HM 15

3.7K 267 80
                                    


UNEDITED

"Sabi niya mahal niya ako pero bakit niya ako niloko?"

Napahikab ako habang nakikinig kay Jay. Pag ganitong oras kasi dapat nagpapahinga na ako sa bahay pagkatapos nang buong araw na pakikisalamuha sa mga kriminal. Pero dahil sa problema ng kaibigan ko tungkol sa pag-ibig-- heto't nakatunganga akong nakikinig at pinapanood siyang tumagay ng ikalimang bote na ng beer niya.

"Ang sakit talaga ng ginawa niya, Zy. Binigay ko naman sakanya lahat, ah!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Bakla. Buti nalang medyo maingay din ang bar na pinuntahan namin, at may kanya-kanya ding mundo ang mga taong naroon.

"I really hate him!" Maarteng sabi ni Bakla at humikbi pa.

Nakikita ko naman na nasasaktan ang kaibigan ko, pero ewan ko ba, sa daming beses ko nang nasaksihan ang pag-iyak nila ni Tippy para sa mga lalaki, hindi ko na magawang maapektuhan o makisimpatya sakanila. Parang naging tagapakinig nalang nila akong dalawa tungkol sa kabiguan nila sa pag-ibig.

Malakas na napabuntong-hininga ako.

"Ihahatid na kita, Jay." Aya ko sakanya, at tatayo na sana ako para tulungan siya, ngunit umiling lang ito, at sumenyas ulit sa isang waiter na dumaan.

"Iinom pa ako." Matigas na sabi niya. Bagsak naman ang balikat na napaupo ulit ako.

Sinipat ko pa ang relong pambisig ko. At nakitang ala-una na pala nang madaling araw. Maaga pa ang pasok ko mamaya.

"Jay-" Magsasalita sana ako para yayain na siyang umuwi nang bigla na naman umiyak ulit ang Bakla. Akala mo babaeng-babae talaga siya sa pag-iyak niya.

"Hindi naman ako pumapalpak sa pagbibigay ng allowance sakanya. Pero bakit nakuha niya pa rin maghanap ng iba? Hindi pa ba ako sapat?"

Wala akong nagawa kundi makinig ulit sakanya. Ayoko naman siyang iwan lalo na't malayo si Tippy sa amin. Pero hindi ko na kinakaya ang naririnig mula kay Bakla. Ilan beses ko na kasi siyang binalaan sa mga nagiging lalaki niya pero ayaw paawat. Konting landi lang sakanya ay bumibigay agad. At kapag nasasaktan siya, ako naman ang nagiging taga-alaga niya. Tulad nalang nang nangyayari ng mga oras na yun. Konti nalang babagsak na siya sa kalasingan, at mahihirapan na naman akong ihatid siya sa condo niya. Hindi pa matatapos roon, maglilinis pa ako ng susukahan niya, papalitan ko pa ang suot niya at ipagluluto ko pa siya. Buhay nga naman.

"Ang sakit, Zy." Humahagulhol na sabi niya at sinubsob na ang sarili sa mesa. Tahimik lang ako nanonood sa kanya. Hindi ko naman alam kung papaano pagaanin ang loob niya. Ano ba namang alam ko sa pag-ibig na yan?

Yes, nagkaroon nga ako dati ng dalawang boyfriend. Pero kahit isa sakanila hindi tumagal. Iyong una ay highschool pa ako. Tumagal lang kami ng dalawang buwan. Samantalang iyong huli naman ay hanggang anim na buwan lang. Nahuli ko kasing may binabahay na palang ibang babae. Pero kahit isang beses hindi ko pa naranasan ang nangyayari kay Jay at Tippy. Nasaktan ako pero hindi ko maalala na umiyak ako sa mga lalaking yun. Mas iniyakan ko pa nga yung nawalan ako ng dalawang libo.

"Jay, hindi ako marunong tungkol sa pagpapayo." Simula ko nang tumahimik ito.

"Pero alam kong kaya mo yan. Lilipas din yung sakit na nararamdaman mo. At lahat ng pag-iyak mo ngayon? Tatawanan mo din. Ang daming lalaking dyan na mas higit sakanya, sigurado akong makakahanap ka ng mas magmamahal sayo, iyong hindi ka gagamitin at sasaktan. Iyong makakasama mong habang buhay at hinding-hindi ka iiwan." Natigilan ako nang mapagtanto ang sinabi. Grabe. Parang may pinaghuhugutan ako, ah. Kala mo naman may lovelife.

Napansin ko na hindi na umiiyak si Bakla.

"Jay?" Tawag ko sakanya. Bahagya ko pa siya niyugyog sa balikat. Ganun nalang ang pagkadismaya ko nang marinig na ang mahinang paghihilik niya.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon