Sundate
"You can join us, Sir! We have a free vacant seat here." nakangiting saad ni Celi, sabay tayo at lahad ng isang upuan.
Napangisi ako nang tumango lang si Anz at naupo na sa isang table.
Kaagad ko naman siyang pinuntahan, pero nanatili akong nakatayo sa kaniyang harap.
"Anong ginagawa mo dito?" bulong ko.
Inilabas niya ang kaniyang cellphone at naramdaman ko namang nag-vibrate ang cellphone ko.
Palihim ko itong kinuha sa bulsa at kaagad binasa.
Love
Ouch! I missed you so much and I'm starving. Can I order you miss?
Napangiti ako at nagtipa.
Ako
Baka may makahalata sa'tin rito!
Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa at mabilis siyang nilingon.
"Ano pong order niyo Sir?"
Ngumisi siya bago ako sinagot.
Kaagad naman akong nagpunta sa counter.
"Ate, isa pong sisig at iced tea sa table 18."
Pumunta muna ako sa ilang table para kunin at linisin ang mga pinagkainan nila.
Naramdaman kong muling nag-vibrate ang cellphone ko, kaya pumunta muna ako saglit sa restroom.
Love
The three girls here kept staring at me.
Napakunot ang aking noo.
Ako:
Dito ka na sa loob pumuwesto. May mga vacant table na dito.
Lumabas na ako't nakitang paupo na siya kaagad sa isang table na nilinisan ko.
Nagngitian kami.
"Hey, service crew!"
Nilingon ko ang sumigaw at pinuntahan ko.
"Can you bring our food inside?" sabay kuha ng kaniyang bag at ganoon rin ang mga alipores niya.
Ang mga chakang 'to! Sinusundan ang boyfriend ko!
"Ako na lang kukuha, Kezzrah. Tinatawag ka na sa counter." si Nemi na kaagad lumapit sa'kin.
"No! I want her, not you!" ani Celi.
"Neri, puwedeng ikaw na lang sa counter? Kay Sir Landeco iyong order. Kukunin ko lang mga pagkain nila." bulong ko.
Namula si Nemi pero unti-unti ring tumango.
"Sige po mga Madam, siyakun! Kababain met kanyayo! Garampang!"
(Sige po mga Madam, ako na! Nakakahiya naman sa inyo! Mga haliparot!)
"Bitch!" sabay pasok na sa loob.
Kinuha ko na ang iba at inilagay sa lamesa nilang malapit kay Anz.
"Atuy jai dadduman, mga garampang! Alaek lang jai nabati, ah?"
(Ito na iyong iba, mga haliparot! Kunin ko lang iyong naiwan, ah?)
Napakunot ang kanilang mga noo.
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...