HM 24

3.4K 241 114
                                    

UNEDITED

Dalawang araw na akong nakayanan na tiisin ni nanay. At sa dalawang araw na yun ay sa penthouse muna ako ni Andres umuuwi.

Kahit na gustuhin ko man na lumipat sa condo ni Jay, hindi ko na rin magawa. Sunod-sunod rin kasi yung mga krimen na nangyari doon. Kung hindi may bomb threat, may nakawan naman. Kaya napilitan din si Bakla makituloy doon sa kaibigan niyang si Alexander habang hindi pa nasisiguro ulit ang kaligtasan doon.

"Ang saya-saya siguro ni Andres ngayon." Sabi ni Tippy nang minsang naka-skype ko siya sa laptop na pinahiram ni Andres sa akin.

"Wag ka nga maingay." Sita ko.

Pasimple na sumulyap pa ako sa direksyon ni Andres na abala sa kusina, bago muling binalingan ang kaibigan.

"At pwede ba, tigilan mo na yang pagsasabi na may gusto si Andres sa akin, magkaibigan lang kami."

Umismid ito. "Magkaibigan lang kayo. Pero kung makataboy ng manliligaw mo, daig pa ang boyfriend mo."

Napailing nalang ako. Mula noong college pa kami ay lagi na sinasabi ni Tippy sa akin yung napapansin niya kay Andres pero lahat ng yun ay binabalewala ko nalang.

"Pero alam mo, Zy, mas okay na rin kung si Andres yung magiging boyfriend mo.

Napataas ang kilay ko. "At bakit?"

"Kahit may pagkasungit yan, grabe naman yung pag-aalaga at pagpoprotekta niya sayo. Naalala mo yung training days natin? Yung limitado lang ang pagkain meron tayo pero yung sakanya binigay niya pa sayo dahil alam niyang kulang pa yun para mabawi mo ang lakas mo. Diba?"

Napangiwi ako. "Parang sinasabi mo na matakaw ako."

Bahagya ito natawa. "Hindi naman kasi ganun! Ang ibig kong sabihin, okay na siya yung magutom, wag lang ikaw." Tapos ngumiti ito saka nanunuksong pinanliitan ako ng mga mata.

"Tutal single ka, at single din naman siya, ba't hindi niyo subukan? Tutal matino naman si Andres, lahat ng babae papangarapin ang tulad niya. Mabait, gwapo, mayaman at maalaga. San ka pa?"

"Eh, bakit ikaw, hindi mo siya pinangarap?"

May malanding ngiti na gumuhit sa labi nito. "May Denson na kasi ako noon. Saka kahit siguro mas una kong nakilala si Andres, hindi ko pa rin siya papangarapin."

"Bakit?"

"Iba yung taste ko sa lalaki, eh." Hindi na mabura ang malanding ngiti sa labi nito. "Ayoko kasi ng mabait. Gusto ko yung may badboy image. Yung makikita mo palang siya, kakabahan kana. Iyong araw-araw pagbabantaan ka niya. Nakakakilig yun."

Bigla sumagi sa isip ko ang mukha ni Misagh na mabilis ko din tinaboy sa utak ko.

"Miss na miss ko na tuloy si Denson ko.." Maluha-luha ang mata na usal ni Tippy. Na hindi ko napansin na nagdadrama na pala.

********

Kinabukasan ay ganun pa din ang naging routine ko. Papasok sa trabaho kasama si Andres at maghihintay ng text mula kay nanay. Pero mag-aalas sais na ng gabi, wala pa din to paramdam.

"Ano bang kailangan ko gawin para ako naman yung nakikita niyo?!"

Napahinto ako sa tangkang pagpasok sa opisina ni Chief nang marinig ang malakas na boses na yun. At dahil medyo nakaawang yung pinto ay nasulyapan ko si Monteverde na nakatayo sa harapan niya.

"For pete's sick, Dad! Bakit hindi ko maramdaman na anak niyo ako?! Bakit kailangan ako nalang ang umintindi?!"

"Umayos ka, SPO2 Agent Monteverde, nasa trabaho tayo." Ma-otoridad na sagot ni Chief. At dahil alam kong mali yung pakikinig ko sa usapan nila, mas minabuti ko na isarado yung pinto para magkaroon sila ng privacy. Ngunit bago ko pa yun tuluyan magawa ay napatingin na sa gawi ko si Chief.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon