Kabanata 46

43 8 0
                                    

Warning: SPG

Gift

"Naging magkaibigan nga kayo ni Ma'am Lace, pero may iba naman na dapat niyong katakutan!" ani Mesh.

"Oo nga, e. Nahahalata niya rin siguro iyong kilos ni Celi." saad ni Rid.

Naikuwento ko na sa kanila lahat ng nangyari. Tulad ko'y natatakot rin sila.

Narinig namin na may bumisina.

"Rid, si Anz na 'yon." sabay kuha ko sa cellphone na may mga mensahe pala galing kay Anz at isang... unknown number?

Itinipa ko ang password at kaagad ini-scroll pababa para makita sa notification.

09*********

Just relaxing, ha? Well, fine! Enjoy now, suffer soon!

Mabilis kong ini-off ang cellphone.

Celi.

"Love."

Napaigtad ako. "Love, ginulat mo naman ako!"

Napakunot ang kaniyang noo.

"Hala si Kezz, mga style mo, bulok! Kanina ka pa tinatawag ni Sir Zaichen!" ani Mesh.

Ha? Hindi ko namalayan!

"Are you okay, love?"

Ikinalma ko ang aking sarili at umakto ng normal.

Ngumiti ako. "A-Ah... oo, love. Ayos lang ako. May iniisip lang ako kanina."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Who were you thinking that you didn't even notice me?"

Napalunok ako.

"Kezz, doon na lang kayo sa guestroom para mas makapag-usap kayo ng maayos ni Sir. Alam mo namang singitera si Shan."

Tiningnan siya ng masama ni Mesh.

Umupo ako sa kama pagkapasok namin dito sa guestroom. Naiwan sa sala iyong dalawa. Ginawa pa kaming rason ni Rid, e alam ko namang gusto lang niyang ma-solo si Mesh. Baka nga nasa kuwarto na sila ngayon, e.

Tinabihan ako ni Anz tsaka hinaplos ang aking likod.

Napalunok ako. Bigla kong naalala iyong nangyari sa amin dito noong birthday niya, at ang nangyari sa kaniyang kuwarto noong Christmas at birthday ko!

Kina Ma'am She kami nag-celebrate ng Christmas at New Year. Kasama pa namin si Rid dahil sa ibang bansa nagdiwang ang mga magulang at kapatid niya.

Double celebration ang nangyari noong January 1 dahil kaarawan ko. Medyo nalungkot ako no'n dahil wala sina Rech. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakausap. Sana maayos lang sila ni Rez.

Pero nawala ang nararamdaman kong lungkot nang pumunta kami sa kuwarto ni Anz.


Pagkasarado pa lamang ng pinto'y niyakap na niya kaagad ako.

Unti-unti niya akong hinarap.

"Happy birthday, love." nag-init ang mukha ko.

"I thought this day wouldn't come anymore. That I'll be able to be with you on your special day and, of course, on welcoming the new year together. I can't express what I am feeling right now. It's overflowing."

Hinaplos ko ang kaniyang mukha.

"The past years... I was so hopeless. I felt lonely. I felt like I was in the dark. That no one knows my true situation. That no one sees how I was hurting. How I wanted to shout just to express my true feelings, and how disappointed I am with myself."

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon