HM 10

3K 209 36
                                    

Mabilis na tinulak ko siya palayo sa akin, bago ko binunot ang baril sa baywang ko at tinutok yun sakanya.

"Itaas mo ang dalawang kamay!"

Tumingin lang siya sa akin. Walang galit sa mga mata niya, pero parang iniinsulto niya ako sa pambabalewala niya sa utos ko. Ni hindi ko nga siya nakitaan ng takot o kaba.

"Akin na ang kwintas." Walang gana na sabi niya. Namulsa pa siya at tumingin-tingin sa paligid namin.

Hindi ko mapigilan ang sarili na punahin ulit ang suot niya. Hindi ko kasi maintindihan kung anong pinaglalaban niya. Tirik na tirik ang araw, balot na balot naman siya. Nungka bang magsuot ng itim na leather jacket, na sigurado akong meron pang damit sa ilalim nun, tapos nakagloves din siya at nakasumbrero pa. At ang malala pa puros itim lahat nang suot niya. Parang masyado naman ata napaaga ang halloween.

Nang hindi niya narinig na sumagot ako ay muli siyang tumingin sa akin.

"Bingi ka ba? Sabi ko, akin na ang kwintas."

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa baril na nakatutok sakanya.

"Sumama ka muna sa akin."

Pansin ko agad ang pagbabago ng ekspresyon niya na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Patayin mo na lang ako."

Kahit matagal ko nang gustong gawin yun, alam ko na hindi pwede. Bukod sa marangal ang trabaho ko, hindi rin ako mamamatay tao. I have a heart and conscience, hindi tulad niya. Na parang wala lang sakanya ang halaga ng buhay.

"Hindi mo kaya?" Tanong niya nang hindi ako kumilos at nakatingin lang sakanya ng masama. Bahagya tumaas ang sulok ng labi niya nang sumulyap siya sa baril na nakatutok sakanya.

"What a weak, Slut."

Pinigilan ko ang sarili na kalabitin ang gatilyo kahit na gustong-gusto ko na gawin yun. Lintek naman kasi na konsensya to! Bakit ba meron ako neto? Edi sana madali lang sa akin na barilin at patayin siya tulad nang madali din sakanya na saktan ako.

"Oh. At iyakin ka din pala." Dagdag pa niya. Hindi ko namalayan na may luha na palang kumawala sa mga mata ko. Umaabot talaga tayo sa punto na iyong galit na nararamdaman natin ay nagiging luha, at ganun na ganun nga ang nangyari sa akin.

"Hindi kita kayang patayin pero kaya kitang pagbayarin sa mga kasalanan mo!"

"Too bad.." Humakbang siya palapit sa akin, ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko. Hinding-hindi ako aatras dahil ayoko isipin niya na natatakot ako sakanya.

"I can kill you." Humakbang pa ulit siya hanggang sa direkta nang nakatutok sa dibdib niya ang baril na hawak ko.

Hinaplos niya yun na parang humahanga siya kung paano nagawa ang baril.

Hindi ko na naman mapigilan ang mga mata ko na maglakbay sa mukha niya, lalo na't maliwanag ang paligid namin, mas klaro na sa akin ang itsura niya. Matangos ang ilong na parang may halo siyang ibang lahi. Medyo pangahan din siya, tapos bahagya din makapal ang kilay at pilikmata niya. Ang mga itim na itim na mata niya na laging galit at may intensidad kung makatingin, parang gusto ko pa titigan yun ng matagal, at alamin kung anong meron at bakit siya laging ganun?

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon