HM 51

1K 37 143
                                    

Nagising ako nang bahagya tumama ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. At kahit antok na antok ay ramdam ko pa din ang bilis ng takbo ng sasakyan na lulan ako. Buti nalang naisipan ko talaga isuot ang seatbelt bago makaidlip, baka hindi lang pala untog ang aabutin ko.

"Dahan-dahan naman, Red. Makakarating din tayo kay Tippy!" Reklamo ni Jay na nasa frontseat katabi si Red Denson. Napaayos agad ako nang upo at kinusot ang mga mata. Pinoproseso pa ng utak ko kung anong nangyayari.

Tama.

Kagagaling lang namin sa New York para sa engagement party sana ni Tippy, pero dahil akala ni Tippy na sa ibang lalaki siya ipapakasal ng ama niya---bumalik na lang siya nang biglaan sa pilipinas. Kaya pati kami napabalik din kahit dapat isang linggo pa iyong bakasyon na hiningi ko sa trabaho.

Napakapit agad ako sa seatbelt na suot nang walang pag-iingat na pinark ni Red ang sasakyan pagkarating namin sa resort na pagmamay-ari niya, ultimo mukhang nakalimutan niya din na kasama niya kami ni Jay sa loob ng sasakyan. Agad ito bumaba nang hindi man lang nagpapaalam sa amin kaya ganun na lang ang pag-ikot ng mata ni Jay pagkaalis ni Red.

"No manners talaga, buti pa si Alexander!" Aniya sabay padamog na bumaba na din ng sasakyan.

Hinilot ko muna ang sentido bago tinanggal ko na ang suot na seatbelt at sumunod na din ako bumaba.

Agad nilapitan ni Jay ang pangalan ng resort.

"Tingnan mo to, Zy." Aniya sabay duro pa doon na animo'y hindi ko pa alam ang pangalan ng resort.

"No manners na nga ang baduy pa pumili ng pangalan ng resort! At tingnan mo nga ang resort na to, hindi papasa ito sa turista! Ano bang nagustuhan ni Tippy sa lalaking iyon?"

Humikab ako at nilibot nang tingin ang resort. Hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Jay. Sa tingin ko maganda ang resort na tinayo ni Red. Pero sa tingin ko din walang pakialam si Red sa mga turista na bibisita, parang sinadya niya lang talaga magkaroon ng sariling resort para sakanila ni Tippy.

Nanliit ang mga mata ko. Kung gusto niya magkaroon ng ibang mundo kasama si Tippy maybe island will do. Pero masyado mahal bumili ng sariling isla-- pero sa tingin ko afford din naman ni Red iyon dahil sa pagkakaalam ko bukod sa resort na ito may ilan pa siyang business na pinagkakaabalahan. I hope legal na iyon lahat. Kawawa si Tippy kung gumagawa na naman illegal ang lalaking mahal niya.

"Ba't hindi pa kayo pumapasok?"

Napalingon kami ni Jay sa kadarating lang na si Tito Patricio, ang Daddy ni Tippy. Magkahawak kamay sila ng asawa niya. Mas nauna kami umalis sa airport dahil na rin sa pagmamadali ni Red, buti nga pumayag na isama kami ni Jay. Hindi kami close ni Red, pero nag-uusap naman kami, at tungkol lang kay Tippy lahat ng iyon. Ilan beses ko na siya nabisita noon sa kulungan pero dahil na rin sa pabor ni Tippy ulit. Limang minuto nga lang ang pinakamatagal naming pag-uusap. Masyado siyang tahimik sa ibang tao-- kahit sa sarili niyang pamilya hindi din siya gaano palasalita kaya siguro bagay sila ni Tippy-- kung anong kadaldalan ng isa siya namang tahimik ng isa.

"Welcome sa resort, Tita, Tito!" Salubong ni Alexander  sa amin. "Hi, Zyra and Jay!"

Hinatid kami ni Alexander sa villa-- ang kapatid ni Red sa batas. Red was adopted by a Dela Cruz family. Sa pagkakaalam ko matagal na siyang ampon ng mga Dela Cruz pero netong paglaya niya lang naging legal ang lahat. Siguro para na din tulungan si Red tuluyan magbago at hindi husgahan.

Bahagya kami nagulat nang pagkarating namin sa villa ni Red ay nagtatalo sila ni Tippy, nasa sala lang kami nang sabay sila bumaba at nagsisigawan-- or mas tamang sabihin si Tippy lang ang sumisigaw at umiiyak.

"No! Naiinis ako sayo! Kaya pabayaan mo muna ako!"

"Come on, Yam. Pakinggan mo naman ako."

"Hindi mo pa nga pinapakasalan ang anak ko, pinapaiyak mo na." Sabad ni Tito. Napahinto ang dalawa at gulat na gulat ang itsura ni Tippy nang makita kami na nasa sala.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon