Nang makarating kami ni Misagh sa coffee shop, agad na bumungad sa amin si Agent na kalmadong umiinom ng kape sa isang sulok, parang sanay na sanay sa ganitong setup ng paghihintay. Seryoso ang kanyang ekspresyon, pero alam kong agad niya kaming napansin.
Tahimik kaming pumasok ni Misagh, hindi nagkikibuan mula nang nagkausap kami ni Agent sa telephono gamit ang numero ni Eunice. Agent was the one who called Misagh using Eunice number. Hindi raw sinasagot ng kapatid niya kapag siya ang tumatawag.
So kapag si Eunice-- umiling agad ako. Ex din ako so wala akong karapatan manduhan siya kung kaninong tawag ang dapat niyang sagutin.
Nang makalapit kami, tumayo si Agent, parang isang natural na galaw para ipakita ang respeto, pero wala siyang imik.
Tumango lang siya kay Misagh, saka ibinaling ang tingin sa akin, na tila hinihintay kung anong susunod kong gagawin.
Ngumiti ako dito. "Ano iyong inaalok mo?"
"Let's have a seat first, Zyra." Sabad ni Misagh saka pinaghila ako ng upuan. Saglit ko lang to tinapunan ng tingin nang maupo na ako bago binaling ulit kay Agent ang mga mata.
"Ayaw niyo ba umorder muna?" Si Agent.
Umiling ako. "Nagbreakfast na kami."
Magkahulugan na tumingin si Agent sa amin dalawa ni Misagh. "Together?"
"Just tell her your offer."- Misagh.
Tumikhim si Agent pero halatang gusto pa makiusyoso sa amin ni Misagh.
"Anyway, I have a vacant condo--"
"Mahal. Hindi ko kaya yan."
"5k per month ang renta."
Nagliwanag ang mukha ko sa narinig.
"5k per month? Seryoso?" Alam ko kung gaano kamahal ang renta kapag sa mga condo na. Isang gabi pa nga lang kulang-kulang 2k na iyon.
Tumango si Agent. "You can check the area if you want."
Nanliit ang mga mata ko. "Ba't ang mura?" Sumulyap ako kay Misagh. "Wala naman sigurong hidden agenda dito?"
Ngumiti si Agent. "Wala naman. Gusto ko lang tumulong sa'yo at sa mga kapatid mo."
Tumaas ang kilay ko at hindi pa din nilulubayan ng nagdududang tingin si Misagh-- and he saw that.
"What?" Masungit na tanong niya. "He's the one who offered you his condo not me."
"Baka lang may sinabi ka sakanya para kumbinsihin siya na gawing mura iyong renta."
Humugot siya nang malalim na hininga na parang nauubos na ang pasensya niya. "I told you, I will not control or make a decision for you. I won't do anything to manipulate the people around you just for my own interest."
Ang sungit! Binaling ko nalang pabalik ang tingin kay Agent na mukhang aliw na aliw sa nakikita niyang eksena.
"Wala naman sigurong susi iyong kakambal mo sa condo mo, diba?" Tanong ko.
Sumulyap si Agent sa katabi kong si Misagh.
"Do you still have my keys?" Tanong ni Agent sa kapatid.
Ubos ang pasensya na tumango na lang si Misagh. "Ibibigay ko mamaya."
Bumalik ang tingin ni Agent sa akin kaya masayang tumango ako at ngumiti sakanya.
"Sige. Kukunin ko na."
"I offered you Agent's condo earlier, but you turned it down. Pero ngayon, siya ang kumausap sa'yo, tatanggapin mo na?"
Halos ikutan ko siya ng mga mata. Kahit may nakita akong pagbabago sakanya mukhang hindi pa din nagbabago ang insecuridad niya sa kakambal niya.
BINABASA MO ANG
Hunting Misagh
Action"Never to fall in love with a Criminal." Yan ang motto ni Zyra Bautista sa sarili lalo na't naging saksi din siya sa naging kwento ng bestfriend niyang si Tippy sa pagmamahal nito sa isang killer. Para sakanya bilang isang pulis, hindi minamahal ang...