HM 11

3K 207 80
                                    

Not edited. Not proofread.

Tahimik akong nakasunod sa likuran ni Misagh. Mula pa kanina ay walang nagsasalita sa amin. Halos isang oras na rin kami naglalakad, nakarating na nga kami sa kagubatan, wala pa rin akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta. Tapos hindi niya pa ginagamot ang sugat niya, balak ba niya maubusan ng dugo? Hindi sa nag-aalala ako sakanya, pero makokonsensya ako kapag sa harapan ko pa siya namatay.

"Teka lang." Sabi ko at humawak sa isang puno para ibalanse ang sarili. Masyado na akong pagod at gutom. Uhaw na uhaw na din ako.

"Hoy!" Tawag ko nang makita na hindi siya tumigil sa paglalakad. Napilitan tuloy akong humabol ulit sakanya kahit na gusto kong magpahinga muna.

Malapit na dumilim pero wala pa akong nakikitang kabahayan na pwede namin mahingan ng tulong. Kung bakit ba naman kasi imbes na mag-abang kami sa gilid ng highway na pwedeng masakyan, pumasok pa kami sa isang kagubatan. At teka nga bakit ba ako sumusunod sakanya?

Pinahid ko ang namumuong pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko, pagkatapos ay luminga-linga ako sa paligid. Puros puno lang ang natatanaw ko, hindi kaya naliligaw na kami? Tsk. Hindi maganda to. Wala pa naman akong dalang cellphone-- o mas tamang sabihin na wala na pala akong cellphone. Naiwala ko kasi yun noon nang unang engkwentro namin, kaya malabong matawagan ko si Andres para makahingi ng tulong.

"Misagh!" Tawag ko nang hindi ko na siya mahanap ng tingin. Rinig ko din ang pag i-echo ng boses ko sa paligid.

"Misagh!"

Napahinto ako nang makarinig ng lagaslas ng tubig di-kalayuan sa kinatatayuan ko. Mabilis na sinundan ko ang ingay na yun hanggang sa makalabas ako sa makapal na halaman, at tumambad sa paningin ko ang isang talon (falls)

 Mabilis na sinundan ko ang ingay na yun hanggang sa makalabas ako sa makapal na halaman, at tumambad sa paningin ko ang isang talon (falls)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko mapigilan mapahanga sa natatanaw. Parang nawala ang pagod ko dahil doon. Minsan lang kasi ako makakita ng talon sa personal. Madalas sa facebook lang o di kaya sa mga movies. Parang gusto ko tuloy maligo.

Nilibot ko pa ang tingin sa buong paligid. Napawi ang ngiti ko nang matanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa isang bato at sinusubukan hubarin ang suot niyang jacket. Tumingin din ito sa akin pero saglit lang yun at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Naglakad ako palapit sakanya at umupo din sa isang bato na katabi niya. Sumahod ako ng tubig mula sa talon gamit ang dalawang palad ko para uminom at mabawasan ang pagkauhaw ko. "Ang sarap." Wala sa sarili na sambit ko.

Napasulyap ulit ako sa pwesto niya. Wala na siyang suot na jacket pero nakaitim na t-shirt naman siya.

Seryoso ang mukha niya habang nililinis ang sugat niya sa braso, at pagkatapos ay binalot niya yun sa itim na jacket na hinubad niya.

"Hindi ganyan." Sinubukan ko siyang tulungan, ngunit mabilis na iniwas niya ang braso niya at tiningnan ako nang masama.

"Wag mo akong pakialaman."

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon