Kabanata 8

57 8 0
                                    

Escape

Paunti-unti kong isinara ang pinto.  Mabuting sa gilid siya ng daan nakatingin kaya hindi niya ako nakita.

"Oh, Kezz, bakit isinasara mo?"

Nagulat ako kay Tita, pero umakto ako ng normal.

"A-Ah... Tita... natatae po ako. Mauna na po kayo. Maglalakad na lang po ako. Baka ma-late pa po kayo sa pupuntahan niyo."

Tumakbo na kaagad ako papunta sa taas.

Sinilip ko si Tita at nakitang palabas na siya.

Binilisan kong bumaba at pumunta sa likod. May sikretong labasan kami dito ni Mesh, kaya dito na ko lalabas.

Ikinuwento sa akin ni Mesh dati na dito siya dumadaan kapag hindi siya pinapayagan ni Tita na gumala. Pasaway kasi si Mesh e. Pero siyempre, naiintindihan ko siya kasi gusto niya rin namang mag-enjoy.

Naranasan ko din 'yon. Siguro kung hindi ako tumatakas noon, walang kaganap-ganap ang buhay ko at walang maikukuwento na pagtatawanan in the future.

Payuko akong naglakad, pero iniaangat-angat ko minsan ang aking ulo.

Nakita kong nag-uusap na si Tita at Anz na patingin-tingin sa taas.

A-Anak ng!

Sigurado akong sinabi ni Tita na tumatae ako!

Ibinalik ko na sa normal ang paglalakad nang nakalayo na ako.

Sa bahay ni Ma'am She ulit natulog si Manang kagabi, kaya kaagad kong binuksan ang gate at pinto pagkarating ko.


Papunta na sana ako sa kusina nang madaanan si Prim na nakahiga sa sala. Nakapikit siya't parang may dinaramdam na sakit.

"Hoy, singkit! Anong problema mo?"

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

"M-My body's aching."

Kaagad ko siyang nilapitan.


"Ha? Bakit, ano ba kasing nangyari?" tanong ko na may pag-aalala.


"I worked out too much-ouch! Why did you pinch me?"


"Akala ko kasi kung ano na! Dahil lang pala sa gym! Alam mo kung anong solusyon diyan? Simple, huwag ka nang mag-gym. Oh, solve na problema mo, punta na ako sa kusina, ah!" saad ko, pero nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

"W-Wait, can you massage me?"

Hihindian ko sana, kaso parang nasasaktan talaga siya.


"May efficascent oil ka ba? Coconut oil, meron?"


Napakunot ang kaniyang noo. "W-What?"

"Huwag na nga lang. Tara, doon tayo sa kuwarto mo. Saan banda?"


Napaawang ang kanyang labi.


"Oh, bakit?


"Bad timing. Just invite me when my body's in good condition. You'll just be disappointed with my performance-ouch! Your pinch really hurts! But don't worry, I still like you." sabay kindat at ngiti.

"Iww! Anong performance performance ka diyan! Manyak kang singkit ka! Hoy, doon tayo sa kuwarto mo para kumportable mong maihiga habang minamasahe kita! Kung anu-anong iniisip mong singkit ka! At for your information, uulitin ko, Hindi kita gusto! Halika na nga."

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon