HM 6

2.5K 232 15
                                    

Not Edited...

Hindi ko alam kung anong oras na o kung ilang araw na akong nakakulong sa kwarto na pinagdalhan sa akin, pero isa lang talaga ang alam ko, gutom ako. Gutom na gutom na, at ang hayop na si Misagh, mukhang wala talaga akong balak pakainin hangga't hindi ko sinasabi sakanya ang pangalan ko.

"Ano bang gagawin mo sa akin?" Tanong ko nang makabalik ito at may dalang briefcase. Nilagay niya sa isang upuan ang dala bago ako hinarap.

"Wala kang pakialam." Walang emosyon na sagot niya bago niya pinagpatuloy ang ginagawa na pagkalkal sa dala niyang briefcase.

Napalunok ako at sinubukan ko pa rin maikalas ang tali sa mga kamay ko. Mula pa kanina ay pinipilit ko na makawala pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga magawa. Mukhang sinadya niya na higpitan ang pagkakatali sa akin para hindi nga ako makatakas. Sigurista din ang kriminal na to.

"Nagsasayang ka lang ng lakas sa ginagawa mong yan." Muling pagsasalita niya nang hindi tumitingin sa akin.

Tinigil ko na ang pagsubok na maikalas ang tali sa kamay ko, at pinukol nalang siya ng masamang tingin.

"Pakawalan mo na ako! Wala ka ding mapapala sa pagdukot at pagtatali sa akin!"

Padamog na sinarado niya ang briefcase, pagkatapos ay muli akong tiningnan. "Ibalik mo sa akin ang kwintas, at ibabalik ko sayo ang buhay mo."

Natahimik ako. Kahit gusto kong ibigay sakanya ang hinihingi niya alam kong imposible na. Wala na rin akong ideya kung nasaan na ang kwintas. Paniguradong papatayin niya ako pag nalaman niyang naiwala ko iyon.

Pinikit ko ang mga mata ko. 'Ano ba tong napasukan kong gulo?'

Narinig ko ang paghila niya ng upuan. Napadilat ako ng mata at tiningnan ulit siya. Tumingin din siya sa akin pero saglit lang iyon at pumunta siya sa likuran ko. Napalunok ako ng maramdaman ko na kinalas niya ang tali sa kamay ko.  Sinubukan ko pa pumiglas sa pagbabakasakaling may pag-asa ako na labanan siya. Ngunit masyado siyang malakas para sa akin. Akala ko papakawalan na niya ako pero nilipat lang niya ang pagkakatali sa mga kamay ko sa harapan.

Napasinghap pa ako ng mas lalong hinigpitan pa niya ang pagkakatali. Paniguradong magmamarka iyon.

"Wala na bang paraan para mapakawalan mo ako? Hindi ako pwede magtagal dito. May trabaho at pamilya ako."

"Sana inisip mo yan bago mo mo ko kinalaban." Masungit na sagot niya at pumuwesto na siya sa upuan na nasa harapan ko. Noon ko lang napansin ang isang maliit na kutsilyo na kinuha niya mula sa briefcase na dala niya kanina.

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahan na tanong ko.

Tumingin siya sa akin at mabagal pa na nilinis niya sa paningin ko ang maliit na kutsilyo na hawak.

"Don't worry, maglalaro lang tayo."

Muli akong napalunok. Mula ata nang masaksak niya ako may takot na ako sa kutsilyo.

"Ibibigay ko sayo ang kwintas mo, pakawalan mo muna ako." Sinubukan ko tapangan ang boses para hindi niya mahalata na nagsisimula na akong matakot sakanya.

Umiling ito. "Ikaw ang nakatali, kaya ako dapat ang masusunod."

"Paano ako makakasiguro na bubuhayin mo nga ako kapag sinabi ko sayo kung nasaan ang kwintas?!"

Huminto ito sa paglilinis sa kutsilyo niya at galit na tiningnan ako. "You don't have a choice here but to trust me."

"I don't trust you. Kriminal ka, mamatay tao!"

Ngumisi ito sa akin. Iyong ngisi na akala ko ay demonyo talaga ang nasa harapan ko na nagtatago lang sa isang lalaking may gwapong pagmumukha. 'Wait. Sinabi ko bang gwapo siya?' Pinilig ko ang ulo.

Hunting MisaghTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon