HM 56

1.4K 49 79
                                    


Nagmamadali na bumangon ako mula sa kama nang maramdaman na naman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Mabilis na nagtungo ako sa banyo at agad binuksan ang toilet at nagsimula dumuwal doon.

For three consecutive days, laging ganun ang nangyayari sa umaga ko. At hindi ako tanga para hindi mahulaan kung anong nangyayari sa akin. I have morning sickness, delayed na ang period ko, at laging matamlay. Pero takot na takot pa din ako pumunta sa doctor or bumili ng pregnancy kit, because a part of me is still in-denial. Na lahat ng ito ay dulot lang sa may nakain akong hindi maganda. But who am I kidding? I feel it. Ramdam ko na may iba na talaga sa akin.

Nanghihina na sumandal ako sa malamig na tiles ng banyo namin.

Nangilad ang mga luha sa mga mata ko. I feel so weak. Wala na namang paramdam si Misagh sa akin pagkatapos ng araw na iyon. At mahigit dalawang buwan na iyon.

"Zyra?!" Napapitlag pa ako nang marinig ang sunod-sunod na katok ni Nanay sa pintuan ng kwarto ko. "Hindi ka ba papasok sa trabaho? Aba, late kana!"

"Papasok po!" Kahit masama pa din ang pakiramdam ay pinilit ko pa rin ayusin ang sarili. I even put a lipgloss on my lips para hindi halata na namumutla ako. At tulad nang lagi kong ginagawa sa loob nang dalawang buwan ay sinubukan ko pa din tawagan si Misagh--ngunit hindi ko pa din makontak ang numero niya.

"You look unwell, Bautista." Puna ni Chief sa akin nang minsan ay pumunta ako sa opisina niya.

"Kulang lang po sa tulog." Sagot ko at binaba ang mga reports na pinahatid niya. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin, halatang nagmamasid.

"Are you sure? You can go home early if you want." Aniya.

Tumango ako. Ayoko din naman maging pabigat sa mga kasama kung sakaling mas lumala pa ang nararamdaman ko. And I need to find Misagh. Gusto ko sabay namin malaman kung tama ang hinala ko. Gusto ko nasa tabi ko siya. Dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka nagdadalantao na nga ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Inayos ko agad ang mga gamit ko at umalis na nang istasyon para magsimula sa paghahanap kay Misagh. Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap sakanya. Pinuntahan ko nalang ang mga bahay na tinutuluyan nila dati ni Sid, at lahat nang iyon ay abandonado na. I even went to the black house-- iyong bahay niya na nasa kagubatan, pero naka demolished na iyon at naging bakanteng lote na lang. Pati mga bar at club ay pinuntahan ko din sa pagbabakasakaling napadpad siya doon, ngunit bigo pa din ako. Isa na lang talaga ang pag-asa ko.

Si Eunice.

Pinuntahan ko ito sa isang hospital kung saan ito nagtatrabaho-- at medyo nahirapan pa ako alamin iyon kung hindi lang talaga sa social media account niya. Naging stalker niya pa ako! Ngunit mas lalong mahirap pala siya mahagilap kapag nasa hospital. She's currently a senior resident surgery ng hospital kaya abala pala talaga ito. Kinailangan ko pa maghintay sa labas ng OR, dahil ayon sa OR nurse na nakausap ko, nasa loob pa ng operating room si Eunice para mag assist sa surgeon niya. Kaya ang isang oras naging limang oras pa na paghihintay.

"Excuse me, Miss."

Napalingon ako sa isang babae na naka wheelchair at tulak-tulak ito ng isang lalaki. Umayos agad ako nang upo nang makita na ako ang kinakausap ng babae.

"Bakit po?"

Tipid na ngumiti ito sa akin. "Nasaan ang OB ultrasound dito?" Tanong niya sabay sapo sa umbok niya kaya napasulyap ako doon.

"OB ultrasound po?" Anang isang staff ng hospital na mukhang narinig ang tanong ng babae sa akin.

"Nasa thirdfloor pa po, Ma'am."

Hindi ko maalis ang tingin sa malaking umbok ng babae. Nagpasalamat ito sa staff saka inutusan ang lalaking kasama niya na magtungo na sila sa elevator.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon