HM 17

3.9K 243 96
                                    

Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso muna ako sa isang convinience store na malapit sa estasyon namin. Nagpapabili kasi iyong dalawang kapatid ko ng sneakers. At dahil mukhang wala naman talagang balak makipagkita sa akin si Misagh--- dahil hindi naman niya sinabi kung saan kami magkikita, mas mabuting aliwin ko nalang ang sarili sa ganitong paraan. Hindi naman sa gusto kong makita iyong lalaking iyon at nabobored ako. Nagkataon lang na ayoko pa talagang umuwi. Teka nga, ba't ba ako laging nagpapaliwanag?

Hays.

Kumuha nalang ako ng dalawang sneakers at pumila na sa counter. May tatlong tao pa na naunang nakapila bago ako. Iyong isa ang daming bitbit. Parang ang sarap lang ibalik nung sneakers at umuwi nalang. Pero si manong guard kung makatingin akala mo ibubulsa ko tong sneakers.

Napailing nalang ako.

Nakakahiya kung ibabalik ko pa to. Lalo na't hindi pa din inaalis ni manong guard iyong tingin niya sa akin. 

Tinuon ko nalang ang atensyon sa isang balangkinitin na babae na nasa counter at nags-stamp ng mga pamili. Nakakunot ang noo nito at halatang hindi niya gusto ang ginagawa niya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na may pumila sa likod ko kung kaya't humakbang ako ng isang beses.

Napakunot ang noo ko nang bahagya din gumalaw iyong taong nakapila sa likuran ko at nasagi niya ako. Pinag-sawalang bahala ko iyon at wala pa ring lingon na humakbang nalang ulit ako.

Ngunit ilang sandali lang ay binangga na naman niya iyong likod ko at sa pagkakataon iyon medyo may kalakasan na, at dahil hindi na ako pwede umisod paunahan, nagdesisyon na akong lingunin ito.

Bahagya pa ako nagulat nang makilala kung sino iyon, ngunit mas nanaig sa akin ang kaba.

Papaano ba naman kasi ang nasa likuran ko lang naman ay walang iba kundi ang naka t-shirt lang at maong na kupas na si Misagh na may suot pang sumbrero. May isang toothpick pa nga na nakaipit sa labi niya habang nakatingin sa akin.

Wala namang kakaiba sa suot niya pero ba't ba parang ang lakas ata nang dating ng isang ito. Hindi ko aakalain na pwede pala maging hot ang isang lalaki na may toothpick sa labi.

Tumaas ang isang kilay niya sa pagtitig ko sakanya bago niya inalis ang nakaipit sa labi niya.

"Oh?" Tanong niya.

Umiling lang ako at hindi nakapagsalita. Walang imik na tumingin ako pabalik sa harapan. Ilan sandali lang ay naramdaman ko ulit ang pagbangga ng dibdib niya sa likuran ko. Mukhang sinasadya nga talaga niya na gawin iyon.

"Tigilan mo nga yan." Halos pabulong lang na saway ko sakanya. Hindi na ako nagtangkang lingunin siya dahil alam kong sobrang lapit na talaga namin sa isa't-isa.

"Hindi kana nagreply." Rinig ko na sabi niya.

Napalunok ako. Ano ba tong nangyayari?

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Imbes na tanong ko sakanya. Sakto naman na ako na ang sunod sa pila.

"Napadaan lang."

Kahit duda ako sa sinagot niya ay hinayaan ko nalang. Nilagay ko na sa counter ang dalawang sneakers at nilagay din niya sa tabi nun ang isang...sanitary napkin?

Nagtatakang nilingon ko siya.

Napansin ko naman ang pagkakakunot ng noo niya habang nakatingin sa bagay na iyon. Naramdaman ata niya ang pagmamasid ko sakanya kaya bumaling siya sa akin.

"Pinapabili ni Sid." Sagot agad niya kahit hindi naman ako nagtatanong.

Nagkatinginan naman kami nung babaeng nasa counter pero pareho kaming walang naging reaksyon.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon