Plan
Napahawak ito sa kaniyang dibdib.
"Ouch. Pero hindi, Kezz. Hindi kita iiwasan. Ako naman ang may kasalanan, hindi ikaw."
Napangiti ako.
"Salamat, Rid. Masaya akong naiintindihan mo. Akala ko, ipipilit mo pa e."
Natahimik siya ng ilang minuto.
"Oo, Kezz. Gusto ko pang ipilit. Gustong-gusto. Pero naisip ko, masasaktan kita. Ayaw kong masaktan ka, Kezz. Kahit ako na lang ang masaktan, huwag lang ikaw."
Lumapit ako kay Rid at inakbayan siya.
"S-Salamat ulit, Rid. Mabuti ka talagang tao. Mas iniisip mo din ang iba kaysa sa sarili mo. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. The best kang kaibigan, e!"
Hinawakan niya ang kamay ko na nakaakbay sa kaniya.
"Ganoon rin ako, Kezz. Hindi ako tulad ng iba na lalayo o iiwas kapag hindi nakuha ang gusto. Espesyal ka sa akin kaya kahit hanggang kaibigan lang, ayos na sa akin, Kezz."
Napapikit ako habang nakangiti.
Nabawasan ang mabigat na nakadagan sa akin. Akala ko'y magiging mahirap dahil buong-buo ang desisyon ni Rid, pero hindi ko inaasahang madali niyang maiintindihan. Iyon lang siguro ang hinihintay niya para magising siya sa katotohanan. Sa katotohanan na hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya dahil may nagmamay-ari na ng puso ko.
Siguro ito na ang tamang oras para malaman ni Rid ang totoo.
Kita ko ang gulat sa kaniya matapos kong magkuwento.
"Alam mo, Kezz, halata naman na mahal ka pa niya e! May pa-moves pang gano'n! Bakit hindi na lang niya diretsuhin?!" ani Rid.
Umiling ako. "Hindi na nga! May Lace na siya. Tsaka itinaboy ko na ulit siya dati, 'no. Paniguradong nagsisisi na 'yon ngayon." sagot ko.
Hinarap ako ni Rid.
"Kezz, maniwala ka sa akin. Lalaki ako kaya alam ko kung may nararamdaman ang lalaki sa isang babae. May plano ako."
Napakunot ang aking noo.
"Ang saya kanina, Kezz! Iyong tingin niya sa inyo'y parang papatayin na si Rid, e!" ani Mesh.
Napailing ako't kumuha na kaagad ng damit.
Tumutol ako doon sa sinabi ni Rid, pero hindi niya ako pinakinggan!
Kaagad akong humiga matapos magpalit ng damit.
"Mesh, kasi! Bakit ka pumayag sa plano ni Rid?"
Umupo siya sa kama ko matapos ding magpalit.
"Ay, bakit naman hindi? Kezz, marami ka nang naisakripisyo! Hind ba puwedeng sarili mo naman ang isipin mo ngayon? Deserve mong maging masaya! Mahal mo siya at alam namin ni Rid na mahal ka pa rin niya! Iyong si Ma'am Lace, hindi niya 'yon gusto! Nakita mo nga kanina 'di ba? Hindi niya pinapansin si girl dahil abala siya sa inyo ni Rid! Halatang nagseselos siya, Kezz! Huwag ka nang kumontra! Mas matalino ako 'pag sa mga ganitong bagay!"
Napapikit ako saglit.
"Pero kasi, last last Friday lang no'ng pinalaya ko siya ulit, tapos ngayon, biglang gusto ko ng maging kami-aray!"
"Sige, magsalita ka pa! Hindi lang legs mo ang tatampalin ko! Matalino ka Kezz, e! Pero 'pag sa lovelife talaga, naku! Kung subject lang ang lovelife, malamang singko ang grade mo, Kezz! Bagsak na bagsak! Wala naman 'yan sa bilis, 'no! Tsaka 'dicba, ilang taon kayong hindi nagkita? Oh? hindi pa ba sapat na rason iyon at 'yang nararamdaman mo? Ilang beses mo mo na ring nasaktan si pogi, kaya go na!"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...