Work
Tumayo na kami nina Mesh.
"Ang pangit ng ka-grupo ko! Hindi sila marunong-aray!" pagrereklamo ni Mesh.
"Kung makapangit ka, e hindi ka rin naman marunong, ah!" ani Rid.
"Puwede ka namang magsalita na hindi pinipitik ang noo ko, ah? Iyon na nga, e! Hindi ako marunong tapos ganoon rin sila!"
Napailing na lamang ako.
Ini-grupo kami ni Sir matapos ang ginawa namin kanina. Mabuti na lang at magagaling ang mga ka-grupo ko.
Tiningnan ko si Anz at nakitang ini-senyas niyang magkita kami sa bahay.
Tumango ako.
Sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko 'pag gan'tong nagtitinginan kami't may mga tao pa sa paligid.
"Kezz, nandito na si Zaichen!" ani Tita at isinarado ang pinto.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Panay baba ko ang aking short at itinataas ang aking sando. Si Mesh, kasi! Siya ang pumili ng suot ko ngayon, e dito lang naman kami ni Anz sa bahay!
"Baba ka na, Kezz! Dali na! Huwag mo ngang ibaba! Tas 'yang cleavage mo, huwag mo ngang takpan!"
Tiningnan ko siya ng masama. "Bakit ba kasi masyadong revealing 'tong ipinasuot mo sa akin?"
Ngumisi siya. "Basta! Huwag ka nang magtanong! Sasabihin ko kay Mama na nahawakan mo na, sige ka!"
Napabuntong hininga na lamang ako. Ang hilig-hilig mang-blackmail! Hindi naman 'yon totoo, pero ayoko lang na magsasabi siya nang gano'n tapos kay Tita pa!
Bumaba ako at nang malapit na sa sala'y napansin kong tiningnan ako ni Anz pababa! Humanda ka sa aking Mesh ka!
Umupo ako sa couch na katapat niya't napansin ko ang isang paper bag na nasa kaniyang tabi. Ano kaya 'yon?
"Ano ba yan, Kezz! Bakit riyan ka umupo? Tabihan mo naman si Zaichen."
Nilingon ko si Tita na galing palang kusina at kaagad naman itong dinaluhan ni Anz dahil sa kaniyang bitbit.
Hinawakan ni Tita ang aking kamay matapos nilang ilapag ang meryendang pineapple juice, spanish bread, at fishda. Iyong junk food, pero nakalagay na ito sa isang may kalakihang mangkok.
"Dito ka umupo, Kezz." itinabi ako ni Tita kay Anz.
Ikinalma ko ang aking sarili at napahinga ng malalim pero hindi ko pinahalata.
"Maiwan ko na kayo dito, Kezz. At Zaichen, feel at home, ha. Pupunta lang ako kina Preci, makikichika. Sige."
Umalis na si Tita at naiwan na kaming dalawa dito. Ano bang sasabihin ko? Ang tapang ko kagabi, tapos ngayon para akong natuktukan na bisukol-este, kuhol.
"Are you comfortable with what you're wearing?"
Napalaki ang aking mga mata.
"O-Oo naman." tumango siya. "Hindi mo ba gusto na... nagsusuot ako ng mga gan'to? Kung oo, sige, magpapalit na lang ako."
Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay nang patayo na sana ako.
"You don't have to. It's just fine with me as long as you're comfortable. You can wear anything."
Maganda ang sinabi niya, pero feeling ko may part na parang nasaktan ako.
"Ayos lang sa 'yong magsuot ako ng gan'to, tapos pagtitinginan ako?"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUNDER MAJOR EDITING Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...