HM 13

3.2K 219 100
                                    


Not Proofread.

KAHIT hindi ako nakatingin sa lalaking berde ang buhok ay alam ko na kanina pa ito nakatitig sa akin. Mula ata nang tawagin niya akong Destiny hindi niya na rin ako nilubayan ng tingin.

Nagpumilit pa nga siyang tumabi sa akin sa likuran ng pajero imbes na sa driver seat siya. Yan tuloy si Misagh na yung nagmamaneho, samantalang nasa front seat naman yung matabang lalaki.

"Baka matunaw, Sid. Hinay-hinay lang." Natatawang sabi nung matabang lalaki.

Napasulyap ako sa direksyon ni Misagh. Kanina ko pa din napapansin ang panaka-nakang tingin niya sa amin mula sa rearview-mirror.

"Hindi mo ba ako naalala?" Tanong ng lalaking katabi ko.

Napalingon ako sa kanya para siguraduhin kung ako ba talaga ang kinakausap niya.

"Yup. Ikaw nga ang tinatanong ko." Aniya na nakangiti pa sa akin. Kung pagwapuhan din naman ang labanan hindi rin papatalo ang isang ito.

Kung si Misagh ay laging nakasimangot at pasan-ko-ang-daigdig-wag-mo-akong-pakialaman-kundi-papatayin-kita ang drama, ang isang ito ay parang ang saya-saya ng buhay niya.

"Hindi mo ba talaga ako naalala?" Ulit niya.

"Kailangan ba kitang maalala?" Pabalik na tanong ko sakanya.

Mas lalo lumapad ang pagkakangiti nito na parang mapupunit na ang labi niya. Pero infairness ah, pantay-pantay ang mga ngipin niya at maputi din. Bagay sakanya.

"Ako yung lalaki sa mall. Remember?"

Nagsalubong ang mga kilay ko habang tinitigan ang mukha niya at pilit inaalala kung nagkita na ba kami. Pero imposible, kung talagang nagkita na kami noon, sigurado naman akong maaalala ko siya agad lalo na't sa kulay ng buhok niya. Napansin ata niya ang tingin ko sa buhok niya kaya napahawak ito.

"Kahapon ko lang to pinakulayan."

Tumango lang ako kahit naguguluhan pa din ako kung anong kinalaman ko sa buhok niya.

"So my destiny, what's your name?"

"Tigilan mo nga yan, Sid." Rinig ko na sita ni Misagh sakanya.

"Huh? Anong problema mo? Bawal na din ba makipag-usap ngayon sa ibang tao?"

"You're not talking to her. You are hitting on her."

Naguguluhan ang itsura ng katabi ko habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Misagh.

"Dati naman hindi ka nangingialam sa pambabae ko, ah. Anong bago?"

"Just fucking don't talk to her!"

Sabay pa kaming tatlo na nagulat sa bigla nalang pagsigaw ni Misagh. Ano bang problema ng isang ito? Nandoon na ako na ayaw niya ako kausapin, pati ba naman sa kasama niya? Bawal din?

"Relax, Tol. Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo." Sabi nung Sid at muling tumingin sa akin.

"Next time na tayo magpakilala sa isa't-isa pag wala na siya sa paligid. Medyo may pagkabitter kasi--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla nalang magpreno si Misagh.

Muntik na ako mapasubsob sa harapan nang mabilis naman ako nahawakan ni Sid. Masamang tiningnan niya ang nasa driver seat.

"What the hell, Dude? Anong nangyari? At ba't ka bigla nagpreno?"

Ngunit imbes na sagutin siya ni Misagh ay bumaba ito sa pajero at naglakad patungo sa pwesto ko. Binuksan niya ang pinto sa tabi ko at marahas na hinila ako palabas ng sasakyan. Muntik pa nga ako bumagsak sa sahig sa lakas nang pagkakahila niya sa akin.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon