Tahimik ang paligid sa loob ng briefing room. Kahit gaano kaingay ang mga radios at dami ng mga tao, ramdam ko ang tensyon. Lahat kami ay nakatutok kay Captain Ralph habang sinasabi niya ang final plan para sa operasyon ngayong gabi. Kasama ko sina Lily, Archer, Chester, at siyempre, si Agent.
Magsisimula na kami—ito na ang pagkakataon namin para hulihin si Senator Hector.
"Alright, team," sabi ni Captain Ralph, seryosong nakatingin sa amin. "This is it. Senator Hector is attempting to escape tonight, and we won’t let him get away. Zyra, you, Archer, and Agent will take point on intercepting his convoy, Lily you will go with some members of the Hermosa, you’re in charge of the backup unit. Chester, you’re with me for aerial surveillance.”
Nagpalitan kami ng tingin ni Agent. He was calm, as usual, but I could feel the intensity in his eyes.
Lumabas kami sa briefing room, nagmamadaling humanda para sa operasyon. Habang kinukuha ko ang tactical vest ko, lumapit si Lily sa akin.
"After Senator Hector-- whose next?" she asked.
"Let's just focus for tonight, Lily. At si Senator Hector iyon." Sabi ko nang maalala na marami na itong naging biktimang babae sa kamanyakan niya-- the woman named Roxy na minsan na ako napagkamalan na siya dahil sa pagkakapareho naming damit noon-- we've found her died 5 years ago. At hanggang ngayon naalala ko pa din kung paano umiyak iyong Ale na nagkupkop sakanya. Kaya sa gabing iyon hindi ako papayag na hindi pagbayarin ni Senator Hector ang mga kasalanan niya.
Nagsimula nang nagtungo ang mga pulis sa sasakyan namin. Paglabas ko ng station, dumating ang isang itim na van—na pagmamay-ari ng Hermosa.
Bumukas ang pinto at bumaba sina Sid, Mauve, Crimson, at Neon at ilan pang miyembro ng Hermosa--ang pinakahuli ay si Misagh. Suot nila ang mga uniporme nila.
Nagtama ang mga mata namin ni Misagh. Tipid na ngumiti ako sakanya samantalang isang seryosong pagtango ang sagot niya, bago siya lumapit kay Captain Ralph.
“Ralph, we’re here to support. We’ll close off the northern route while you handle the main convoy,” sabi niya.
"Salamat, Dark." sabi ni Captain Ralph, tumango kay Misagh at sa iba pang Hermosa.
"You know what to do. Stick to the plan and no mistakes."
Tahimik kaming naghanda, si Sid at Mauve nagloload ng mga armas habang si Neon ay kausap ang iba pang tactical teams. Halatang sanay ang mga Hermosa sa ganitong klase ng operasyon—mabilis, precise, walang paligoy-ligoy.
Sumakay na kami sa van ng mga kasama ko, handa na para sa aksyon.
Tumabi agad si Agent sa akin. "You didn't greet each other." Puna niya sabay sulyap sa direksyon ng mga Hermosa kung nasaan si Misagh na pasakay na rin ulit ng van.
"Nasa operasyon tayo, Agent."
"You could just say good luck and stay alive."
"Seryoso siya sa trabaho."
"Kaya niyan kalimutan ang trabaho para sa'yo, Piggy."
"All units, be ready. Senator Hector’s convoy is moving," sabi ng operator sa radio. Kaya hindi na nangulit si Agent sa akin. Narinig ko ang pag-click ng mga comms ni Misagh at Sid habang nagpapalitan sila ng instructions.
Habang mabilis na dumadaan ang ilaw ng mga kalsada sa bintana ng van, naghahanda din ako mentally. Hindi ko lang ito laban bilang pulis, kundi laban din para sa hustisya.
Kaya’t nang dumating kami sa checkpoint, at huminto ang van namin para hintayin ang senyales, alam kong ito na ang huling pagkakataon.
Misagh’s voice crackled over the comms, "We’re in position. Let’s get this done."
BINABASA MO ANG
Hunting Misagh
Action"Never to fall in love with a Criminal." Yan ang motto ni Zyra Bautista sa sarili lalo na't naging saksi din siya sa naging kwento ng bestfriend niyang si Tippy sa pagmamahal nito sa isang killer. Para sakanya bilang isang pulis, hindi minamahal ang...