Kabanata 28

43 7 0
                                    

Front

Tulad ng inaasahan ko.

Akala niya siguro'y mapapahiya niya ako? Tingnan natin.

Dahan-dahan akong tumayo.

"What is an asset?"

Magsasalita na sana ako nang itaas niya ang kaniyang kanang kamay, senyales na pinapahinto ako.

"I'm not done yet."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"What is an asset, and what are the two types of it? Discuss current and non-current liabilities. And, give examples of each of those."

Hindi ako umimik dahil baka may idadagdag pa siya. Hindi naman halatang mainit ulo niya sa akin!

"What are you waiting for?"

Ah, tapos na pala? 

Pinigilan ko ang sariling huwag magtaray at nag-focus na lang sa isasagot.

"Asset refers to the resources owned by the company. The two types of it are current assets and non-current assets. Current assets can be expected to be used for a short period of time or just within a year. Examples of which are cash, accounts receivables, inventory, supplies, etc. While non-current assets are expected to be used for the long term, or more than a year. Examples are equipment, machinery, and others. In terms of liabilities, current is short term payable. Examples are accounts payable or trade payables. For non-current liabilities, it is long-term payables or loans and mortgages are an example of it."

Pumalakpak ang mga kaklase ko habang masama naman ang tingin niya sa akin.

Palihim akong ngumisi.

Hindi niya ako pinansin.

"Get 1 whole sheet of paper and answer this." aniya habang nagsusulat na sa white board.

Kaagad ko naman itong inilabas at sinimulan na ring magsulat.

Nagpa-graded recitation, pero ako lang ang tinanong?

Bumubulong-bulong sa akin si Mesh habang nagsusulat si Ma'am.

"Grabe 'yong galit niya sa 'yo, Kezz! Pa-kopya ako, ah? Hehe."

Umupo na siya matapos magsulat ng limang sasagutan namin.

Mabilis ko namang natapos, pero nagkunwari akong sumasagot dahil kumukopya pa si Mesh. Mahirap na't baka makahalata siya, mapagalitan pa kami.

"Pass your papers, now!"

Mabuting tapos na ni Mesh!

Kaagad namin itong ibinigay at nang papaupo na ako'y bigla niya akong tinawag.

"Miss Sandilio, answer all of that."

Tumayo ako't kinuha ang panulat sa lamesa. At tulad ng sinabi niya'y sinagutan ko lahat ng iyon.

Tumayo siya at nilingon ang whiteboard. Napansin kong tumaas ang kaniyang kilay.

Kahit anong gawin mo'y hindi mo 'ko mapapahiya.

Isa-isa niyang kinuha ang mga gamit niya pero naiwan ang mga papel namin.

"Check the papers and give them to me in my office tomorrow, Miss Sandilio."

Tumango ako. "Okay po, Ma'am."

"Don't be too confident. See you all on Friday. Goodbye."

Kinuha ko sa lamesa ang mga ipinasa namin at inilagay na sa bag.

Nagsalita kaagad ang mga kaklase ko pagkalabas niya.

"Bakit ba ang sungit ni Ma'am? Mabuti na lang maganda siya!"

"Pinag-iinitan ka ni Ma'am, Kezz!"

"Naiinggit lang siguro!"

"Maganda, pero iyong ugali, pang-basura!"

"Iyong syllabus lang naman ini-discuss niya. Wala yata siyang alam e, kaya kay Kezz pinasagot lahat!"

"Tungeks! Alangan namang magiging instructor natin siya kung wala siyang alam. Mainit lang talaga dugo niya kay Kezz."

"Hindi ba magkasama sila kahapon ni Sir Landeco? Sobrang lapit pa nga nila sa isat-isa e. Sila na siguro?"

"Pero feeling ko, hindi sila. Parang si Ma'am lang iyong may gusto."

"Feeling ko rin! Medyo lumalayo kasi si Sir Landeco no'ng mas inilalapit ni Ma'am iyong mukha niya."

Lumalayo?

Iyong nakita ko kahapon, parang gustong-gusto niya nga, e!

Baka kung walang tao sa paligid nila'y naghalikan na silang dalawa.

Pero teka, kung sila na nga, bakit gano'n iyong pakikitungo niya sa akin?

Lumabas na kami ng room at pumunta na kaagad sa susunod na klase.

K-Klase niya!

Dito kami sa likod pumuwesto. Ipinatong ko ang braso sa arm chair tsaka yumuko. Naramdaman kong may humaplos sa buhok ko kaya nilingon ko kung sino.

Nginitian ako ni Rid. "Kung inaantok ka, itulog mo muna. Gigisingin na lang kita 'pag dumating na si Sir."

Tumango ako at dahan-dahang pumikit. Pero hindi ko puwedeng itulog dahil baka mapalabas pa ako ulit.

"Kezz, nandito na si Sir." ani Mesh.

"Good morning, Sir!" rinig kong bati ng mga kaklase ko.

Mabilis kong inayos ang sarili, at tinulungan pa ako ni Rid na ayusin ang buhok ko.

Tiningnan ko ang taong nasa harap na parang badtrip. Nakakunot kasi ang noo.

"Let's change your seating arrangement."

Ano?

Mabilis akong hinawakan ni Mesh.

"Hala, Kezz! Pa'no na 'yan? Baka mabagsak ako, tapos ma-disqualification ako bilang scholar next sem!"

Malulungkot na sana ako, e. Bakit nag-english pa?!

Ano bang pakulo niya at kailangan pang ibahin ang puwesto namin?!

Sinimulan na niyang magtawag ng mga kaklase ko. Marami pa iyong may ayaw, pero wala rin silang nagawa.

"Miss Hareria, here in front."

Nakabusangot si Mesh na tumayo at kaagad umupo sa pinakaharap. Mayroong limang silya kada linya.

"Mr. Corienza."

Sa bandang kanan sa likod ipinuwesto ni Sir, si Rid.

Magkahihiwalay na talaga kaming tatlo!

May tinawag pa siya hanggang sa ako na ang sumunod.

"Miss Sandilio."

Tumayo ako.

"Here."

Itinuro niya ang bakanteng upuan na nasa kanang banda ni Mesh!

Sh*t!

Sa medyo tapat niya ako uupo? Napalunok ako bago dahan-dahang humakbang. Nilingon ko si Mesh na masayang nakatingin sa akin.

Huli na nang mapansin ko ang paa niya sa harap ng aking upuan!

Napapikit na lang ako. Akala ko'y babagsak na 'ko, pero naramdaman kong may humawak sa aking baywang.

Anz?

Siya lang naman ang nasa tabi ko!

Idinilat ko ang aking mga mata't nakita ko sa aking harap ang nakangangang si Mesh.

"Kezz!"

Nilingon ko ang sumigaw na si Rid at kaagad bumitaw kay Anz.

"T-Thank you... S-Sir."

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon