HM 57

717 36 41
                                    

Hindi ko na maalala kung anong oras natapos ang inuman ng mga kasamahan namin. Ang naalala ko lang ay sumama ako sa kwarto ni Misagh, at doon natulog. Laking pasasalamat ko na din na wala siyang ginawa para lumagpas pa kami dahil alam ko sa sarili ko na hinding-hindi rin ako tatanggi. Masyado ako mahina sa sinisigaw ng puso ko ng gabing iyon para hindi pagbigyan ang sarili. Buti nalang bukod sa pagtabi sa akin sa pagtulog wala na siyang ibang ginawa.

Ang pagtulog palang sa kwarto niya at yumakap sakanya ay maling-mali na. Kaya bago pa siya tuluyan magising ay maingat na akong umalis sa pagkakayakap niya at lumabas ng kwarto niya.

Nagkagulatan pa kami ni Sid nang lumabas din siya sa isang pinto na katapat ng kwarto ni Misagh. Naging malisyoso agad ang tingin niya sa akin nang mapagtanto kung kaninong kwarto ako galing.

"Don't start with me, Sid."

"What?" Natatawang tanong niya. "Defensive mo naman, Destiny. Ano, you feel sore ba?"

Umirap lang ako at naglakad na palayo. Rinig na rinig ko naman ang halakhak niya. Sana pala tumagal nalang iyong tampo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sakanya kaysa iyong ganito na ang aga-aga pa ay nabu-bwisit na ako.

Naabutan ko si Lily na gising na at nag-aayos na ng mga gamit niya para sa pag-alis namin sa araw na iyon. Saglit niya lang ako sinulyapan at parang hindi na siya nagtaka kung saan ako natulog pero dahil ayoko mag-isip siya ng kung anu-ano katulad ni Sid ay inunahan ko na agad siya.

"Natulog lang ako sa kwarto niya. Walang nangyari."

Sumulyap ulit ito sa akin saka nagkibit-balikat. "It's your life, Zyzy." Aniya. "Pero dahil concerned din naman ako sa'yo, mas mabuti kung makipaghiwalay ka muna sa boyfriend mo bago ka makipagbalikan kay Sir Dark."

Naglakad ako palapit sa gamit ko at kinuha ang maleta ko.

"Don't make yourself a cheater, Zyzy, hindi bagay sa'yo."

Napalunok ako at nagpatuloy pa din sa ginagawa, iniignora ang sinabi niya kahit na alam ko naman sa sarili na natamaan ako sa sinabi niya. May relasyon ako kay Andres, pero nakakaramdam pa din ako ng kung ano kay Misagh. Kung hindi pa pagtataksil ang tawag doon, hindi ko na alam.

Masayang nagpaalam ang mga kasamahan ko sa miyembro ng Hermosa, na sa loob ng tatlong linggo na training namin ay nakabuo na din sila ng pagkakaibigan. Samantalang halos gusto ko na makaakyat agad sa yate na maghahatid sa amin pabalik sa syudad bago ko pa siya ulit makita. Pero dahil hindi talaga umaayon ang panahon sa akin--natanaw ko na siyang papalapit sa amin suot ang cargo pants at itim na plain t-shirt niya na hapit pa sa katawan niya kaya ganun na lang ang pagpipigil ko sa sarili na sipatin ng tingin ang maskulado niyang pangangatawan.

"Sir D!" Bati ni Lily sakanya. Kaya napatingin na din sakanya lahat ng naroon sa pantalan.

"Sarap ng tulog, Tol, ah?" Walang ibang sabi ni Sid. Naramdaman ko pa nga na saglit sumulyap ito sa direksyon ko bago tumingin ulit kay Misagh. "Pagod yan?"

At dahil walang kamalay-malay ang iba sa takbo ng isip ni Sid, wala lang sakanila ang sinabi niya. Ngunit ako, alam na alam ko may ibang kahulugan iyon lalo na't sa paraan ng pagkakangisi niya sa amin ni Misagh. Hindi ko tuloy maiwasan tumingin ng masama dito. 'May araw din sa akin ang lalaking ito.'

Mahina lang siya sinuntok ni Misagh sa sikmura ng madaanan siya nito bago ito tuluyan lumapit sa kinatatayuan namin ng mga kasama ko. Kaya mula sa masama ng tingin ko kay Sid ay bigla ako nagseryoso lalo na't nasa akin na agad ang tingin niya, kahit na nilapitan na siya ni Captain Ralph at kinamayan.

"Thank you, Dark. At sa team mo."

Tipid na ngumiti siya kay Captain. "Salamat din, Ralph. Magkita na lang tayo sa syudad."

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon