HM 53

663 41 87
                                    

The operation was successful. Ang grupo nina Sid ang umasikaso sa mga babaeng muntik na ideliver sa ibang bansa-- kasama nila sina Archer at Lily mula naman sa grupo namin. May lima pa akong nakitang mga lalaki na parehas ng suot nina Sid at Misagh, at puros armado din tulad namin, kaya hula ko ay parte din ng grupo nila ang mga ito lalo na't sila ang nakatoka naman umaresto sa mga natitirang mga suspek.

Ang bumalik sa HQ para asikasuhin ang mga reports para sa documentation ng operasyon namin ay sina Agent, Chester at ako. Hindi ko na muling nakita si Misagh-- pati si Captain. Pero iisa lang ang alam ko. Hindi namin kalaban ang grupo nina Misagh tulad nang inaasahan ko. At iyon ang ikinagagalit ko! Iyong limang taon na paghahanda ko, iyong inipon kong galit sakanya, parang mababalewala lang, dahil ang akala ko na kriminal na aarestuhin--- mukhang kakampi na pala! At hindi ko matanggap iyon!

Kahit nasa sasakyan na kami pabalik sa HQ, hindi ko malubayan nang tingin si Agent--- Sigurado ako, lahat nang katanungan ko ang lalaki lang to ang makakasagot.

Pasimple ito sumulyap sa akin at bahagya umangat ang kilay niya sa kuryosong kong tingin mula pa kanina. Alam ko na alam niya na may kailangan akong malaman mula sakanya. But Agent being Agent-- umiiwas naman ang lintek! Kahit nasa HQ na kami halatang ayaw niya na malapitan ko para kausapin. Kung ano-ano nalang ginagawa para hindi ko siya maistorbo at usisain. Samahan pang buntot nang buntot naman si Chester sa amin kaya hindi din ako maka hanap ng tiyempo para makumpronta si Agent.

"Paano ba yan, Zyra, successful ang misyon natin, baka naman pwede na kita mayaya magdate?" Muli na namang tanong ni Chester sa akin. Imbes na inaasikaso niya ang reports na ipapasa, mas marami pa tong oras kulitin ako. Dati, hinahayaan ko lang to dahil kilala ko naman to na playboy at mahilig talaga dumiskarte sa mga babaeng may karelasyon na. Tingin niya kasi, achievement kapag may naagaw siyang babae mula sa mga boyfriend nila. Pero dahil badtrip na badtrip na ako sa nangyayari hindi ko na napigilan ang sarili na tarayan ito.

"I'm taken, Asshole! Kung inaakala mo na papatulan kita, sasabihin ko na sayo ngayon pa lang, nagsasayang ka lang ng oras! Hindi ko lolokohin ang boyfriend ko sa isang katulad mo, so back off! Baka hindi na kita matantya sipain kita diyan, eh! Bwisit!"

Halatang gulat na gulat ito sa burst out ko, pero hindi ko din siya masisisi. For years being a team together, never ko pinansin ang pasimpleng panlalandi niya sa akin-- sadyang pikon na pikon na talaga ako. Tahimik na umalis nalang ito sa harapan ko at lumabas nang mapagtanto na wala talaga ako sa mood sa mga kalokohan niya, samantalang nagdadamog naman ako sa pagtype sa computer ko habang pasulyap-sulyap sa direksyon ni Agent na naka focus sa computer ang atensyon nito.

"But you did cheat on my brother." Biglang sabi ni Agent na siyang nagpatigil sa pagdadamog ko at pumanting ang tainga ko sa narinig.

"Anong sabi mo, Agent?!"

He sighed bago lumingon sa akin. "You promised to marry him, Piggy. Pero biglang may bago ka naman."

Hindi makapaniwalang natawa ako na parang lahat ng sinabi niya ay isang malaking joke! "Kahit kailan, wala akong naalala na nangako ako magpapakasal sa kapatid mo, Agent, at wala din naman siyang pinangako sa akin na kahit ano ultimo mga plano niya hindi niya rin nasabi sa akin, at higit sa lahat, never ako nag cheat sakanya! Dahil nang araw na umalis siya ng walang paalam, wala man lang text or tawag, tapos na kami. Tinapos ko na lahat kung anong meron kami noon."

"He told me you agreed to marry him, five years ago."

"Oh, so nag uusap na pala kayo nang maayos? Nag a-advise sa isa't-isa? Sweet niyo na pala, ah. Kaya pala wala ka ding sinabi sa akin kung ano na nangyayari sa kanya--"

"Dahil akala ko hindi ka na interesado sa kanya. You already moved on. Sinagot mo iyong akala namin kaibigan mo lang. Kaya bakit pa ako magkukuwento nang tungkol sa kapatid ko gayong ang dali mo lang siya palitan--"

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon