Simula

7.2K 311 151
                                    

"Baliw ka, ayan ka na naman sa Denson mo! Isa nalang, ipapadala na kita sa mental!"

Kakapasok ko palang sa kusina ay narinig ko na agad ang boses ng kaibigan kong si Jay. Naabutan ko itong kaharap niya ang sariling laptop at sa tabi niya ay ang mga nakahain na pagkain.

"Miss na miss ko na kasi si Denson!" Rinig ko na sabi ni Tippy-- ang isa ko pang kaibigan at kasalukuyang kaskype ni Bakla sa laptop niya. Napabuntong-hininga nalang ako nang makuha agad kung ano- or mas tamang sabihin kung sino na naman ang pinag-uusapan ng dalawang kaibigan ko.

"Gusto ko na talaga siya makasama ulit, Jay!"

Kumuha muna ako ng sandwich na ginawa ni Jay bago lumapit at umupo sa tabi nito.

"Utang na loob, Tippy! Kahit ngayon lang, tiisin mo muna yang kalandian mo."


"Nahihirapan na talaga ako. Nag-aalala na ako sa lagay niya. Paano kung sinasaktan na pala siya ng mga kapwa niyang preso? What if, pinagsasamantalahan na pala siya sa loob? Gwapo pa naman ng Denson ko." Nagsimula na itong umiyak na madalas naman na nangyayari kapag tumatawag ito sa amin at iyong Denson na iyon ang napag-uusapan namin. Wala akong masyadong alam sa kwento nila-- pero isa lang ang alam ko, masyadong baliw ang kaibigan ko sa lalaking iyon na isang kriminal. Dalawang taon na ang lumipas mula ng magkahiwalay sila. Si Tippy ay pumunta sa new york, habang iyong lalaking mahal naman niya ay sumuko sa mga pulis at nasa kulungan na at walang kasiguraduhan kung makakalaya pa iyon.

"Makinig ka, Tippy. Kapag kayo talaga ni Red, kayo talaga. Sa ngayon, kahit umiyak ka ng dugo dyan, hindi pa rin magbabago ang sitwasyon niyo. Nandyan ka sa ibang bansa at nasa kulungan naman siya. At pwede ba, kaya naman ata ni Red ipagtanggol iyong sarili niya. Masyado kang nag-iisip ng masama."


Tumango ako bilang pagsang-yon sa sinabi ni Jay at kumuha ulit ng pagkain. Pero this time ibang putahe naman ang nilantakan ko at iyon ay ang baked macaroni at spaghetti. Iba talaga pag may mayaman kang kaibigan. Libre pa-food.

"Mahal na mahal ko talaga si Denson."

"Alam ko iyon, Baliw. Rinding-rindi na nga ako na marinig yan sayo!"


"Lagi ko naaalala ang mga halik niya at ang unang gabi namin, kung paano niya ako ginawang babae."

"Malaki ba?" Nasa aktong umiinom ako ng pineapple juice nang bigla itanong iyon ni  Jay. Mula sa madramang pag-iyak ni Tippy, ay unti-unti itong ngumisi saka tumango."Sobra."

"Masarap?"

"Sobrang-sobra." Sabay pa nagtilian ang mga ito.

Hindi maipinta ang mukha na tiningnan ko ang dalawa. "Pag hindi niyo tinigilan ang kahalayan niyong dalawa, hindi ako mangingimi na itakwil kayo." Sabad ko kaya nakuha ko ang atensyon nila.

"Oh. Nandyan ka pala, Zy." Painosenteng sabi ni Jay sa akin.

"Kanina pa ako dito. Tsura mo."

"Hindi ka kasi nagsasalita dyan, puro ka pagkain." Napangiwi pa ito ng makita na kalahati na ang mga pagkain na hinanda niya.

"Napakatakaw mo talagang bruha ka!"

Hindi ko ito pinansin at si Tippy ang pinagtuunan ko ng atensyon ko.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon