HM 59

623 30 20
                                    

"Let's plan our wedding now, Zy."

Tumango lang ako at tahimik pa din nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Pabalik na kami ni Andres sa Manila nang hindi pa natatapos ang celebrasyon ng kasal nina Red at Tippy. And Tippy seems unhappy about it. Pero ayoko rin naman na tuluyan masira ang kasal niya dahil lang sa pagseselos ni Andres.

Pagkarating namin sa bahay ay agad na tinawagan ni Andres ang kakilala niyang wedding organizer. Nakita ko pa ang kaguluhan sa mukha ng kapatid kong si Zion nang marinig ang pag-uusap ni Andres sa telephono.

"Magpapakasal na kayo, Ate?" Tanong pa niya. Parang nagulat pa ito gayong matagal na rin nakaplano ang lahat.

Tumango lang ako at ginulo ang buhok nito. "Magbibihis muna ako." Sagot ko bago siya nilagpasan. Sinulyapan ko pa si Andres na seryoso nakikipag-usap sa wedding organizer mula sa telephono. Hinayaan ko na lang ito at pumanhik na ng ikalawang palapag.

Nakaramdam agad ako ng hungkag pagkapasok sa kwarto. 

Alam kong matagal ng nakatatak sa isip ko na kay Andres ako ikakasal-- pero hindi ko rin maiwasan kuwestyonin ang sarili kung tama ba to? Sapat na ba iyong nararamdaman ko kay Andres para tuluyan magpakasal sakanya? Hindi ko itatanggi na may nararamdaman din naman ako kay Andres. Hindi kami tatagal ng tatlong taon kung wala lang sa akin lahat ng pinagsamahan namin. I care about him. Mahal ko na siya dati bilang kaibigan. But Misagh being back, unti-unti ko din napagtanto na kung ano ang nararamdaman ko kay Andres--ibang-iba talaga sa nararamdaman ko noon kay Misagh at hanggang ngayon.

Kung hindi lang ako nag-iisip nang mabuti baka nakaya ko na naman isugal lahat ng meron ako tulad nang dati. Minsan na ako sumugal at halos ikamatay ko ang naging kabayaran. I lost everything even myself, so I won't do that anymore. Hindi sapat na mahal ko pa din si Misagh gayong hindi ako sigurado kung hanggang saan na naman ako dadalhin ng pagmamahal na iyon. Choosing Andres is the safe and right thing to do.

Nakatulugan ko ang pag-iisip, at nagising na lang kinabukasan at dahil na din iyon sa bulungan ng dalawang tao na nasa kwarto ko. Namataan ko sa isang sulok ng kwarto ko ang dalawang nakababatang kapatid at seryosong nag-bubulungan.

"Kapag kinasal na si Kuya Andres kay Ate, habang buhay na din natin siya kasama?"

"Mahal niya si Ate."

"That means magiging bahagi na talaga ng pamilya natin si Kuya Andres kapag naging mag-asawa na sila, that means kokontrolin lalo ni Kuya Andres iyong buhay ko!"

"Hinaan mo nga ang boses mo, natutulog pa si Ate." Saglit na lumingon sa direksyon ko si Zion kaya agad akong pumikit at nagkunwaring tulog pa din. 

"Ah, basta! kapag kinasal na sina Ate at Kuya Andres, aalis agad ako dito."

"Zaida."

Narinig ko ang pag-alis ni Zaida na agad naman ito sinundan ni Zion.

Muli kong dinilat ang mga mata at napatitig sa kakasarado lang ng pintuan ng kwarto. Isa rin sa dahilan ang mga kapatid ko sa pagdadalawang isip ko na magpakasal noon pa man kay Andres.

Noong mawala sina Nanay at Tatay, naging mahina ako. Hindi ko sila naasikaso tulad ng inaasahan ng lahat.  I lost my parents, at the same time I also lost my baby. Ramdam ko ang pag-iisa ko noon kahit naman halos hindi ako iniwan ni Jay, at si Tippy ang gumastos ng lahat mula sa pagpapa ospital sa amin, at mismo sa pagpapalibing sa mga magulang ko. Pero dahil may sarili din silang buhay, hindi ko kaya na patuloy maging pabigat sakanila.

Kaya kahit alam ko sa sarili na kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Andres, sinagot ko pa din siya. I was desperate to hold on to someone na alam kong hinding-hindi ako iiwan. Si Andres ang naging sandalan ko sa mga panahong iyon-- siya rin ang pumalit sa mga magulang ko sa buhay ng mga kapatid ko-- hindi katulad ni Zion na madaling nakapag-adjust sa pagbabago ng buhay namin at sa pagiging bahagi ni Andres sa pamilya namin-- Zaida seems not happy about it. Sa biglang pagbabago ng buhay namin, ay siya namang pagbabago ng tingin niya kay Andres.  She adore Andres when she was young at ngayon ay nagdadalaga na siya ay tuluyang lumayo ang loob niya dito. At tingin ko dahil na rin sa pagiging strikto ni Andres sa mga gala niya kaya pakiramdam niya ay wala na siyang kalayaan. I should talk to Andres bago pa tuluyan lumayas ang kapatid ko kapag kinasal na kami.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon