HM 5

2.7K 213 19
                                    

Not edited. Not proofread.

"Wise men say, only fools rush in. But I can't help falling in love with you." Buong puso na awit ni Sid habang nagsta-strum siya nang hawak na guitar. Ini-imagine niya ang mukha ng babaeng pulis na nakita niya sa mall. Ilang araw na ang nakalipas pero ayaw pa rin mawala sa isip niya ang itsura nito.

"Shall I stay? Would it be a sin?
If I can't help falling in love with you?"

"Pfft-- wala ka talaga sa tono."

Tumigil siya sa pagkanta, at tiningnan nang masama ang nasa kabilang upuan na si Raul na tatawa-tawa.

"Wag kang mangialam. Nakikinig ka na nga lang, nagrereklamo ka pa."

Sinubukan niya ulit tumugtog nang napatigil siya. Bigla nalang niya tinapon sa sahig ang guitara.

"Nawalan na tuloy ako ng gana!" Asik niya. Nabuburo na nga siya sa bahay, binasag pa ang trip niya. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa nila magpalamig sa mata ng lipunan gayong wala namang nakakakilala sa kanila.

Mula ata nang makulong ang isa sa mga kasama nila, medyo pahinga din sila sa aksyon. Ang ibig sabihin nun, hindi muna sila tumatanggap ng tawag sa mga matataas na tao kung may mga gusto itong ipapatay. Pati ang ilang monkey business nila, apektado.

Umayos siya nang upo saka tumingin sa kabuoan ng bahay.

"Nasaan si Misagh?" Tanong niya sa kasama. Mula pa noong isang araw bihira na niya makita sa bahay ang isang iyon.

"Magkasama tayo mula pa kanina, paano ko malalaman?" Sagot ni Raul sakanya.

Pinigilan niya ang sarili na kunin ang baril. Bakit ba niya kinakausap ang pangit na to?

Napahilamos siya sa mukha. Nangangati na talaga ang mga kamay niya, gustong-gusto na niya bumalik sa trabaho. Mahigit isang taon na din silang walang paramdam sa mga illegal na gawain nila, at mauubos na ang ipon niya kung mananatili silang ganito.
Nasaan na ba kasi ang Misagh na iyon? Ano bang pinagkakaabalahan nito? At bakit hindi sila sinasama ni Raul?

"Oh, nandyan na pala si Misagh." Anunsyo ni Raul nang pumasok sa bahay ang lalaking hinahanap niya. Nagtaka siya nang makita ang ayos ng kaibigan. Naka-all black attire kasi ito.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

Tamad lang silang tiningnan ni Misagh.

"I kidnapped someone." Balewalang sagot nito.

Napatayo sila sa gulat ni Raul at sabay pa napa-What?!

Naglakad na patungo si Misagh sa may hagdanan na parang wala itong nakakagulantang na binalita sakanila.

"Tangina mo naman, Misagh!" Hindi na niya mapigilan na magmura bago sinundan ito. Ramdam niya na sumunod din si Raul sa likuran niya.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong niya pa sa kaibigan.

"Why not? Kriminal tayo."

"Oo, pero hindi tayo kidnapper!"

Napatigil ito sa planong pagpasok sa sariling kwarto, at lumingon sakanila ni Raul.

"Anong pinagkaiba? At bakit si Red, pwede? Ako, hindi?" Pagtukoy nito sa kasama nila noon na may dati ng dinukot na babae at inuwi sakanila.

"Hindi naman kasi kidnap na matatawag iyong ginawa ni Red! Tanan iyon dahil girlfriend niya iyon at gusto rin ng babae na sumama sakanya!"

Nagdikit ang mga kilay nito na parang hindi nagustuhan ang narinig.

"Look, Tol. Ikaw na mismo ang nagsabi noon sa amin na hinding-hindi natin papasukin ang pagiging kidnapper. Bukod sa alanganin ang pera na makukuha natin doon, magiging mainit din ang mga mata ng pulis sa atin."

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon