HM 61

292 19 20
                                    

Sinalubong kami ng dalawang kapatid ko nang makarating kami sa bahay. Wala pa si Andres, at iyon ang tamang oras para umalis kami. Kailangan ko nang tapusin ang lahat ng ito, pero hindi na ako maghihintay pa na magpaliwanag siya. Sapat na ang mga nakita ko.

Inayos ko ang mga gamit ko sa maleta habang sina Zion at Zaida ay nagtataka kung anong nangyayari. Ayoko pang sabihin sa kanila ang buong katotohanan, hindi muna ngayon.

"Ate, bakit tayo aalis?" tanong ni Zion habang sinisipat ang maleta ko.

"Saka ko na ipapaliwanag ang lahat," sagot ko, pilit pinapakalma ang boses ko kahit na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko.

Habang lumalabas ako ng kwarto, nakita ko si Misagh, tahimik na nakamasid sa buong bahay. Ni hindi ko naalala na inimbitahan ko siyang pumasok ng bahay--

"Ate, sino 'yan?" tanong ni Zaida, halata sa boses niya ang pagtataka.

Napalingon tuloy sa amin si Misagh at lumapit.

"This is Misagh," sagot ko nang maikli.

Zion's eyes widened a bit. Alam ko na naalala niya pa to. "Bakit siya nandito?"

"Kakilala ko lang siya dati," sabi ko, pilit na pinapatahimik ang pag-aalala ko sa magiging reaksyon nila.

"Dadalhin ko na to sa sasakyan natin." Alok ni Misagh at hindi na hinintay ang sagot ko, kusa niya na kinuha ang maleta na hawak ko at nauna ng lumabas.

"Kakilala?"Lumapit pa si Zion sa akin para bumulong. "Pero diba boyfriend mo siya dati?"

Sinamaan ko ito ng tingin. "Maghakot ka na nga!"

Pagkalabas namin ng bahay ni Andres, nagdesisyon akong mag-check-in muna kami sa isang hotel. Hindi ko pa alam kung saan kami tuluyang pupunta, pero alam kong kailangan naming umalis agad.

Habang nasa loob ng sasakyan ni Misagh, tahimik lang sina Zion at Zaida, parehong naguguluhan sa nangyayari. Si Misagh naman, hindi na nagsalita pa. Alam niyang wala na siyang magagawa kundi samahan kami hanggang makaalis kami ng maayos.

Nang makarating kami sa hotel, mabilis akong kumuha ng kwarto para sa aming tatlo. Tahimik lang ang mga kapatid ko habang umaakyat kami sa elevator, tila hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Pagkapasok namin sa kwarto, napabuntong-hininga ako. Sa wakas, kahit papaano, may konting katahimikan. Pero ramdam ko pa rin ang tensyon.

"Ate, bakit tayo dito?" tanong ni Zaida, hawak-hawak ang bag niya.

"Pansamantala lang tayo dito," sagot ko, pilit na iniisip kung paano ko sila papaliwanagan ng lahat. "May mga kailangan lang akong ayusin."

Naupo si Zaida sa kama at napatingin kay Misagh na nasa may pintuan. "Bakit nandito si kuya Misagh?" tanong niya, halatang nahihiya dahil hindi niya talaga kilala ang lalaki.

"He's just helping us out," sagot ko, sinusubukan kong gawing simple lang ang sitwasyon. "Pero aalis na din siya."

Pagtingin ko kay Misagh, nakatingin lang siya sa akin. "Aalis ka na diba?" May halong pagtataboy na tanong ko, baka kung ano-ano na naman ang tanungin ng dalawang kapatid ko, may pagka madaldal pa naman ang mga ito.

"If you need anything, I'm just one call away," sabi niya, pero alam kong naiintindihan niyang kailangan kong bumangon mag-isa.

Ngumiti ako ng bahagya. "Salamat, Misagh. But I’ll handle this. We’ll be okay."

Habang inaayos ko ang mga gamit namin sa hotel room, hindi ko maiwasang mapatingin ulit kay Misagh, na patuloy pa ring nakatayo malapit sa pintuan. Alam kong gusto niyang manatili at siguraduhin na okay kami, pero hindi ko kayang dumepende sa kanya ngayon.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon