Kabanata 13

47 8 0
                                    

Unwind

"Sabi ko, nasa itaas ka't nagpapaganda para lalo siyang ma-inlove sayo, yiee!"

Napapikit ako saglit. Parang mas okay pang sinabing tumae na lang ako e!

"Tita, bakit naman po gano'n iyong sinabi niyo?"

Pumunta ako sa kusina at umupo.

"Oh bakit, hindi ba?"

Nakabusangot ako habang kumakain.

"Kezz!"

"Oh, si Mesh 'yon ah. Saan na naman kaya galing 'to!"

Sisilipin na sana ni Tita nang pumasok sa kusina si Mesh. Tumayo siya sa harapan ko't nakapamaywang pa.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa 'kin?" tanong ko.

"Baka may gusto kang sabihin?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Ha? Ano namang sasabihin ko?" pagtataka ko.

Pinagtitripan na naman yata ako nitong si Mesh e. Wala na talagang magawa sa sobrang bored.

"Ikaw dapat ang tinatanong namin niyan, Gail! Saan ka galing?" tanong ni tita.

"Mamaya na, Ma! Mas importante 'to!" sagot ni Mesh.

"Tigilan mo nga ako, Gail! Importante ring malaman ko kung saan ka nagpunta!"

"Ma, tungkol 'to doon sa lalaking nasabi mong kasama niya! Pero sige, pumunta ako-"

Napalaki ang mga mata ko.

"Talaga? Sige, magkuwento ka dali!"

"At saan ka pupunta?" hinarangan ako ni Mesh nang tumayo ako.

"A-Ah... matutulog na 'ko. Napagod ako e." pagdadahilan ko.

"Ma, tulungan mo ko. Tatakas pa e!" sabay hila sa akin.

Pinagtulungan nila akong paupuin!

"Bakit Gail, nakita mo silang magkasama kanina? Sinundo ni pogi e, yiee!"

"Hindi, Ma! Sinabi ni Benang na nakita niyang sa likod dumaan si Kezz, at tinakasan 'yong lalaking sinasabi niyo!"

Napalunok ako.

"Ano? Kezz, tinakasan mo si pogi? Bakit?"

"Tita, Mesh, puwede po bang huwag na po nating pag-usapan 'to? Pagod na pagod po ako. Please po." seryoso at mahinahon kong sinabi.

Nagulat at nagtataka sila, pero unti-unti ring tumango.

Kaagad akong humiga pagkapasok dito sa kuwarto.

Ramdam ko 'yong pagod hindi lang sa pisikal, kung 'di lalong-lalo na sa emosyonal at mental.

Naiintindihan ko sila Tita at Mesh. Hindi nila alam ang nangyari. Siguro sa susunod ko na lang sasabihin para wala nang magpaalala tungkol sa kaniya.


Kaagad kong tiningnan ang orasan nang maimulat ko ang aking mga mata.

Alas diyes na pala. Mabuting naitulog ko pa rin kahit na inistorbo ako ni Kezz kanina.

"Kezz, gising. Kezz."

Hindi ko maimulat ang aking mga mata sa sobrang antok.

"Kezz, ano ba! Late ka na sa trabaho mo!"

Hindi ko pala nasabi.

"Mesh, nag-resigned na ako kahapon. Kaya puwede bang tigilan mo na ang pagyugyog sa akin!"

Napaawang ang kanyang labi. "Ano? Bakit?"

Napabuntong hininga ako. "Basta. Mahabang istorya."

"Edi paikliin mo! Hindi ka na ba marunong magsummarization?"

Summarization?

"Mesh, puwede bang tigilan mo muna ako. Tsaka ko na ikukuwento. Mag-focus ka na lang sa pag-aayos sa grammar mo."

Muli kong ipinikit.

"Heh! Ang yabang mo! Basta sabihin mo mamaya, ah."


Kumakain na ako ngayon nang lumapit sa akin si Mesh.

"Kezz, nasabi ko kay Rid na nag-resigned ka na kaya pupunta siya dito. Ililibre niya raw tayo!"

Gusto ko sanang itulog na lang maghapon pero pinilit ako ni Mesh.


"Doon na tayo sa gilid pumuwesto."

"Huwag, Rid! Dito tayo sa gitna para center of attraction." sabay ngiti.

Attraction?

Napatakip ako sa bibig.

Pinitik ni Rid ang noo ni Mesh. "Attention, Shan! Attention! Huwag ka na ngang mag-english, nakakahiya ka! Doon na tayo sa may bintana. Final!"

Wala nang nagawa si Mesh, pero panay ang bulong hanggang sa makaupo na kami.

May apat na upuan sa bawat lamesa, maliban lang dito sa may gilid kasi tatlo lang ang upuan. Nakadiin kasi iyong lamesa sa may dingding. Nasa harap ko si Mesh at si Rid naman sa kanan. May nakita pa akong parang buong pamilya. Pinaglapit nila iyong tatlong mesa.

Lumapit sa amin ang waitress at ibinigay na ang menu.

"Order lang kayo ng gusto niyo." ani Rid.

"Ay wow, Rid! Sabi mo 'yan, ah?"

Hindi ko na sila pinansin dahil natuon ang atensyon ko sa menu.

Ang mamahal!

Sweet Chili Chicken Wings

210?

Bibili na lang ako ng chicken joy! Twenty-eight pesos lang 'yon!

Small Lomi

150?

Iyong nagtitinda sa amin, thirty-five pesos lang iyong small!

Iced Tea

90?

E twenty-one peses lang iyong juice na nakasachet tapos ang dami nang magagawa!

"Hoy Kezz, bakit parang problemado ka diyan?" tanong ni Mesh.

"May napili ka na ba, Kezz? Order ka lang ng gusto mo, treat ko." si Rid.

Ini-angat ko ang aking ulo. "A-Ah... baka puwedeng sa iba na lang tayo."

Inilagay ko na sa lamesa ang menu.

"Ha? Dito na, Kezz! May napili na ako e! Tsaka ngayon lang tayo makakakain dito tapos libre pa!"

"Ang mamahal kasi e."

"Naku Kezz, mas mahal ka ni Rid-"

Pansin kong nilakihan siya ng mata ni Rid. Ang hilig kasing mang-asar nitong si Mesh e.

"Ayos lang, Kezz. Parang celebration na rin natin since matataas mga grades natin."

Unti-unti akong tumango. "S-Sige."

Ngayon lang kami makakakain rito. Mabuting wala si Celi. Iyong anak ng may-ari nitong restaurant.

"Grabe, sobrang nabusog ako do'n, ah! Ang sasarap lalo na iyong Pattered Shrimp!" sabay haplos sa tiyan.

Nagkatinginan kami ni Rid. Hinila ko siya pakanan sa dinadaanan namin.

"Hoy! Saan kayo pupunta? Talagang iiwan niyo 'ko dito, ha!" sigaw ni Mesh.

"Ang sama niyo!" aniya, pagkaupo sa likod ng kotse ni Rid.

"Pa'no naman kasi, mas nakaka-stress ka pa sa subjects natin e!"

"Ay wow, Rid! Mas nai-stress ako sa pa-bangs mo! Korean ang peg?"

Tiningnan ko ang buhok ni Rid na iba ang istilo ngayon.

"Oh, bakit? Bagay kaya." saad ko.

Found Love In La Union (Probinsyana Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon