HM 20

3.9K 265 209
                                    

NOT PROOFREAD. NOT EDITED. #BangagIzMeh

"Ang ganda mo, Zy!"

Halos hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Paano ba naman kasi, feeling ko nagmukha akong white lady na nakalongsleeve at kita ang balikat sa suot ko. At ang Bakla tuwang-tuwa pa sa ginawa niya sa akin.

Ang usapan lang naman namin sa text bago kami magkita sa araw na yun, ay kakain kami sa labas pagkatapos ng trabaho ko, hindi yung gagawin niya akong laruan niya at kung ano-anong pinapasuot sa akin.

"Smile ka naman, kukunan kita ng picture." Aniya na mas lalong kinasimangot ko.

"Lagpas 9pm na, Bakla! Kanina pa ako nagugutom!" Reklamo ko.

Alanganin na ngumiti ito sa akin. "Promise, pagkatapos kita makunan ng litrato, kakain na tayo."

Nagdududang tiningnan ko to at mukhang napansin niya yun.

"Maraming masasarap na pagkain sa pupuntahan natin! I'm sure you'll enjoy all of them!"

Marinig ko palang yun ay hindi ko na mapigilan mapalunok ng laway sa pagkagutom.

Padamog na naglakad ako patungo sa isang square na upuan kung saan ako kukunan ng litrato ng Bakla. Agad ito ngumisi sa akin ng makita ang ginawa ko.

Inirapan ko to. "Bilis na."

"Smile ka muna?"

"Kung umuwi nalang kaya ako?" Banta ko na agad naman kina-panic ni Bakla.

"Okay, 1, 2, 3! Ang ganda-ganda mo talaga!" Puri ulit ni Bakla sa akin nang makuntento siya sa pagkuha ng mga litrato ko.

"Ang payat mo dito." Aniya sabay sulyap sa katawan ko.

"Pero teka, pumayat ka nga!"

Napatingin ako sa katawan ko. Parang wala naman bago sa akin. Ramdam ko pa nga na may nakatambak pa ring fats sa tiyan ko.

"Parang ganun pa din naman ang katawan ko." Sabi ko. Pero ang Bakla mukhang hindi kumbinsido. Pinaikot-ikot pa niya ako para suriin ng maayos.

"Pumayat ka talaga, Teh. Nagdidiet ka ba? Or may nagpapa-stress sayo?"

Napaisip ako. Hindi uso sa akin yung salitang diet kaya panigurado yung huli ang natumbok ni Bakla. Kahit tatlong linggo na kaming hindi nagkikita ng Tigre na yun, stress na stress pa din ako sa paghahanap ng kwintas niya. Kailangan ko na talaga kasi yun mahanap para maputol na yung ugnayan naming dalawa.

"Hindi pa ba tayo aalis para kumain?" Pag-iiba ko nang usapan.

"Oo na, aalis na tayo, magbibihis lang ako."

Excited na ngumisi ako. "Sige. Magbibihis din ako." Akmang magtutungo ako sa guestroom kung saan ko iniwan yung uniporme ko nang bigla ako pinigilan ni Bakla.

"Hep! No need for that."

Naguguluhan na tiningnan ko siya. At ang Bakla, ngumisi lang sa akin.

"Yan na ang isusuot mo sa pupuntahan natin."

Agad ko sinulyapan ang suot na puting dress.

"No way!"

*************

KUng hindi na maipinta ang mukha ko kanina, mas lalo na nang mga sandaling iyon habang nasa kotse na ako ni Bakla at nagmumukmok sa sulok.

"Come on, Zyra babe, hindi naman kita ginawang pangit para kamuhian ako ng ganyan." Natatawang sabi niya.

Nagtagumpay kasi ito na HINDI pahubarin sa akin yung puting dress na pinasuot niya. Bukod sa mas pormal ang suot niya kaysa sa akin, dahil literal na naka gown ang Bakla na akala mo may pageant na pupuntahan, maganda rin ang kundisyon na binigay niya, at yun ay babayaran niya lahat ng kakainin ko. Mukhang hindi rin naman ako lugi sa kundisyon na yun lalo na't sisiguraduhin ko na o-order ako ng pinakamahal na pagkain sa restaurant na pupuntahan namin.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon