatigil ang tawa.
Sh*t! Below the belt na 'yon!
Lumingon ako sa likod dahil baka may nakarinig, pero mabuting abala sila sa pagkukuwentuhan!
"M-Mesh, hindi mo dapat sinabi 'yon!" bulong ko, pero tinawanan niya lamang ako.
"Bakit hindi? Totoo naman, ah?!"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...