HM 26

4.6K 297 206
                                    

UNEDITED.

"Aba, nagpadala na naman ng bulaklak ang admirer ni Bautista!" Tukso ni SPO1 Lazaro nang makita ang delivery boy ng isang flower shop na hinahanap ako.

Napakamot ako sa ulo na tumayo sa pwesto ko at kinuha yun mula sa delivery boy na nasa entrance ng estasyon namin.

"Kayo po si Miss Zyra Bautista?" Tanong pa nito na tinanguan ko lang. May pinipirmahan muna ito sa akin bago tuluyang umalis.

"Wala pa rin bang pangalan, Bautista?" Tanong naman ni PO3 Fernandes na nakisilip pa sa card na nakasabit sa bulaklak.

Sending these beautiful flowers just to say I'm sorry again. Pagbasa ko sa card na hawak.

Ikalawang beses na to. At parehong lagi ganun ang nakasulat. Ang nakakapagtaka pa, wala naman akong maisip na tao na nakagawa sa akin ng kasalanan. Si Monteverde kaya?

"Flowers again, Piggy?"

Speaking of the devil.

Kakarating lang niya mula sa pagresponde. May hawak siya na isang lalaki na nakaposas sa likuran kasama pa ang dalawang pulis na rumesponde din.

"Sayo ba galing to?" Tanong ko sakanya.

Huminto siya kasabay nang pagsalubong ng kilay niya na sinulyapan ang dala ko.

"Kung gusto man kitang bigyan ng bulaklak, ako mismo ang mag-aabot nyan sayo." Sagot niya bago tinulak iyong lalaki na nakaposas papasok sa presinto.

"Kung hindi si Monteverde ang nagbigay nyan, meron ka pa bang naiisip na iba?" Usisa ulit ni PO1 Fernandes na hindi pa pala umaalis sa tabi ko.

Napaisip ulit ako. Kung hindi si Montervede, pwede din si Andres? Pero hindi, eh. Kilala ako nun na hindi gaano mahilig sa bulaklak. Alam din niya na kesa bulaklak, mas madali ako magpatawad kung pagkain ang isusuhol sa akin.

Si Misagh kaya? Nalukot yung mukha ko. Lalo naman yun! Parang hindi naman ang tipo niya ang magbibigay ng bulaklak kapag nakagawa siya ng kasalanan.

"Sayo na nga lang to." Pagsuko ko sabay bigay sa katabi na agad naman ngumisi.

"Salamat, Ganda! Matutuwa na naman yung girlfriend ko."

Napangiti nalang ako na bumalik sa desk ko. Pag ganitong nag-iisa lang ako na on-duty na babae sa estasyon, sa women's desk muna ko nakatalaga para sa tanggapan ng reklamo ng mga pananakit, at pang-aabuso sa mga babae at bata. Inshort, no action for tonight muna ang drama ko.

"Gusto mo ng kape, Piggy?" Alok ni Monteverde sa akin nang mapadaan siya sa tabi ko.

Umiling lang ako bilang sagot habang abala na inaayos ang ilang records sa mesa ko.

"Just tell me if you want some." Sabi pa niya bago bumalik na rin sa trabaho niya.

Nagtataka na sinundan ko siya ng tingin. Ano na naman kaya ang pakulo ng isang to? Nagiging mabait ata?

"Pag nakita siya ni Villamor, magseselos na naman yun." Sabi ni SPO1 Lazaro na nakatayo sa gilid at nakarinig sa sinabi ni Monteverde.

"Magkaibigan lang po kami ni Andres." Paglilinaw ko.

"Lalaki din ako, Bautista. Kabisado ko na yung tinginan ni Andres sayo. Ganun din kasi ako tumingin sa misis ko."

"Sir, halos pitong taon na po kaming magkaibigan ni Andres, at sa pitong taon na yun, wala naman siyang pinapakitang kakaiba. Kaya imposible po talaga yang sinasabi niyo."

Nagkibit-balikat to. "Hindi ko alam kung manhid ka or nagde-deny ka lang." Umalis na to habang naiwanan akong pinag-iisipan yung sinabi niya. 'Manhid ba talaga ako?'  Pero hindi. Una palang ganun na yung pakikitungo ni Andres sa akin, at kung totoong may iba siyang nararamdaman tulad ng napapansin ni Sir Lazaro, bakit nakayanan niya itago yun sa halos pitong taon?

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon