HM 52

692 34 82
                                    

"You lied to me, Zy.." Masuyong sabi ni Andres sabay hapit sa baywang ko palapit sakanya. Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa kwarto niya para magpaliwanag sana sakanya. Ngunit ang akala ko na galit na Andres ang madadatnan ko, nagkakamali pala ako

"I'm sorry.. Hindi ko naman gusto--" Napatigil ako sa pagsasalita nang nilagay niya ang isang hintuturo niya sa labi ko, at nilapit ang mukha sa akin.

"I don't need to hear any explanation, Zy.." Bulong niya saka masuyong hinalikan ang pisngi ko. "Sapat na sa akin na umuwi ka kaagad.."

Suminghap ako saka akmang kakawala sa pagkakayapos niya sa baywang ko nang mas hinapit pa niya ako palapit sakanya at dinikit ang labi sa leeg ko.

"Not so fast. Nag-uusap pa tayo."

"Usap lang talaga, Andres?" Nagdududang sabi ko pa. Mahina siyang natawa saka inamoy ang leeg ko.

"You smell so good, Zy.. Nakaka adik."

Napangiwi ako nang maalala na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit mula sa byahe ko sa batangas. "Hindi pa ako naliligo, Andres. Kaya pakawalan mo muna ako." Sinubukan ko kumawala ulit sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang kapit niya sa baywang ko.

"You always pushed me away when I'm being intimate with you, Zy. Nandidiri ka ba sa akin?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Of course not, Andres! Ba't ako mandidiri sayo?"

"Dahil sa tatlong taon na naging tayo, Zy, mailap ka pa rin sa akin. Sa tuwing sinusubukan kita halikan, parang lagi ka lang napipilitan."

Napalunok ako saka nag-iwas nang tingin. "Hi-hindi yan totoo."

Pinatakan niya ng halik ang tainga ko saka bumulong. "Then kiss me.. make love with me, Zy.. iparamdam mo sa akin na akin ka na talaga.. na wala nang puwang sa puso mo iyong lalaking nang iwan sayo... na ako na ang mahal mo."

Unti-unti ako sumulyap pabalik sa kanya. Seryosong titig na titig sa akin ang mga mata niya pero hindi pa din maipagkakaila ang matinding pagnanasa doon. Na parang matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na iyon.

"Mahal na mahal kita, Zy.."

Hinaplos ko ang mukha niya kaya agad siya napapikit. Hindi ko alam sa sarili kung ba't pinagkakait ko ang dapat kay Andres, gayong madali ko naman naibigay nang walang pagdadalawang isip ang sarili sa lalaking walang kwenta. Walang paninindigan.

Simula pa noon, si Andres lagi iyong nasa tabi ko kahit ilan beses ko na siyang pinagtabuyan, tinanggihan. Pero kahit kailan hindi siya napagod. Kaya bakit ko ipagkakait ang sarili sakanya? He deserve me more than anyone. Sa kanya ko dapat nilalaan ang sarili ko. Hindi sa lalaking iyon, na sakit lang ang dinulot sa akin.

Pinatakan ko ng halik ang labi ni Andres kaya mapupungay ang mga mata na dumilat siya.

"That's a first, Zy." Aniya.

Hinalikan ko ulit siya ngunit nang mas matagal at masuyo na. Hinawakan niya agad ako sa batok ko at mas pinailalamin ang halik na sinimulan ko. He even tried to open my mouth with his tongue na agad ko naman ginawa.

Napasinghap siya at halatang hindi makapaniwala sa ginawa ko lalo na't nang tinugon ko din sa paraan niya ang mga halik niya. Hinila ko pa siya palapit sa akin para mas mahalikan siya nang mabuti. His kisses became desperate and hungry na parang matagal na niya hinihintay ang pagkakataon na iyon. Kaya hindi na ako tumutol nang hinila niya ako patungo sa gilid ng kama niya at pinaupo doon bago muling agresibong hinalikan.

Mariing pinikit ko ang mga mata at inisip na may karapatan si Andres gawin lahat ng gusto niya. Dahil sa kanya na ako. Hindi na ako pagmamay-ari ng ibang lalaki. Kaya dapat gagawin ko din ang lahat para maiparamdam sakanya na siya lang. Wala nang iba.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon