Shit
May mga nakasabayan kaming kaklase namin at nagkumustuhan na rin.
"Kezz, doon tayo sa likod!" sabay hila niya sa akin nang paupo na 'ko sa harap.
"Dito na, Mesh. Dapat nga dito ka para maintindihan mo naman, e." saad ko.
Umupo na 'ko kaya wala nang nagawa si Mesh.
"Ayos lang kung sa likod ka, Shan. Kung sakaling magtanong ang instructor natin at wala kang maisagot, pagtatawanan ka na lang namin." tumawa si Rid. "Financial Management pa naman subject natin ngayon."
Nakaupo na sa kaliwa ko si Rid, at sa kanan naman 'tong si Mesh na biglang napalaki ang mata.
"Sh*t! Solving-solving ulit?" tanong ni Mesh.
"Malamang! Sinabihan kasi kita noon na Journalism kunin mo kasi magaling kang tumalak e. Iyon nga lang, may solvings pa rin. Pero at least, kaunti lang kumpara dito."
Hinarap ni Mesh si Rid.
"E bakit ikaw? Mayaman ka, 'di ba? Pero bakit dito ka sa public nag-aral? Siyempre dahil kay-oh oh!"
Napakunot ang aking noo. Sinundan ko kung saan nakatingin si Mesh.
Napalunok ako't napalaki ang aking mga mata.
Nakatitig siya sa akin habang inilalapag niya ang kaniyang mga gamit, at nginisian pa ako bago siya nagsalita.
"Good morning, everyone. I'm Lexia Dace Priton, your instructor in the subject, Financial Management."
Sana pala, nagpahila na lang ako kay Mesh sa likod!
"Pass your class cards now!"
Hindi ko pa nasulatan!
Kaagad kong kinuha ang class card at ballpen sa aking bag.
"Faster!"
Ibinigay namin ni Mesh kay Rid at siya na ang nagpasa.
Nagulat ako nang lumapit sa akin si Lace-este, Ma'am.
"Arrange it alphabetically."
Mukhang pinag-iinitan talaga ako ng babaeng 'to, ah?!
Nginitian ko siya. "Sige po, Ma'am."
Mabilis ko itong naayos, at ibinigay na sa kaniya.
Nagsimula na siyang mag-tawag. Tumayo at nagpakilala naman ang mga kaklase ko.
Kinakabahan ako, pero dapat kong patibayin ang aking loob at habaan pa ang pasensya. Hindi ako magpapatalo sa babaeng 'to.
"Merk Ridhen Corienza."
Tumayo so Rid. "I'm Merk Ridhen Corienza, 21, from Carmona, Cavite."
Tumango si Ma'am.
Nagtawag pa siya, hanggang sa sumunod na si Mesh.
"Meshan Gailee Hareria."
Siniko ko si Mesh nang hindi siya gumalaw.
"A-Ah.. good morning po, Ma'am. I'm Meshan Gailee Hareria-"
"I know. Just tell me other information about you."
Palihim akong nagtaas ng kilay. Pati ba naman si Mesh, idadamay niya?!
"A-Ah... I'm 21 years old. I lived in-"
"What are you? A kid? Sit down! Practice your grammar!"
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsyana Series 1)
RomanceUnder Major Editing Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley...