HM 47

3.5K 179 1.1K
                                    

Bumalik ako sa istasyon ng hindi pa din makapaniwala sa nangyari. Umalis lang ako saglit sa trabaho para kumprontahin lang si Doktora pero pagbalik ko engaged na pala ako. I'm not complaining, though. Pero masyado akong nawindang sa proposal ni Misagh-- iyon ay kung proposal nga ba talaga maitatawag? Hindi naman niya ako tinanong. Basta na lang niya nilagay sa daliri ko ang singsing.

Wala sa sarili naupo ako sa mesa ko.'Hindi naman siguro iyon panaginip, diba?' Hindi pa din lubos na makapaniwala na tanong ko sa sarili. Tinaas ko pa ang kaliwang palad ko kung saan nakalagay ang singsing.

Unti-unti ako napangiti nang mapagtanto na hindi nga panaginip ang lahat, at totoo ngang may binigay na singsing sa akin ang Tigre.

"Yes, Zyra Bautista. You're now officially engaged to Misagh Monteverde."

Mas lalo pa lumapad ang ngiti ko nang maalala ang sinabi niya. Kinailangan ko pa takpan ang bibig para walang makahalata sa mga katrabaho ko na nababaliw na ako dito at ngumingiti nang mag-isa. 'Eh, bakit ba? Sa may fiancee na ako!'

"Saan ka galing, Piggy?"

Mabilis pa sa alas-kwatro na tinago ko agad sa ilalim ng mesa ang kamay ko. Napatigil naman si Agent nang makita ang reaksyon ko. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko na nakatago sa ilalim ng mesa.

"Anong meron?"

Tumikhim ako saka pa-inosente na tumingin sa kanya kahit na ang totoo ay inatake ako ng kaba sa biglaan niyang paglapit.

"Anong meron?" Ulit ko din sa tanong niya. Lumapit pa siya sa akin kaya mas lalo ko pang tinago ang mga kamay.

"I think you're hiding something.." Aniya. Pilit pa na ngumiti ako sakanya.

"Anong something?"

"I don't know..maybe you want to show me?"

"Pero wala naman.." Ngiti ko pa din sakanya. Dumukwang pa siya palapit sa mesa ko para tingnan ang tinatago ko nang tawagin siya ni Lorenzo.

"Monteverde, tara na!"

Napipilitan na umayos siya nang tayo saka nilingon si Lorenzo na naghihintay sa kanya.

"Magkita na lang tayo doon." Sagot niya dito at mukhang ayaw pa umalis. Tamad naman na humarap si Lorenzo sa direksyon namin saka pinagkrus ang mga braso.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama. Tayong dalawa ang nakatoka sa kaso."

"Tss." Inismiran niya lang to saka muli akong tiningnan. "Wait for me. Let's have dinner."

Kumunot ang noo ko sa imbitasyon niya. Tinalikuran na niya ako at naglakad palabas ng istasyon. Nanunukso naman ang tingin ni Lorenzo sa akin bago sinundan si Monteverde. Iyong ibang pulis na nakarinig din sa sinabi ni Monteverde ay hindi rin nagpaawat.

"Ano iyon, Ganda? Date?"

"Uy, luma-lovelife!" Sulsol pa ng isa.

Patay malisya na tumayo ako saka nagtungo sa banyo. Wala akong pakialam kung ano na naman ang balak ni Monteverde at naisipan niya sabihin iyon, pero pagod na ako na dinadamay nila kami ni Misagh sa problema nila ni Eunice.

Napatigil ako nang may mapagbatid.

Agent Monteverde.

Misagh Monteverde.

Natuptop ko ang bibig nang marealize iyon. Sinabi na ni Misagh sa akin ang apelyido niya! And he just confirmed it na may ugnayan nga sila ni Agent! So ang ibig sabihin... dahan-dahan na lumingon ako sa pintuan ng opisina ng hepe namin.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon