HM 22

3.5K 264 286
                                    

UNEDITED

Ang mahalikan ng isang Agent Monteverde ang akala ko noon ang pinaka malabong mangyari. Bukod sa hindi kami ganun magkasundo, may napakaganda itong asawa para pag-aksayahan pa ang ibang babae tulad ko. Kaya nang bigla nalang niya akong halikan-- wala akong nagawa kundi para lang tuod na nakatayo habang dilat na dilat ang mga mata. Ni hindi ko siya nagawang itulak sa sobrang gulat ko. Pero laking pasasalamat ko nalang na may kusang gumawa nun sa akin--- at sino pa ba?

"You, bastard!"

Pakiramdam ko mababali ang isang braso ko nang malakas ako hinila ni Misagh palayo kay Monteverde kung kaya't naputol yung halik at nabitawan ako nito. Pero hindi pa ako nakakabawi sa mga nangyayari ay pinakawalan din agad ako ni Misagh para sugurin si Monteverde. Nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha nito

Napatili yung doktora samantalang agad naman lumapit si Sid para umawat.

Pero teka, aawat ba talaga?

Imbes kasi na pigilan niya ang kaibigan na si Misagh, mas pinili kasi niya na lumapit sa likuran ni Monteverde at hulihin ang dalawang braso nito para hindi makakilos.

"Game na, Tol!"

"Damn it, let me go!" Sigaw ni Monteverde pero agad din yun maputol nang muli tumama ang kamao ni Misagh sa mukha niya.

"Sige pa, Tol! Bugbugin mo pa!"

May galit sa mata na hinawakan ni Misagh sa kwelyo si Monteverde bago ito malakas na sinikmuraan at muling sinuntok sa mukha.

"Kulang pa, Tol!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung paano pagkaisahan ng dalawa si Monteverde. Pero mabilis naman nakaganti si Monteverde nang malakas niyang siniko sa tagiliran si Sid kaya nabitawan siya nito bago agad gumanti ng suntok kay Misagh.

"That's enough!" Sigaw ni doktora sakanila lalo na't nagpapalitan na sila ng suntok at sipa. Ngunit napansin ko na dehado si Monteverde kay Misagh, dahil bawat suntok ng Tigre ay tumatama talaga. Pero ano pa bang aasahan ko? Walang laban si Monteverde sa isang tigre na nakawala sa kanyang kulungan.

Malakas pa niyang tinadyakan sa dibdib si Monteverde kaya tumalsik sa dingding ang huli.

Doon na ako lumapit at mabilis siyang pinigilan sa braso nang akmang susugurin pa niya ito.

"Tama na, Misagh!"

"Hindi pa ako tapos sa bastardong yan!" Bulyaw niya sa akin. Ngunit mas lalo ko siyang hinawakan sa braso at humihingi ang saklolo na tiningnan si Sid. Mukhang nakuha naman agad nito ang gusto ko. Lumapit din kasi agad ito at tinulungan akong pigilan ang Tigre.

"Don't fucking stop me!" Bulyaw niya sa amin pero hindi kami nakinig at mas lalo pa namin hinigpitan ang pagkakahawak sakanya kahit na hirap na hirap na kami sa sobrang lakas niya.

"Fuck! Bitawan niyo sabi ako!"

"Hayaan niyo siya, kaya ko ang sarili ko." Sabi naman ni Monteverde. Nilapitan naman agad siya ni doktora at tinulungang makatayo.

"You heard him? Hayaan niyo ako nang mapatay ko ang gagong yan!" Hindi nalang basta hawak sa braso ang ginawa ko para pigilan siya kundi niyakap ko na siya sa baywang niya.

"Monteverde, mas mabuti kung umalis na muna kayo!" Sabi ko.

"No! Walang aalis!" Pinilit niya pa rin makawala sa pagkakayakap ko sakanya pero dahil malakas din si Sid na nakahawak naman sa kanyang braso ay hindi siya makawala.

"Please, Doktora!" Pakiusap ko nalang sa kasama ni Monteverde. Buti nalang mas madali itong kausap.

"Tara na, A." Yaya ni doktora sa asawa na mukhang matigas din ang ulo dahil hindi natinag sa kinatatayuan niya at nagsusukatan pa nang tingin kay Misagh.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon