HM 36

3.8K 180 108
                                    

Not Edited.

From: M

I'm busy, Mathilda.

Sumimangot ako nang mabasa ang reply niya sa akin pagkatapos ko siya yayain na makipagkita. Wala akong pasok sa trabaho sa araw na iyon. Pero ang magaling na Tigre, ngayon pa talaga naisipan maging busy kung kailan naman ako bakante.

Inabala ko nalang ang sarili sa paglilinis ng kwarto. Naglaba at nanood na din ako ng korean drama. Pero sa bawat ginagawa ay napapasulyap ako sa cellphone ko. Pero wala na akong natanggap na text mula sa Tigre. Ganun ba siya kabusy para hindi man lang ako kumustahin? 'Girlfriend ka na ba?' Hindi pa! Pero kahit sinabi kong maging friends muna kami alam ko at alam naman siguro niya na higit pa doon yung nararamdaman ko sakanya. Ngumuso ako. 'Or hindi?'

Napatigil ako sa ginagawa nang makita ang text na natanggap mula kay Andres.

From: Andres

Ikaw nalang ang hindi bumabati sa akin.

Hindi sinasadya na napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Napasinghap ako nang mapagtanto kung anong meron sa araw na iyon.

Mabilis na naligo ako at nag-ayos. At kahit hindi na man dapat ay nagsuot na lang ako ng isang asul na bestida na may bulaklak na disensyo. Isa iyon sa pinakagusto ni Andres na sinusuot ko at siya rin ang nagbigay nun sa akin bilang regalo noong graduation namin. Pinaresan ko iyon ng high heels na hindi ko naman talaga hilig isuot pero dahil espesyal ang araw na iyon wala akong ibang pagpipilian kundi ang magpakababae. Naglagay pa nga ako ng make up sa mukha ko at kinulot ko pa yung buhok ko. 'Para naman akong makikipag-date sa lagay na to.'

"May lakad ka?" Bungad na tanong ng nanay ko sa akin nang pababa ako ng hagdanan. Pinasadahan pa niya nang tingin ang ayos ko.

"Babaeng-babae ka ngayon, ah. Makikipag-date ka?"

Sabi ko na nga ba.

"Birthday po ni Andres ngayon."

Tumaas yung kilay niya at may nanunukso nang tingin sa akin.

"Kaya ka siguro hindi pa nagkakaboyfriend dahil si Andres pala yung gusto mo. Hindi ka pa ba nililigawan ng batang iyon? Wala rin naman iyon girlfriend, ah."

"Nay, ang ingay niyo po." Tamad na sagot ko bago pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdanan. Tulad nang inaasahan ko ay sumunod agad yung nanay ko sa akin at pinagpatuloy yung pang-iintriga sa lovelife ko na hindi pa naman nag i-exist.

"Wala akong problema kung si Andres nga yung makakatuluyan mo. Aba, napakabait at napakagwapo ng batang iyon. Isama pa na mayaman din iyon kaya hindi ako mag-aalala na magugutom ka. Ang takaw mo pa naman."

Napailing nalang ako. Nanay ko ba talaga to?

"Lubayan mo nga yang si Zyra, Zoraida." Sabad ni Tatay na narinig ang sinasabi ng asawa sa akin. Nakaupo ito sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo.

"Masaya lang ako na makikipag-date na tong dalaga natin."

"Birthday nga po sabi, hindi date."

"Sus. Birthday tapos ganyan ka magpaganda? Wag ako, day!"

Huminga nalang ako nang malalim. Hindi talaga ako mananalo sa nanay ko.

"Hinahanda ko lang po ang sarili ko."

Madrama tong suminghap. "Ang ibig mo bang sabihin baka anumang oras ay mag-yaya na magpakasal si Andres sayo?!"

Parang bigla sumakit yung ulo ko sa lumalabas sa bibig ng sariling ina.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon