Kabanata 48

41 7 0
                                    

Message

"A-Ah... cr lang ako, love."

Nagtaka ako nang tumayo rin si Anz.

"I'll go with you."

Umiling ako.

"Huwag na, love. Sandali lang naman ako."

"Asus! Kunwari ka pa, Kezz! Sige na!" ani Mesh.

Tiningnan ko si Rid na nakangisi.

"Heh!"

Ibinalik ko ang tingin kay Anz.

"I'll miss you."

Napangiti ako. "Sandali lang talaga ako, love. Dito ka na lang."

Umiling siya. "I'll go with you. I'll wait outside."

Napabuntong hininga ako.

Nanginginig ang aking mga kamay at iba ang nararamdaman ko. Napasandal ako sa pader at napapikit.

Pilit kong inilabas ang cellphone kahit na nanginginig ako. Dapat kong bilisan dahil naghihintay si Anz sa labas nitong cr.

Tama ang hinala ko. Nakita ko sa notification ang mensahe na galing ulit sa number na nag-text kanina.

09*********

You will suffer! And I can't wait for the day that you'll beg on me! Just want to remind you that whatever you do, I will always be the boss, and you'll just be a poor pet!

Bumigat ang paghinga ko. Bakit ganoon? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya? Dahil nalamangan ko siya't nasa akin ang taong gusto niya?

Pero may parte rin sa akin na nagtataka. Noong finals kasi, kapag nagkakasalubong kami ni Celi ay hindi na niya ako pinapansin. Kahit tingin, wala. Nakikipag-usap lang siya sa mga alipores niya't nakatuon lang ang tingin sa daan.

Noong final exam, ni hindi na siya lumapit sa akin kaya nanibago ako. Pero ang naisip ko na lang noon, baka pinaghahandaan niya ang pasabog niya sa akin.

Pero ngayon, sa mga mensahe niya sa akin, parang may iba pa rin. Hindi ko lang matukoy kung ano.

"Love?"

Napaigtad ako. Mabilis kong ibinalik ang cellphone sa aking bulsa at lumabas na.

"Are you okay?" sabay haplos ng aking pisngi.

Hindi, love. Hindi ako okay. Bakasyon pero hindi ko man lang maipahinga ang isip ko.

Tumango ako habang nakangiti. "Oo naman, love. Ayos lang ako."

Ayoko pa ring sabihin sa kaniya. Kailangan niya ng peace of mind dahil alam kong napapagod din siya sa dami ng kaniyang ginagawa.

Mas lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I'm just here."

Nawala ang ngiti ko. Alam ko, Anz. Pero ako, hindi ko na alam.


Humiga kaagad ako pagpakapasok sa kuwarto namin. Kina Rid na kami naghapunan. Kagaya ng dati, nauna ulit umuwi si Anz, at si Rid ang naghatid sa amin ni Mesh. Sa likod pa ako umupo kanina na ikinataka nila.

"Kezz, riyan ako."" ani Mesh.

"Oo nga, Kezz!" si Rid.

Nginisian ko sila. "Talaga ba? Gustong-gusto niyo rin naman, e."

Napalaki ang mga mata ni Mesh. "Ha? Hindi, ah! Iw!"

Kumunot ang noo ni Rid. "Iw? Huwag kang sasakay, ah! Maglakad ka!"

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon