HM 39

2.7K 176 107
                                    

#NOTEDITED
#WALANGTIMEMAGPROOFREAD

Sa araw-araw na lagi kaming magkasama ni Misagh, hindi ko siya magawang tanungin tungkol sa litrato na nakita ko sa wallet niya. Aaminin ko, naduduwag ako. At ayoko rin na maging dahilan na naman iyon nang pag-aaway namin lalo na't hindi na siya gaano nagagalit at sumisigaw. Madalas na siyang ngumingiti at nakikipag-usap ng maayos sa akin. At sapat na iyon na dahilan para kalimutan ko ang tungkol kay Hermosa at Agent.

At sa ilang araw naman na hindi namin pag-uusap ni Andres, mukhang hindi na ito nakatiis at pinuntahan na ako mismo sa bahay ko. Kaya ganun nalang ang saya sa mukha ng nanay ko habang nakikipag-usap sa kaibigan ko sa sala.

"Sana nagsabi ka na bibisita ka, Andres, nang maipagluto naman kita ng paborito mong kare-kare." Magiliw na sabi ng nanay ko. Minsan nga mas anak pa ang tingin niya kay Andres kumpara sa akin. Huminto ako sa paglapit sakanila at tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan nila. Napagmasdan ko din nang mabuti ang itsura ng kaibigan. Para sa isang tao na may girlfriend na, para naman mas mukha pa siyang nadepressed sa itsura niya ngayon. Halatang kulang na kulang siya sa tulog, at parang nakalimutan na din niya magshave ng mukha. Hindi ba inaalagaan ng Charlotte na yun ang kaibigan kong ito? Napaismid ako. Baka naman bukod kay Andres may iba pang nilalandi ang babaeng iyon? Wag na wag siyang magkakamali..

"Gusto ko lang po makita si Zyra."

Napataas yung kilay ko nang tumawa yung nanay ko. Yung tawa na parang kinikilig.

"Araw-araw naman kayo magkasama ng anak ko, ah. Pero hindi kita masisisi, ang ganda-ganda talaga ng batang iyon. Sayang nga lang wala pang boyfriend na pinapakilala sa amin."

Kahit ayoko pang magpakita ngunit dahil sa kadaldalan ng nanay ko napilitan ako na lumapit sakanila.

"Nay!" Malakas na tawag ko sakanya para pigilan siya sa kung ano pang sasabihin niya na alam ko na maging kahihiyan ko lang naman.

Lumingon ito sa gawi ko at agad ko nakitaan nang disgusto ang itsura niya nang makita ang ayos ko. Naka malaking t-shirt lang kasi ako na pinaresan ko nang jogging pants. Tapos ni hindi na ako nag-aksaya na suklayin ang buhok ko na hanggang balikat. Basta tinali ko nalang iyon. Hindi na bago sa kanya yung ganung ayos ko kapag nasa bahay kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang may mali sa itsura ko sa pandidilat niya ng mata sa akin.

"Pasensya ka na sa anak ko, Andres, mukha lang siyang tomboy sa mga ayos at kilos niya pero babaeng-babae talaga to."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang ina sa sinabi. At saan na naman iyon nanggaling? Babaeng-babae kaya ako!

"It's okay, Tita." Nangingiting sabi ni Andres kaya siya naman yung tiningnan ko nang masama.

"Pero..sigurado ka ba na kaibigan lang ang tingin mo sa anak ko?"

"Nay!"

Halatang nabigla si Andres sa diretsahang tanong ng nanay ko sakanya, hindi agad ito nakapagsalita.

Inosente naman tumingin sa akin si nanay. "Bakit? May nasabi ba akong masama?"

Dismayadong tiningnan ko lang siya at napailing bago nilapitan ang kaibigan at hinawakan ito sa braso niya.

"Sa labas tayo mag-usap." Yaya ko sakanya pero mukhang may iba na naman naisip ang nanay ko sa ginawa kong paghawak sa braso ni Andres.

"Dyan din kami nagsimula ng tatay mo..." Simula niya kaya bago pa na iba na naman siyang sasabihin ay hinila ko na si Andres palabas ng bahay.

Sa isang coffee shop na hindi nalalayo sa bahay ko kami nagtungo. Pero kung kanina ay parang okay lang sa akin yung ayos ko, iba na nang nasa loob na kami ng coffee shop at makita ang mga tingin ng ibang tao sa akin. Para lang kasi ako bibili ng suka sa tindahan sa ayos ko, isama pa na nakatsisnelas lang ako.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon